hello. 6:55pm nong sinulat ko to. at mukhang marami rami akong makekwento sa inyo.
kaninang 11:40am, nakibinyag kami ni mama sa ninang ko na ka-co teacher naman ni mama. sa dulong court sa village yon ginanap. kumain kami, malamang.
muntik pa kaming maligaw, kasi ang sabi ko alam ko ang liko pero di ko naman matandaan kung saan yung bahay, (oo, bahay. kasi kala namin sa bahay gaganapin.) pa ikot ikot na kami don hanggang sa nakita rin namin. 6 nga kami sa tricycle eh. ako, nakaupo na sa lapag. kasi, may kasama kaming teacher, tas dala nya yung 3 nyang anak. 2 kambal at isang incoming grade 7 sa school din namin.
nung kinain ko naman na yung ice cream, ang pangit ng lasa nung kulay violet. akala ko ube, hindi pala. kaya nagfruit salad na lang ako.
mga 1:00pm umalis na rin kami. ang init e.
tapos naalala ko si james (lol) yung kaklase ko nung grade 6. nadaanan ko bahay. share ko lang bakit ba?
ayon, mga 3 pm, habang naglalaro ako ng ml, bigla ako tinawag ni mama. ang sabi bibili ng blouse ko saka t-shirt.
edi, sumakay kami ng jeep. papuntang sentral. nandon market eh.
yung posisyon ko, malapit sa tambutso ng jeep. tas yung mga bata sa loob nung jeep sabay sabay napatingin sakin. pota parang may ginawa akong masama.
di ko na lang pinansin yun. bale 3 yung bata don. babae lahat. yung 2 magkapatid. inis na inis na kamo ako kaya kinunotan ko ng noo yung tatlo. paano ba naman, lingon ng lingon. akala mo naman hindi ko sila nakikita. yung 1 sa magkapatid pa naman ay may bangs na mukhang walis na hindi tumubo.
buti bumaba agad. parang tanga e.
ako kasi. naiinis ako pag may tumitingin sakin. kaya ang nangyayari, tinitingnan ko sila ng mas matagal. yung kahit paglgingon ulit nila nakatingin pa rin ako. bahala ka dyan, manigas ka. nigga.
ayon na nga, nakababa na kami. pumunta na kami sa wet and dry market sa ibaba.
kumbaga yung itaas nun, mga gulay, mga pagkain atbp. na na-airconditioned lang. matataas pa presyo.
sa ibaba, mga affordable na gamit. samu't-sari. mga bag, uniform, cellphone, laruan, bigas, mga ganon.
eto naman si mama, agad pumunta sa bilihan ng mga blouse. kung ano anong itinawad sa tindera. kaya yung 160 naging 150. kumuha sya dalawa. tapos bumili na din ng medyas ko sa halagang 75. pati t-shirt na tatakan ng school namin para sa P.E.
umakyat naman kami sa itaas, bumili ng pancit canton at one half crosswise ko. yun na lang kulang e.
tas paglabas namin may fries tas drinks na pinagsama kaya bumili kami. ang mahal nga e. 45 pesos. ang liit naman ng lalagyan.
tas ayon umuwi na kami.
ay may hindi ako nakwento sa inyo kagabi.
kasi yung kisame namin, binaklas ni papa. kasi inaanay na nga raw.
nung binaklas nya syempre apektado pati pagtulog namin.
kaya sa lapag kami natulog! di naman sa lapag na palag. may foam na higaan no. tas ang lambot lambot. ang ganda pa nung pwesto ko sa higaan. katabi ko kasi si mama at papa matulog. at ako yung nasa pader na side.
12pm ako nakatulog kasi nagbabasa ako wattpad saka gutom rin ako.
ge, bye.
YOU ARE READING
everyday thoughts
Non-Fictionunendless thoughts running inside my head. made by: ndrcl_