1

19 1 0
                                    

"Saan ba dito yung apartment?" Kanina pang tanong ni Karen. We are currently looking for the apartment we will be staying for the next two years, possibly.

Nasa tapat lang kaming village noong school. We chose to stay here kasi mas convenient. Malapit lang, mura at safe. Ang sabi kasi, iyon daw yung pinaka secured na apartment dito sa lugar na ito, plus affordable pa.

I'm actually with my future room mates slash best friends.

"Don't be so loud gosh. Wag mong ipagkalat na naliligaw tayo, baka mamaya may mag tangka. Di ako ready, may dala akong mga boxes at bags." Sabi ni Angel, She has always been cautious.

"Akala ko ba walking distance lang yung apartment bes? Kanina pa tayo naglalakad." Dagdag pa niya. Actually, 'di ko rin alam.

"Hala si mama yung nagayos nun eh, malay ko kung saan yun." Sinimangutan ako nung dalawa.

Paikot ikot lang kami dito, sabi kasi sa tapat lang ng school. Kanina ko pa nakikita yung medyo malaking 4 storey building duon banda sa kanto, kaso baka mali ako. Marami rami ring mga apartment dito kaya baka magkamali kami ng puntahan.

"Tara check nalang natin lahat ng apartments, ano ba ang name nung building?" Tanong ni Angel.

"Momoi Building." Tinignan ako ni Angel, naka taas ang kilay para bang hinihintay na sabihin kong nagbibiro ako. Umiling ako tapos tumawa.

"Seryoso?" Tumango ako at nginitian siya. Napangiwi si Angel, at si Karen akala mo nawawalang tuta na nakatingin lang samin ni Angel. Nakita kong naglalakad si Angel patungo duon sa isang building, nagtaka ako at mukhang siguradong sigurado siya na duon.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko.

"Duon." Sabay turo niya duon sa isang building. Duon nga siya papunta. "Why?" I asked.

"Duh sabi mo Momoi building diba? Ayun oh." Sabi niya. Tinignan ko ang tinuro niya and then I saw a sign that says 'Momoi Apartments'.

Nagunahan pa kami ni Karen sa pagpunta duon. It was a nice building at nakita kong may mga eatery sa gilid ng apartment, nasa labas pa lamang kami ng gate ay nakikita ko na ang maraming mga halaman. Mayroong doorbell sa gate at nakikita mula sa labas ang mga CCTV sa bawat kanto ng gusali.

"Waah ang ganda." Excited na sabi ni Karen. This girl is so hyper. Nag doorbell si Karen, mga 3 beses. Kung hindi pa siya hinila ni Angel baka naka ilang doorbell ang babaeng iyon.

Narinig ko pinapakalma ni Angel si Karen. Natatawa nalang ako pagnagkakaganito sila. Nagtatalo pa yung dalawa ng makarinig kami ng tikhim sa likod ko.

"Tapos na ba kayo? At pumasok na kayo kasi maggagabi na at delikado." said by a tiny voice. Napatingin kami sa kanya at natahimik.

"Snow White." bulong ni Karen. Natawa ang babae at nagsalita. "Kayo ba ang tenants na nagpareserve? Pumasok na kayo at sa loob para maibaba na ang mga gamit niyo." malumanay niyang sabi.

"Thank you po!" Sabay sabay naming bigkas.

"By the way, My name is Momo and I am the owner of this building." We shook her hand and she welcomed us in.

Pasulyap sulyap kaming tatlo sa mukha niya, the truth is she's reaaaaal pretty, her short raven black hair, fair skin and full red lips, she is the real life embodiment of Snow White.

Hindi namin napansin ang taas ng inakyat namin dahil sa pag sulyap kay Ms. Momo.

"This will be your room ladies, in fact, dalawa lang dapat ang tenants sa isang room pero pagbibigyan ko kayo." Nginitian namin siya. She really did us a favor.

Blue Ribbon (Destiny Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon