yow. musta. isang araw ako nawala. heh. ang sakit kasi ng daliri ko sa kamay. lahatttt. although nakakachat ako pero kailangan netong daliri ko may pahinga. arte eh no.
so ano bang nangyari kahapon?
matapos ko maglaro ng ml non mga bandang alas tres, naligo ako sa ulan. ang lamig. isama mo na yung hangin.
tas dahil gagawan daw kami ng sariling kwarto, ewan ko kung totoo. naglilinis sila sa 3rd floor ng bahay namin. yung third floor kasi sampayan saka imbakan ng mga gamit.
yung mga laruan ko na pambata binigay na sa kapitbahay namin. 2 karton din yon ah.
tas kaninang umaga naman, nag orientation kami sa school for grade 8 nga.
nagising ako non 6:30 ng umaga, tas yung nanay ko nagbubunganga na naman. kesyo late na daw ako. eh 8 pa yon. sinabi ko rin sa kanya kasi ang ingay. akala nya daw 7. tsa!
nakarating naman ako ng maayos sa school.
tas ang aga ko nakarating. 7:40 pa lang nandun na ko.
dinaanan ko rin room namin kasi namiss ko. heh.
habang naglalakad aq napansin ko yung kaklase ko. papasok din. kaya lang di ko nilapitan, di ko naman close yon.
tas deretso na lang ako sa court/gym namin sa school. don daw gaganapin.
nagattendance nako. sinabihan ko yung kaklase kong si angelo— di ko kaclose saka si chris— kararating lang.
ayaw nila maniwala sakin kaya umupo na lang ako sa bleachers.
nagbasa-basa sa wattpad.
tas mga 8:00 dumami na yung tao. nakita ko na rin yung mga kaklase ko.
ayon, tumabi sila sakin. heh.
kwento kwento hanggang opening na.
nagpantig talaga tenga nung sinabing 5:45 ng umaga pasok namin e. grabe, ang aga talaga non. tas yung room namin nasa kabila/dulo pa ng ground.
what a fantastic day. heh.
9:09 pm ng sinulat ko to.
ay meron pa pala, nagvideo call kami kahapon ni selena. miss nya na raw ako. ew. charot.
tas kanina, inaantok nako. tas si ate lesley, kinuha yung uno cards ko. sabi laro daw kami. race to 5. una nananalo pa ko e. nung dulo natalo na kaya pinerahan ako ng magaling kong kapatid. magbabayad kasi sya ng internet. wala daw pamasahe. kaya namera ng bente. may pambayad ng internet sa bahay walang pamasahe??? so i ended up giving her my last money. tae. wala na naman akong pera.
ayon ang nangyari ngayong araw.
ge,bye.
YOU ARE READING
everyday thoughts
Non-Fictionunendless thoughts running inside my head. made by: ndrcl_