Naglalakad kami ngayon sa SM North, paikot ikot lang kami at wala ring magawa.
"Hayys! Ano bang pwedeng gawin? Nood tayo sine?" Suggest ni Karen. Ano namang magandang panuorin?
"Magastos, at isa pa. Walang magandang papanuorin eh." Reklamo ni Angel.
"Kain nalang tayo?" Suggest ko.
"Tara!" Excited na sabi nung dalawa.
"Saan tayo?"
"McDo!!! Yeey." Excited na excited si Karen. Hinananap namin yung McDo at si Angel na yung pumila. Alam niya na ang oorderin, ang fave naming Chicken fillet! Naghanap kami ni Karen ng table at nakahanap naman sa bandang dulo. Ngiting ngiti naman si Karen.
"First time natin mag SM magkakasama. Lagi kasi akong nasa Taguig o kaya di pinapayagan ni mama." Nakangiti siya habang nagsasalita.
"I'm glad you're happy." Hinawakan ko siya sa kamay. "And we intend to do it forever." Sabi ko sabay kindat.
"HAHAHAHA ano ka boyfriend ko? Ayos pagpapakilig mo ha."
"Aba syempre. Ako nalang kesa yung mga manloloko mong type na lalaki."
"Na hurt ako dun ha. Ewan ko ba, bakit laging ganoong klase ng lalaki ang nagugustuhan ko." She's smiling so happily yet her eyes is telling me otherwise.
"Hayys. Kasi naman babae! You don't know your worth! Mas worth it ka pa sa inaakala mo. Mag hanap ka ng mas better, yung deserve mo kasi the best ka!" Encourage ko sakanya. I'm not telling a lie, this girl is seriously the best. She's so sweet, responsible, lovable, pretty, tall, sexy, smart din, at higit sa lahat, ma effort. Di ko alam kung bakit siya niloloko ng mga hinayupak!
"Mukhang may heart to heart conversation kayo ah. Anong pinaguusapan niyo?" Tanong ni Angel. Tinignan ko siya at I mouthed 'The usual' at tumango siya. Kakarating niya lang dala ang order namin. Nilapag niya sa harap ko ang chicken fillet at extra rice. Meron din akong fries, actually lahat kami at sundae.
"Hmm! Ang sarap talaga neto." Sabi ni Karen habang sinasawsaw sa sundae yung fries. I did the same, Masarap eh. Tinignan lang mami ni Angel at umiling. Tumayo siya bigla.
"San punta mo?" Tanong ko.
"Kuha ako ng gravy." Ngiting ngiti siya habang hawak yung maliit na cup na wala ng laman. Paborito niya yung gravy sa McDo eh. Nakita kong pinuno niya yung cup pero dinala niya parin yung parang kettle at sinabawan ang kanin niya. I slapped my forehead with the sight of her rice floating dahil sa dami ng gravy
"Oyy tama na yan. Lumulutang na kanin mo." Sabi ko. Ngumuso siya at binalik yung kettle sa dulo ng counter. Pagkatapos nun ay nagsimula na rin kaming kumain.
Sundae nalang ang natitira sa akin at si Angel ay fries nalang. Si Karen pinaglalaruan yung yelo sa baso niya.
"Tara na?" Tanong ni Karen. Tumayo na si Angel kaya tumayo narin ako. Pagkalabas naming ng McDo ay dumiretso ng lakad si Angel.
"San punta natin?" Tanong ko.
"NBS. Bibili ako ng school supplies, muntik ko ng makalimutan na bag palang pala nabili ko at mga sapatos." Whaat? Malapit na pasukan ah?!
"Ano?! Di ka pa nakakabili ng school supplies?! Malapit na pasukan ahh!" parehas kami ni Karen ng reaksiyon.
"Wala ganun talaga, ang dami ko namang bibitbitin nun!" Tamad niyang sabi at nagpatiuna.
Pagkapasok ng NBS ay nilagay namin sa counter yung bag namin. Naka stock naman na yug mga notebooks sa harap kaya di na nahirapan si Angel. Ang arte nga mamili eh, gusto maganda design. Umikot siya saglit at pagbalik niya may dala na siyang blue cartolinas, manila paper, markers, ballpen, meron ding folders na may design, attache case, bond papers, pad papers simula 1/4 hanggang whole at illustration boards.
BINABASA MO ANG
Blue Ribbon (Destiny Series#1)
Non-FictionPaano mo masasabing siya na talaga si 'The One'? May mararamdaman ka nalang ba bigla para sakanya? May bubulong ba sayo na siya na yung 'The one'? Hindi ba parang ang creepy? Eh paano kung ikaw na mismo ang nagdesisiyon? Feeling cupido ka eh. An...