"Sa tingin mo makikilala na natin ang the one natin this school year?" Karen asked.
"The one my ass." Sabi naman ni Angel habang umiirap pa. Kinuha niya ang remote at namili na ng pelikula na panonoorin.
"Malay mo naman diba?" Sabi ko.
"Oo nga! Ang bitter mo Angel! Saka mag 17 na tayo noh!"
"Lol no. We don't need one, ang babata pa natin kahit na 17 na tayo." bored na sabi nito at kumuha ng chichirya sa lamesa. "At hindi ako bitter Karen."
Ngumuso si Karen sa tinuran ni Angel, at nakita ni Angel iyon kaya naman ay pinitik niya ito sa braso. Gumanti si Karen at nagpipitikan sila. Natatawa nalang ako pag nakikita ko silang ganyan.
Destiny? The one? Hindi ko napigilan na matawa, kung ano-ano talaga ang naiisip ni Karen. Hinablot ko ang chichirya na binuksan ni Angel at kumain. Ilang saglit pa ay tumahimik kami at nanood na ng matiwasay nang magsalita ulit si Karen.
"How about we set a sign for our the ones ahah? Para sa Mr. Destiny natin! Naaaks!" Suggest ni Karen. "Sakin, siya na ang the one ko pag sinabi niyang ako ang dream girl niya. Waaah! Nakakakilig yun! Isipin mo lahat ng gusto niya nasayo na, ikaw ang ideal type niya! Panigurado di na maghahanap yun ng iba." Sabi pa niya habang kinikilig.
"You never know Karen, lahat ng matatamis na salita sasabihin nila para lang mahulog ka at paglaruan nila!" Napangiwi ako sa sinabi ni Angel .
"Ang bitter ha! Kala mo naloko na siya eh, NBSB naman!" Na triggered siya HAHAHA. Umirap lang si Angel.
"Yung iyo?" Karen.
"Anong akin?" Angela.
"Yung sign ng iyo?"
"Tss is it even necessary? WALA. " Inis na bigkas niya.
"Dali na kase! Kahit ano nalang!"
"Tss fine. A guy with a pink star framed glasses. It can be on a picture. It can be a new picture or an old one." She said. Napa hampas na lamang ako sa noo ko. Ayaw na ayaw niya talaga ha?
"Ikaw Scott?" Hmm ano ba? Actually wala naman akong paki. Kontento na ako kay Darren, pero para di Kj sumagot ako.
"A guy wearing a blue ribbon on his head? It can be anywhere, anytime. Basta pag may nakita kayong ganun, siya na." Bored kong sabi.
"Tss, mukhang magiging single kayong dalawa ni Angel habang buhay!" Maktol ni Karen.
"So what?" Sabi ni Angel.
"Anong so what ka dyan? Akala ko ba bridesmaid tayo ng mga kasal natin? Magiging ninang ako ng anak niyo at ninang kayo ng magiging anak ko? Ano na?!!" Ngumiwi si Angel sa narinig.
"Marami pang pagkakataon Karen, don't overreact." Nagbangayan na sila ni Angel.
Is it really possible though? To set a sign. I sighed at nanood na lamang ng palabas. Hindi ko na pinansin ang pagbabangayan ni Angel at Karen.
BINABASA MO ANG
Blue Ribbon (Destiny Series#1)
Non-FictionPaano mo masasabing siya na talaga si 'The One'? May mararamdaman ka nalang ba bigla para sakanya? May bubulong ba sayo na siya na yung 'The one'? Hindi ba parang ang creepy? Eh paano kung ikaw na mismo ang nagdesisiyon? Feeling cupido ka eh. An...