Chapter 4

30 5 5
                                        

Mianne POV

Dalawang araw na din ang lumipas ng makita ko si Kelvinn na may kasamang babae. Alam ko naman na wala akong karapatan pero nasasaktan ako. Sa dalawang araw na din nayun ay lagi kong nakikita silang magkasama nalaman ko din na kaklase pala namin yung babaeng kaya pamilyar siya saakin. Dalawang araw ko na din siyang hindi nakakausap.

"Nice one kelv!" Pangaasar ng mga tropa niya sakanya.

Napatingin naman ako sakanila. Naguusap silang dalawa ni Tina (Christina Reyes). Ang saya niya habang kausap niya ang Iba.

'Kapag magkausap ba kami masaya din siya?'
Tanong ko sa sarili ko

'Syempre hindi! Hindi ka naman niya gusto.' Sagot ko din sa sarili kong tanong.

Hala ano ba to!? Bket ko ba kinakausap sarili ko?!

Bigla naman napatingin sa gawi ko si Kelvinn at nagtama ang mata namin pero agad din ako nagiwas ng tingin dahil tinawag ako ni David

"Mianne?" Tawag saakin ni David

"Bakit?" Tanong ko

"Pwede bang ituro mo saakin kung pano isolve ito?" Pinakita niya saakin ang notebook niya at tinuruan ko naman siya dahil nakinig naman ako kanina sa math kaya alam ko kung paano gawin. Hindi din naman siya mahirap turuan kaya naman mabilis din kaming natapos.

"Ang galing mo pala sa Math. Baka maging Top 1 ka niyan!" Papuri niya saakin at kinurot ang pisngi ko. Pakiramdam ko naman namula ang pisngi ko dahil sa ginawa niya.

"Hindi, nakinig lang talaga ko kanina. Minsan kapag hindi ako iniiwan ng utak ko may naiintindihan talaga ko" natatawa kong sabi

"Salamat, sa susunod ulit" ani niya at bumalik na sa mga tropa niya.

Bigla naman may sumundot sundot sa tigiliran ko at nakiliti ako.

"Sheena ano ba! Hahaha itigil mo nga yan!" Natatawa kong sabi

"Ayiie may gusto yun sayo si David" tukso niya saakin

"Nagpaturo lang may gusto na agad?" Tanong ko

"Syempre palusot niya lang yun para makausap ka" sabi naman ni Laine

"Oo nga" sabay na sabi nila Richel at Maria

"Halata naman sa kung paano ka niya tignan" sabi ni Maria

"Gwapo naman si David e! Pwede na" sabi ni Laine

"Tigilan niyo nga ko!" Pagtataray ko sakanila

Wala ang teacher namin sa second subject kaya naman malaya kaming nakakapagusap. Magkakatabi kami nila Richel,Laine,Sheena, at Maria. May pinaguusapan sila pero hindi ako nakikinig.

"Tara canteen tayo?" Yaya ko

"Ayoko nakakatamad" sabi ni Sheena hindi na ako nagulat sa sagot niya dahil ayan naman ang lagi niyang sagot kapag nagpapasama ako.

"Tara Mianne" sabi ni Laine tumayo na ako at naglakad. Dalawa ang pintuan ng room pero mas pinili kong dumaan sa likuran. Nasa bandang unahan malapit sa pinto naguusap sila Kelvinn at Tina.

"Okay ka lang?" Tanong niya habang naglalakad kami pababa ng hagdan

"Oo naman hahaha" sagot ko

"May nililigawan na pala si kelvinn" pagkwento ko

"Tsk okay lang yan! Hayaan mo irereto kita sa pinsan ko!" Sabi niya na parang ayun ang sulusyon sa problema ko.

"Sige yung gwapo ha!" Sabi ko para masabayan ang trip niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 14, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Her Sacrifice Where stories live. Discover now