BATA SA BOARDING HOUSE

5.5K 98 11
                                    

July 07, 2014

That day,  naikwento ni April sa mga officemate niya ang isang kababalaghang naranasan niya, iyon bang bata na nakita niya sa ibabaw ng bubong ng isang ambulance. Natatandaan niyo ba ang kwentong iyon?? Sa mga hindi pa nakakabasa, ito po ang title niyon, ANG BATA SA AMBULANCE.

At iyon na nga, habang kinukwento niya iyon, bigla niyang naalala ang isa pang kababalaghang naranasan niya. Nangyari iyon noong nag-aaral pa siya sa college. Mas nauna pa nga iyong nangyari kesa sa kababalaghan sa ambulance. Natawa nga siya kung bakit bago lang niya naalala.

 And here goes the story…

Kadarating lamang noon ni April galing sa school. Mga alas sais na din iyon ng gabi. Pagpasok niya sa may gate ng kanilang boarding house, tanaw na niya agad sa may bintana ang nanay ng boardmates nila ng kanyang nakatatandang kapatid na si ate Bem-bem na kasalukuyan noong nanonood ng isang programa sa telebesiyon. Galing pa ito sa malayong bayan at binibisita ang mga anak. 

Magkatabi lang ang kwartong inuukupahan nila at nauunang madadaanan ang pinto sa kabilang kwarto.

Papasok na sana si April sa kwarto nila nang mapansin niya ang isang ulo ng isang bata sa may bintana sa kabilang kwarto at mukhang nakikipanood din. Noong una, inakala niyang kapatid iyon ng boardmates nila kaya di na niya iyon pinansin pa at tuluyan na siyang pumasok sa loob ng kanilang kwarto.

Two hours later…

Ilang minuto matapos nilang maghapunan nang tawagin si April ng boardmate niyang si Bea mula sa kabilang kwarto.

“ ’Pril! ‘Princess and I’ na!” sigaw ni Bea. Tukoy nito ang inaabangan nila na teleserye ng abs-cbn tuwing week-nights.

“Huh?” tanging nasabi niya at mabilis na tumungo sa kabilang kwartong inuukupahan nina Bea. Pagkapasok ni April ay agad siyang pumuwesto sa may single bed katabi ng bintana at malapit sa pinto na kung saan nakapwesto ang batang nakita niya kanina.

TOTOONG KWENTO NG KABABALAGHANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon