The Exchange Chapter Sixteen

3 0 0
                                    

¢hapter Sixteen

(The Sacrifice)

(LOUIE'S POV)

Nagising ako sa malakas na katok ng pinto mula sa kwarto ko. Pagbukas ko,  nalaman ko na si Cheska pala ang kumakatok.

"Good morning, Ches."

"Louie, si Luigi.. Mukhang umuwi na siya pabalik ng syudad."

"Bakit naman?"

"Ewan. Basta kumatok ako sa pinto niya kanina pero walang sumagot. Tapos may dumaan na staff at sinabi niya na nagcheckout na daw yung nagstay sa kwarto niya."

"Ganon ba? Sige tatawagan ko nalang siya."

"Walang signal dito. Sa tingin mo galit siya sa akin?"

"Hindi naman siguro. Kilala ko si Luigi. Malamang lumulugar lang siya dahil alam niya na kung sino ang pinili mo. Don't worry. Magiging okay din ang lahat."

"Sana nga."

"May isang araw pa tayo dito kaya ienjoy nalang natin, okay? Sayang din naman yung nireserve natin kung uuwi lang tayo, diba?"

"Okay. Wala muna akong ibang iisipin." :)

"Good. Ako lang dapat ang nasa isip at puso mo ha."

"Baliw. Sige na. Magbibihis lang ako tapos magprepare na tayo para sa island hopping natin. Bye."

"Bye, ingat."

Nalungkot ako para kay Luigi. Siguro kung ako ang hindi pinili ni Cheska yun din siguro ang mararamdaman ko.

Pero ngayong araw na ito, I decide not to think of anything but Cheska. Mamaya ko na iisipin ang mga problema pagkatapos ng trip nato.

Nag-island hopping kami ni Cheska. Tuwang-tuwa siya sa pagso-snorkeling.

Masaya akong nakikita siyang masaya.

Sana lang lahat pwedeng maging masaya.

Pagod na pagod si Cheska sa naging trip namin kaya tulog siya sa buong byahe pabalik ng syudad.

Wala akong makausap sa buong byahe kaya nag-isip nalang ako sa mga posibleng mangyari sa mga susunod na araw.

Kung gumaling si Morrie at walang mangyaring masama sa akin, mapagpapatuloy namin ang relasyon ni Cheska. Pero kung hindi, alam ko naman na nandiyan lang si Luigi para patahanin siya hanggang sa hindi niya na maalala na ako pala ang pinili niya.

At least it's a win-win solution for Cheska.

Hinatid ko si Cheska sa kanila para makapagpahinga.

"Sige na, Ches. Magpahinga ka na."

"Okay. Magiging okay lang kayo ni Luigi diba?"

"Oo naman."

"Sana mag-usap kayo."

"We will. Basta ha, whatever happens please remember that I will always love you, Ches. And if ever something happens, know that Luigi will always be there to help you and comfort you."

"Ano bang sinasabi mo?"

"Wala. Sige na. May aasikasuhin pa ako. Take care. I love you."

"Please stay alive for me, Louie. I love you."

Ngumiti nalang ako sa sinabi ni Cheska.

I'll try, Ches. I'll try.

Nakauwi ako sa bahay pero parang walang tao.

"Ma? Pa? Luigi?"

Walang sumasagot. Naghanap-hanap ako sa mga kwarto, pero walang tao.

Pagdating ko sa kusina may nakita akong note na nakadikit sa ref.

The Exchange (One Body, Two Souls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon