MASAMANG PANAGINIP

2.6K 26 3
                                    

Sabi nila, bawal daw matulog pagkatapos kumain dahil ito ay nagiging sanhi ng pagkakaroon ng masasamang panaginip o ng bangungot. Pero sa kaso ni April ay iba ang pananaw niya. Narealize niya iyon ng minsang managinip siya ng masama. Nangyari iyon matapos niyang magbiro ng masamang bagay lalo na kung gabi.

***

November 2014...

Tapos na ang office hour niya kaya naghahanda na sa pag-uwi si April ng gabing iyon nang biglang mag-aya ang kanilang boss na magbar hunting. Agad namang pumayag ang mga officemates niya na sanay sa mga ganoong lakaran maliban sa kanya na nagdadalawang isip pa. Hindi siya mahilig sa mga ganoong mga bagay lalo pa't hindi siya umiinom ng alak kung kaya't agad siyang tumanggi ngunit naging mapilit ang mga ito.

"Sige na April, minsan lang naman ito." Pagpupumilit sa kanya ng kaibigang si Ai.

"Oo nga, huwag ka ngang KJ," segunda naman ni Jay.

Napabuntong hininga siya tanda ng pagsuko. Napipilitang sumunod siya sa parking lot kung saan nakapark ang kotse ng boss nila. Dali-daling sumakay sa kotse ang mga officemate niya na halatang excited.

Ah, mukhang siya lang ang hindi.

Napailing siya.

"Saan ba tayo unang pupunta?" Tanong ng boss nila na si Ms. Ross. Kanya-kanya namang suggestion ang mga kasama niya.

Makalipas ang halos kalahating oras na biyahe ay nakahanap sila ng isang bar na malayo sa mismong town proper.

Namangha siya sa istilo ng lugar na itinulad sa isang galleon. Pagpasok sa loob ay napakaclassy at elegante ang desenyo. Sa kabuuan ay maganda ang bar ngunit hindi ito ang tipo na pwedeng mag-ingay na tulad sa mga disco bar sa town.

Muli silang bumiyahe at napagpasyahang tumungo sa isang five star hotel ilang metro ang layo mula sa bar.

Iyon ang unang pagkakataon ni April na tumapak sa pamosong hotel sa kanilang bayan. Imbes na mag-bar hunting ay naglibot-libit sila sa makawak na pasilyo ng hotel maging sa garden at sa swimming pool. Nang makarating sila sa likurang bahagi ng hotel kung saan nasa tabing dagat, lumakad sila sa mahabang daan na gawa sa matibay na kahoy patungo sa classy cattages na may kamahalan ang upa. Habang naglalakad ay di nila mapigilang magbiruan. At dahil medyo gabi na at madilim sa lugar na iyon, nagbibiruan sila ng mga nakakatakot na bagay.

"Hala Ma'am, sino 'yang nasa likuran mo?" Biro ni April sa boss niya. Kunwari ay nakakakita siya ng kung ano sa likod nito katulad ng mga napapanood niyang horror movies. Tumawa lang ito at sinakyan ang biro niya.

Na sana ay hindi nalamang niya ginawa.

Umabot din sila ng mga kalahati pang oras bago nila napagpasyahang umuwi.

Nang nasa kalagitnaan na si April sa pagtulog, tila nagising ang diwa niya ngunit di niya magawang magmulat ng mga mata. Para siyang nasa gitna pa rin ng kanyang panaginip. Tulog ang katawan niya ngunit ang isip niya ay gising na gising.

Nakita na lamang niya ang kanyang sarili na nakahiga papag na lagi niyang pwesto kapag natutulog habang takot na takot na nakatitig sa ilalim ng aparador. May kung anong gumagapang doon. Dahil madilim ay tanging ang anino lang ang nakikita niya. Mayamaya unti-unti na niyang naaaninagan iyon. Doon siya tuluyang natakot ng husto. Isang babaeng... multo?

Unti-unti iyong gumagapang palapit sa kayang kinaroroonan. Tila itong si Sadako na lumabas mula sa ilalim ng aparador. Mahaba ang buhok at natatakpan ang mukha.

Gustong sumigaw ni April pero di niya magawa dahil parang may pumipigil sa kanya. Hindi niya rin magawang igalaw ang katawan niya kahit isang daliri lang. Gusto niya ding dumilat pero parang ang bigat- bigat ng talukap ng mga mata niya. Para siyang may sakit at nagdidiliryo.

Kailangan kong gumising... Anas ng gising niyang diwa

Kahit isang kamay lang, kailangan kong magalaw.. Nagpapanic na siya.

Gumalaw ka, please...

Lord, please paggisingin niyo po ako... Usal niya.

Noon lang tuluyang nagising si April sa isang masamang panaginip. Nakahinga siya ng maluwag.

Lord, thank you po... Pagpapasalamat niya dahil nagising siya sa bangungot na iyon.

Noon niya naisip ang ginawang pagbibiro niya ng nakakatakot. At simula noon ay hindi na niya sinubukang gawin iyon. Parang naging aral na sa kanya iyon.

***

Published: June 17, 2016

TOTOONG KWENTO NG KABABALAGHANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon