The Exchange Chapter Eight

4 0 0
                                    

¢hapter Eight

(The Unexpected Acquaintance)

Kumatok ako sa pinto ng kwarto nila mama at papa. Maya-maya ay lumabas ang kagigising lang na si mama.

"Ma, kailangan natin mag-usap nila papa."

"Bakit mga anak? May problema ba?"

"Malaki po. Tulog pa po ba si papa?"

"Oo. Sige umupo ka muna sa sala. Gisingin ko lang ang papa mo."

Hinintay ko sina mama at papa sa sala. Pagkadating nila ay kinuha ko agad yung phone ko.

"May nagtext sa akin kanina, ma, pa. Alam niya ang kundisyon namin. Taga-Manila siya at ang pangalan niya ay Lucas. Lucas Moreno."

"Paano nangyari yun?" -Papa

"Kinontact niya kami noon. Mga 6 weeks ago pero binalewala namin yun dahil naging busy kami. Pero nagtext siya sa amin ngayon. And sabi niya may mangyayari kapag hindi namin siya kinontact."

"Oh, bakit hindi natin siya replyan? Baka makatulong siya sa kaso niyo anak." -Mama

"Natatakot lang ako ma. Baka kung ano ang mangyari sa amin ni Louie."

"Subukan mo lang anak. Susuporta kami sa inyo anuman ang mangyari."
-Mama

"Paano ba niya kayo nahagilap?" -Papa

"Nahack niya daw po ang isa sa mga websites ng kinontact natin noon."

"Mukhang interesado nga siya sa kundisyon mo para umabot ng ganito."-Papa

"Pag-iisipan muna namin ma, pa, kung papatulan ba namin tong Lucas na ito. Sige po tulog na po kami."

"Sige mga anak."

(Louie's POV)

Pagdating ng Lunes, hinanap ko agad si Morrie para humingi ng tawad.

Pumunta ako sa cafeteria, pero wala siya.

Pumunta rin ako sa library, sa gym, sa mga sulok-sulok ng school pero hindi ko pa rin siya nakita.

Five minutes before class nalang. Kailangan ko na umakyat baka maunahan na naman ako ni Sir Santi. Lagot ako nito.

Dali-dali akong pumunta sa room namin. Nakaupo ako sa upuan bago nagring ang bell.

Buti nalang at wala pa si Sir!

Nakita ko sina Rex at JC. Wala si Morrie. Bakit kaya wala pa siya?

10 minutes. Bakit wala pa rin si Sir? May nangyari ba?

15 minutes. Nakakapanibago na wala si Sir Santi. Ngayon lang nangyari, ito.

Ilang saglit pa, may pumasok na lalaki sa room. Siguro nasa early 40's na siya. Para siyang namatayan dahil naka all black siya.

"Good morning, class. Sir Santiago is in the hospital right now. He had an accident last Saturday night. He's fine but he needs a complete bed rest for three weeks. So, your dean contacted me to be his substitute. I couldn't say no. And so I'm here."

Nilibot ng mga mata ng temporary prof. namin ang paligid. And for a brief moment nakita ko na tumingin siya sa akin, at ngumiti ng nakakapangilabot.

"By the way, I am Mr. Lucas Moreno."

Natigilan ako sa sinabi niya.

Lucas Moreno?

Ganito naba siya ka desperado para sundan ako? 

"I am from Manila and this is my first time here in Cebu. I hope we all get along. Shall I expect that from all of you?"

"Yes, sir!" Sumigaw lahat ng kaklase ko maliban sa akin.

The Exchange (One Body, Two Souls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon