ANG BATA SA AMBULANCE

14.3K 161 24
                                    

Araw- araw tayong nakakarinig ng serena ng ambulance at araw- araw nating nakikita ito sa daan na humahagibis ng takbo sakay ang mga pasenteng isusugod sa ospital. Normal nang mahahawi ang mga sasakyan at binibigyan ng daan ang ambulansya. Araw- araw na itong nagaganap sa daan...

Hindi maintindihan ni April ang sarili kung bakit nakasanayan na niyang sa tuwing may maririnig siyang bumubusinang ambulance sa daan ay napapatingin siya. At kahit na nasa loob siya ng kanilang tahanan, kapag may mapapadaang ambulance ay sumisilip siya sa butas ng dingding ng bahay nila. Ang weird niya 'no?

Kaya dahil sa kawerduhan niyang iyon ay kung anu-ano na ang nakikita niya. Alam niyang ang iba sa atin ay hindi maniniwala pero talagang may nakita siyang isang nakakapanindig-balahibong NILALANG...

***

Mag-aalas sais na iyon ng gabi noon...

Nakaupo si April sa isang pahabang silya sa labas ng kanilang bahay at tahimik na nakamasid sa buong paligid. Ang pwesto niya ay paharap sa may kalsada. Ipinatong niya ang kanyang braso sa may mesa at nangalumbaba.

Sa buong maghapon ay nakatunganga lamang si April. Halos ganoon naman siya araw- araw. Nauubos ang oras niya sa pag-iisip ng kung anu- ano. Lagi niya ring iniisip ang kanyang thesis at practicum na sana ay kina-conduct na niya ng mga sandaling iyon.

Dahil sa kakulangan ng pinansyal, nahinto siya sa pag- aaral. Nanghihinayang siya dahil isang semester na lamang sana at ga-graduate na siya. Ngunit wala na siyang magagawa dahil hirap talaga sila. Nagkasabay- sabay pa silang magkakapatid sa pag- aaral. College na rin ang mga nakababatang kapatid niya. Kaya ngayon ay isa siyang dakilang tambay.

Mga ilang minuto din siya sa ganoong posisyon nang makarinig siya ng busina ng ambulance. At tulad ng nakagawian ay binantayan niya ang pagdaan niyon sa harap ng bahay nila. Pero sa pagkakataong ito ay may kababalaghang nangyari.

Naririnig na niya ang papalapit na sasakyan. Di niya inalis ang tingin sa daan. Talagang inabangan niya ang pagdaan niyon sa harap niya. Para nga siyang baliw kung tutuusin. Bakit nga ba niya pinag-aaksayahan ng panahon ang bagay na iyon? Ang weird niya talaga. Siguro dahil naaawa siya sa mga pasyenteng sakay niyon? Minsan nga na-imagine pa niya na siya ang sakay no'n... Ang tanga lang, dib a? Di lang siya weird, nababaliw pa siya at kung anu-anong masasamang bagay pa ang iniisip niya.

Tsk...

Ayan na ang ambulance, dumaan na sa harap niya, pero teka...

"A-ano 'yon?? I-isang b-bata?? What the... Bata ba talaga iyong nasa ibabaw ng bubong ng ambulance??" aniya sa isip. Namamalik-mata na naman ba ako?? A-ano 'yon, m-multo??

Bigla siyang napaangat mula sa kinauupuan niya at kinilabutan. Napakurap-kurap pa siya at ilang sigundo ding natulala. Pabalik-balik sa isipan niya ang nakita.

My God! Nakatingin pa ang batang iyon sa akin! Nakakatakot ang itsura niya!

Nakaupo ang batang iyon sa itaas ng ambulance. Yakap nito ang mga paa at wala itong anumang saplot sa katawan. Blangko ang expression ng mukha. Madilim ang paligid ng mga mata niya. Tuyot na at walang buhay ang kulay ng balat, iyon bang sobrang putla at nangingitim. Kahawig ng batang nasa media (sa side---->) ang batang nakita niya.

Ang mukha ng batang iyon...ng multong iyon ay hinding-hindi niya makakalimutan sa tanang buhay niya. Siguro kung may hawak-hawak lamang siya ngayong lapis at papel, malamang nai-drawing na niya ang itsura niyon.

Naikwento niya ang panyayaring iyon sa kanyang kapatid. Noong una hindi ito naniwala pero sa kalaunan ay naniwala na rin ito at kinilabutan. Kaya sa tuwing may dumadaang ambulance, napapatingin na din ito at agad tinatanong kung may nakikita pa rin ba siya pero wala na. Tinatakot pa siya nito pero hindi naman na siya natatakot. Tinatawanan na lamang niya iyon.

Ang hindi lamang niya maunawaan ay kung bakit nagpakita ang batang multo na iyon. Nagkataon lamang ba iyon? At sa dinami- rami ng maaaring pakitaan ay siya pa talaga ang nakatiyempo.

Sa kalaunan ay natatawa na lamang si April sa tuwing naaalala niya ang bagay na iyon. No harm done naman.

***

@prima24

TOTOONG KWENTO NG KABABALAGHANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon