ENGKANTO SA PUNO NG BALETE

6.9K 58 4
                                    

ENGKANTO SA PUNO NG BALETE


Habang abala sa pagsusulat si April, naririnig niya ang kwento ng kanyang ama sa mga kaibigan nito habang umiinom ng alak. Hindi niya maiwasang makinig dahil bigla siyang nagka-enterest. Tungkol iyon sa kanyang Lolo Tinong na ngayon ay pumanaw na. Ang kwento ng kanyang ama, minsan daw ay pinaglalaruan ang kanyang lolo ng mga enkanto na nakatira sa puno ng balete sa harap ng kanilang tahanan noon...

Tanghaling tapat iyon at nasa bukid si Lolo Tinong at nagtatanim ng mais at kamote. Nasa kasagsagan siya ng pagtatanim nang makarinig siya ng isang sigaw. Nahumindig siya nang mapagtantong tinig iyon ng isa sa mga anak nitong dalaga. Agad na iniwan niya ang pagtatanim at mabilis na tumakbo pababa ng farm kung saan sila nakatira. Hangos na hangos siya nang bumugad sa labas ng kanilang bahay.

"Anong nangyari, bakit ka sumisigaw?" tanong ni Lolo Tinong sa kanyang anak na si Damaris.

"Sumisigaw? Hindi po ako sumisigaw." Sagot ni Damaris.

Nagtaka si Lolo Tinong sa sinabing iyon ng kanyang anak. Napaisip siya at ang hinala niya ay pinaglalaruan siya ng mga nilalang na hindi nakikita. Noong una pa lamang ay alam na niyang may engkantong naninirahan sa punong balete sa harap ng kanilang bahay. Alam niya iyon dahil siya mismo ay may kakayahang makakita ng ganoong nilalang.

Noong una ay hinayaan na lamang niya ang nangyari at kinalimutan. Ngunit dahil muling naulit iyon ay hindi na napigilan ni Lolo Tinong na gumawa ng aksyon. Nangyari iyon nang paglaruan ang isa niyang anak na lalaki, si Uncle Shim.

Napapansin nilang may kakaibang nagyayari kay Uncle Shim. Nagsasalita ito nang mag-isa na waring may kinakausap. Minsan ay tahimik ito. Minsan naman umaakyat ito sa puno ng balete at may kung anong tinuturo mula doon. Minsan nawawala ito at hindi nila mahagilap. Kung saan-saan nila hinanap pero hindi nila makita. Ngunit hindi sila tumigil hanggang sa makita nila ito sa may pangpang, nakaupo sa buhanginan at nakaharap sa bilog na buwan. Nabaghan sila dahil nagsasalita uli ito nang mag-isa at parang may kausap na hindi nila nakikita. Napapalatak si Lolo Tinong sa nangyayari at nagtitimpi. Hanggang sa isang araw,nang nasa harap sila ng hapag-kainan, biglang nawalan ng malay si Uncle Shim. Binalak itong kunin ng engkanto subalit hindi makakapayag si Lolo Tinong. Tuluyang nawala ang pagpipigil niya at nainis sa nilalang na iyon.

Kinuha ni Lolo Tinong ang kanyang itak at ang kanyang Bibliya. Wala kaabog-abog na lumabas siya ng bahay at tumungo sa harap ng puno ng balete. Hindi natatakot si Lolo Tinong sa maaring mangyari sa kanya. Basta ang alam niya, hindi siya kayang gawan ng masama ng mga nilalang na nakatira sa punong iyon. Binasa niya ang isa sa mga tekstong nakasulat sa Bibliya. Pinapaalis niya ang mga nilalang na iyon gamit ang mga salita ng Diyos na nakasaad mula dito. Pagkatapos ay pinutol niya ang puno ng balete. Walang nangyaring masama sa kanya. Naniniwala siyang hindi siya masasaktan ng mga nilalang iyon dahil malakas ang pananalig niya sa Diyos. Matapos ang pangyayaring iyon ay nanumbalik na sa normal ang kanilang pamumuhay at hindi na kailanman ginambala pa ng mga engkanto sa puno ng balete si Uncle Shim at tuluyan naglaho ang mga nilalang na ito.

Marami ang namangha sa ginawang iyon ni Lolo Tinong. Malakas lamang ang pananampalataya niya sa Diyos kung kayat nagawa niya ang isang pambihirang bagay.



TOTOONG KWENTO NG KABABALAGHANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon