• 5'26 •

4 0 0
                                    

yow. 4:53pm. nangangamoy adventure ang page na ito.

kanina nagising ako mga ten oclock tas cellphone cellphone muna. wala naman akong magawa e.

tas kanina dumating si mama may dala dalang groceries saka jollibee. nagpalakpakan agad mga uod sa tyan ko e.

tas sa bi maligo na daw ako at pupunta kami SM.

edi binilisan ko na. tas kain.

sobrang nabusog ako kaya feeling ko natatae ako.

habang nagbibihis si kuya at mama, ako dumiretso sa cr. natatae na ko e. pero tinawag ako bigla ni kuya sabi aalis na.

sakay kami tricycle tas wapak, andun na kami.

humiwalay na si kuya samin tas kami ni mama bumili ng sapatos ko sa chelsea. sya naman sa figlia. may siwang na kasi yung black shoes ko dati e.

tas deretso sa mga damit. bumili kami ng t shirt ko. tatlo. yung isa color black tas may nakasulat 4 out of 3 people struggle with math binili ko kasi ako yan e.

ever since ayoko sa math. sakit sa ulo.

tas yung pangalawa naman color blue green, yung design naman may naka-heart na fingers tas sa ibaba may nakasulat squad love yung pangatlo naman, white t shirt sya na may kulay na purple sa bawat butas. kasi diba isang butas, para sa ulo. yung dalwang butas naman, lusutan para sa braso mo. ganern. tas may nakasulat sa kaliwang part na i believe.

binilhan rin ako ni mama ng jeans. gulat nga ako 29 na me.

tas kay mama naman shorts pantulog tas t shirts.

pumunta pa kami nun sa bilihan ng school supplies.

binilhan nya ko ng bag, notebooks, ballpens, 1/4, 1/2 na papel pati pad. and many more.

kaya ang resulta, plakda ako ngayon.

napagod yung paa ko. sobra.

ge bye. boring no? wag mo na basahin.

everyday thoughtsWhere stories live. Discover now