The Exchange Chapter Twenty (Final Chapter)

25 0 0
                                    

¢hapter 20

(The Final Fall)

<Louie POV>

"Paano mo nagawa sa amin to?"

"Louie, huwag mo sanang isipin na napakasama kong tao. Luigi was already dead. And I tried to revive him and succeeded. I convinced myself na tutal ang alam niyo naman ay patay na si Luigi so why not give you fake ashes, diba?"  -Lucas

"Bakit mo kailangang tanggalin sakin ang alaala ko?" -Luigi

"Bakit? Susunod ka ba sa lahat ng gusto ko kung hindi ko ginawa yon? That was my only way to get to know and discover more the magic in you. I want to know how to do what Gina Cruz can do. But Morrie is such a slow learner! So I have to do it my way!"   -Lucas

"Anong ginawa mo kay Morrie??"

"I taught her some lessons the hard way. Matigas kasi ang ulo niya. Don't worry. She's still my daughter after all so buhay pa sya hanggang ngayon."  -Lucas

"Walang hiya ka Lucas! Masama kang tao!"

"Oh come on! I am not a bad person, Louie! I call myself ambitious! Lahat naman tayo may ambisyon diba? It's just that my ambition is quite daring and scary. I want to be powerful! I want to be manipulative enough! Then I can be rich, and famous, and happy!" -Lucas

"You will never be happy! Hinding-hindi ka magtatagumpay Lucas kaya ibalik mo na ang alaala ni Luigi! Bahala ka na sa buhay mo pagkatapos!"

"Ohhhh... Speaking of memories. Ito ba yung hinahanap niyo?"

May kinuhang papel si Lucas mula sa bulsa niya. Kahit sa malayo, alam ko yun ang pahinang hinahanap namin.

"Too bad, nasa akin ang hinahanap niyo at magkakamatayan muna tayo bago niyo ito makuha sa akin! Hahaha" -Lucas

Tumawa siya ng malakas.

"Now, how about kayong dalawa nalang ang tanggalan ko ng alaala? Para naman mas mapadali ang ambisyon kong maging napakamakapangyarihan? Tama! Hahahaha"-Lucas

Unti-unti siyang lumalapit sa aming dalawa. Dahan-dahan siyang humahakbang.

Habang naglalakad siya, may binibigkas siyang mga salita na hindi namin maintindihan.

Sumakit bigla ang ulo ko.

"Louie! Mukhang tinatanggal niya na ng unti-unti ang alaala mo!" -Luigi

"Anong gagawin ko? Ang sakit!!!"

"Tama na Lucas! Ako nalang ang saktan mo!" pagmamakaawa ni Luigi.

Pero hindi nakikinig si Lucas at nagpatuloy sa pagbigkas ng mahika.

Lumalakas lalo ang boses niya. Sumasakit lalo ang ulo ko. Aimubukan ko ang sinabi sa akin ni Morrie kanina. Hindi ako huminga ng sampung segundo para ipaalam sa kanya na may nangyayari sa amin ngayon.

Unti-unting umiikot ang mga masasaya at malulungkot na alaala sa utak ko.

Kumikislap ito na para bang ilaw na mawawalan na ng kuryente.

Si mama at papa.

Si Morrie.

Si Luigi.

Si Cheska.

Makakalimutan ko na ba silang lahat?

Huwag naman sana!

Nasa pinakarurok na ng sakit ang ulo ko ng may biglang sumigaw sa may pinto.

"ET LUVITESH LAVAROD LIMAR!"

Si Morrie!

Pagkatapos niyang bigkasin ang mga salitang yon ay biglang hindi makagalaw si Lucas. Para siyang nasemento.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Exchange (One Body, Two Souls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon