Chapter 1

30 4 1
                                    


Mianne POV

First day of school ngayon pero nasa airport ako kasama ang mama ko at dalawa kong kapatid sinusundo namen si dadi galing ibang bansa. NagOFW siya sa ibang bansa para makapagaral at makakain kami ng sapat araw araw. Hanga ako saknya dahil kahit hndi pa ako nagtatrabaho alam kong mahirap ang ginagawa niya lalo na at sa ibang bansa iyon hndi tulad dito sa pilipinas na nandito yung pamilya niya.

Dalawang oras din ang tinagal ng byahe. Nandito na kame sa bahay at sobrang ingay ng mga kapatid ko ang kukulit. Anim na taon na si Liane Vin Adoremmoz at Tatlong taon naman ang bunso kong kapatid na si Laurece Rafael Adoremmoz.

"Dadi, nasaan na yung mga chocolate?" Tanong  ni Liane

"Dadi dadi dadi gusto namen tsolate" pangungulit ni ece

Ako naman eto kumakain sa lamesa tinitignan sila. Nilibang ko ang sarili ko sa cellphone. Nagtanong ako sa mga kaklase ko kung anong ginawa kung may assignment ba o kung ano bang kailangan. Alam kong masyadong OA kase first day palang but what the hell ayoko namn pumasok ako ng school ng walang  kaalam alam.

____

Kinabukasan ay maaga akong nagising sa sobrang excited kong pumasok! Nakaligo na ako at nakapagayos ng sarili. Ala una hanggang ala syete ang pasok namen. Malayo ang school na pinapasukan ko kaya maaga akong aalis pero ang mama ko alas dose ako pinaalis kaya heto ako ngayon lakad takbo ang ginagawa! Wala akong payong at sobrang init! Nauurat na ko at konti nalang makakasapak na ko ng mga nakakasalubong ko!

Ilang kanto pa bago makarating sa school namen at napakahaba ng traffic! My gosh bakit ngayon pa! Lakad takbo  ang ginawa ko at nakarating na ko sa building kung saan ang room ko pero sadyang gusto akong pagurin ng anak ng peste at second floor pa ang classroom ko! Nagmadali akong umakyat sa hagdan at Wala na akong nakikita na studyante sa labas at alam kong late na ako! Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang aking mga daliri dahil sa frustation na nararamdaman.
Nakita ko si Ma'am Gonzales siya ang adviser ko.

"Uh Ma'am saan po ba ang room naten? "
Tanong ko

Mukha siyang masungit kaya medyo nailang ako.

" Ayun yung classroom, pangatlong room" turo niya sa Classroom hndi kalayuan sa kinatatayuan ko.

"Salamat po Ma'am" ani ko at nginitian niya naman ako kaya ngumiti nadin ako. Pumunta na ako at tama nga ako at nandoon na ang teacher namen. Sheyt mukhang mapapagalitan pa ko.

"What's your name? And why are you late?" Tanong saken ng guro

"I-im Mianne Wayne Racal uhm matraffic po kase ma'am" utal utal kong sabi

"Sige pumasok kana, next time dont be late!" Sabe nito saaken.

Pumasok na ako at halos lahat sila-- hindi lahat sila nakatingin saken! Tss nalate lang ganyan na agad makatingin. I just give them "what the hell is your problem" look. Naghanap ako ng upuan at Pagbaling ko sa bandang kanan nakita ko si Kelvinn Cadelña matagal ko na siyang gusto! Natigil lang ako sa pagtitig ko sakanya nang may bumanggit sa pangalan ko.

"Mianne! Eto upuan oh! Dito kana umupo" tawag saken ni Nicolas classmate ko siya dati grade 7. Nginitian ko naman si Nicolas bilang pasasalamat.

Third subject na at si Ma'am Gonzales na ang teacher namen ngayon ko lang nalaman na Flipino pala tinuturo niya. Inaayos niya ang upuan namin ng alpabetical letter. Pinagmasdan ko si maam para siyang guro sa mga sinaunang panahon napusod ang buhok, meron din siyang salamin, mataray kung titigan pero ang pinagkaiba lang minsan nagjojoke siya at nagtatawanan nalang kame. Isa ito sa gusto ko sa paaralan na ito masaya, madaming padiba, may mga pabebe---

"Mianne Wayne Racal" sambit ni ma'am at tinuro ang uupuan ko. Nasa bandang dulo ito kaya okay na saken. Bali ang arrangement ng upuan ay may dalawang magkatabing babae at lalaki. Gets niyo?

Nakaupo na kameng lahat at bigla naman nagtaas ng kamay ang katabi ko sa upuan.

"Ma'am pwede po ba akong lumipat dyan sa unahan? hindi ko po kase makita dito ang nakasulat sa board" sabi niya sabay kamot sa batok.

Kung makikita mo siya sa daan
mapagkakamalam mo siyang 10 yrs old na bata.

"HAHAHAHAHA" tawanan namen ng mga kaklase pati na din si ma'am oo pati siya natawa. Pano ba naman kase kung maliit ako? Ano pa kaya siya.

Kaya naman pinalipat siya sa unahan at natigil ako sa pagtawa dahil si Kelvinn Cadelña ang makakatabi ko! What the!? Siya yung sinasabe ko kanina na crush ko! Salamat sa pandak na iyon! Kung hindi siya maliit at nagreklamo hindi ko siya makakatabi!

Ngumiti ako sakanya at nginitian niya din ako.

"Bakit hindi ka pumasok kahapon?" Tanong niya

"Uh sinundo kasi namin yung papa ko sa airport " sagot ko

"Hmm ok"

Wala naman masyadong ginawa at uwuin na.

Sobrang saya ko habang umaakyat ng hagdan kahit ayun lang ang naging usapan namin ay sobrang saya ko na! Habang umaakyat ako ng hagdan ay nakasalubong ko si Chail

"Oyy oyy anong nangyari ha!? Bakit ngiting ngiti ka dyan?" Tanong niya

"Ih kasi Nakausap ko si Kelvinn" sabi ko habang kinikilig

"kilig na kilig hindi ka naman gusto"

"Alam mo ikaw! Hindi ko malaman kung kaibigan ba talaga kita! Porket may manliligaw ka!" Pagsumbat ko sakanya

"Tara na! Drama mo hindi ka magugustuhan nun!" yaya niya saaken at naglakad na kame palabas ng school

Madaming nagkalat na tindahan sa labas ng school kaya madalas bumibili kame doon.

"Bili muna tayo kwek kwek tapos kikiam" pagyaya ko kay chail

"Sige, kwek kwek lang saken" ani niya

Tapos na kaming bumili at sakto naman na may nakita akong jeep kaya hinila ko kaagad si chail. Kailangan niyang magmadali dahil maraming studyante mauunahan kami.

Hindi naman ganon katraffic kaya bumaba na siya. Medyo malayo pa ang bahay ko kaya bandang alas otso na ako nakarating sa bahay..

Dahil na din siguro sa matinding pagod ay nakatulog agad ako.



A/N : Miyan ayan po ang tamang pagbigkas ng Mianne

Please Vote!:)
____________

PinkiesHeart






Her Sacrifice Where stories live. Discover now