Chapter 2

29 6 13
                                    

Mianne POV

Masasabi kong napakabagal ng oras

"Hoy! Para kang binagsakan ng langit at lupa sa itsyura mo!" Pangaasar ni Laine( Zhyrelle Laine Santos) ang full name niya.

"Ang bagal kasi ng oras!" Pabulong kong sabi sakanya. Kahit naman sobrang boring ng klase  ay may respeto padin ako sa teacher.

"Punta ka sa clinic dali! kunwari may sakit ka. Ako na bahala magsabi sa teacher natin"

Inirapan ko lamang siya sa sinabi niya. Naku!tuturuan pa ko nentong magsinungaling

Buong klase ay nakapangalumbaba lang ako. Pano ba naman kase gusto ko nang makatabi si kelvinn!

"Goodbye class" pagpapaalam ng teacher namin.

Para naman akong patay na biglang nabuhay dahil sa narinig ko. This is it! this is it! makakatabi ko na siya!!!!

Bawat subject ay nagpapalit kami ng upuan kaya eto ako ngayon hinihila ang upuan ko. Oo hinihila ko ang upuan dahil lahat sila ginagawa yun kaya ginawa ko na din. Kulang kulang kasi ang upuan dito sa classroom. Mamaya makuha pa to ng iba.

Biglang may humawak sa upuan ko at hinila ito

"Hoy--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil si kelvinn pala iyon!

Nailagay na niya ang upuan ko sa tabi niya at tumingin siya saakin.

"Umupo kana" sabi niya

Doon ko lang napagtanto na hindi man lang ako nakagalaw sa kinatatayuan ko kanina! Nakakahiya!

Dumating na si Ma'am Gonzales kaya naupo na ako.

May binigay siyang assignment saamin at kailangan ko pang magcomputer para makagawa! Nakakatamad naman

________

Kinabukasan

"Alis na po ako mi" pagpapaalam ko sa mama ko.

"Oh sige, magingat ka ha! Umuwi agad" sagot niya

"Opo" sagot ko at hinalikan siya sa pisngi

Buti nalang hindi ako masyadong nahirapan makasakay ng jeep.

"Bayad po" ani ko

Inabot naman ng mga kasabay ko kaya nagsoundtrip nalang ako. Habang pumipili ako ng kanta ay huminto ang jeep sa harap ng maraming tao na naghihintay din ng jeep. Madami din ang sumakay at--

Sheyt emeghad! Si Kelvinn

(Now playing)

My Boo

Alicia Keys, Usher

There's always that one person
That will always have your heart
You'll never see it coming
'Cause you're blinded from the start
Know that you're that one for me
It's clear for everyone to see
Oh baby ooh you'll always be my boo

I don't know bout cha'll
But I know about us and uh
This is the only way
We know how to rock
I don't know bout cha'll
But I know about us and uh
This is the only way
We know how to rock

Ngumiti siya saakin at ngumiti din ako sakanya

"Bayad" saad niya at inabot ko naman ito at binigay sa katabi ko.

Hindi din naman nagtagal at malapit na kami sa school. Yun nga lang traffic nanaman at parang maglalakad nanaman ako. Napatingin ako kay Kelvinn at nakatingin din pala siya saakin.

"Tara, lakarin na natin" yaya niya

"Uh s-sige t-tara!" Mianne umayos ka! Bakit kaba nauutal!? Myghad nakakahiya

"Kanina pa sana kita gustong yayain, kaso busy ka sa cellphone mo" sabay kibit balikat niya

"Ah dapat kasi tinawag mo ko!" Tumawa pa ako para maibsan ang kaba. Abnormal na nga ata ang puso ko

"Ang tangkad mo pala no?" Pinasadahan ko pa siya ng tingin at ang liit ko talaga

"Tsk, ang liit mo kasi masyado kaya akala mo matangkad ako" pangaasar niya

"Abat! Ang yabang mo ha!" Sabi ko sakanya at pinalo ko naman siya sa braso. Damoves 101(wink)

"Hahahahaha" tawa niya sa sinabe ko

Lord bakit ganito? Ang sarap niya panoorin habang tumatawa!

"Isuot mo na yung I.D mo"

Bahagya pa akong nagulat dahil hindi ko naman namalayan na nasa tapat na pala kami ng school!

"Wait, oh ayan okay na" sabi ko at tumingin sakanya

"Tara na" yaya niya saakin

Bigla naman may bumangga saakin na estudyante at hinawakan niya ang palapulsuhan ko habang hinihila palayo sa mga tao.  Napatingin ako sakanya at dahan dahan bumaba ang mga mata namin sa kamay niya na nakahawak sa palapulsuhan ko. Yung puso ko lord!

"Ikaw ha! Dumadamoves ka ha!" Pangaasar ko sakanya.

"U-uh madami kasing estudyante kanina kaya--tss bahala ka nga dyan!" Bigla niyang inis na sabi saakin at nauna sa paglalakad.

"Oh bakit?" Tanong ko nang binalikan niya ko at sinabayan na sa paglalakad. Kinagat ko naman ang ibabang labi ko upang mapigilan ang ngiti.

"Tsk sa susunod kasi magingat ka!" Inis niyang sabi saakin

"Oo na! Oo na!" Saad ko

Paakyat na kami ng hagdan ngayon at bigla naman may tumawag saakin.

"Mianne!!!!!" Sigaw ni Chail sa pangalan ko na parang nababaliw.

"Una kana, pupuntahan ko muna yung baliw na yun"

Tumango naman siya at umakyat na sa hagdan.

"Si Kelvinn yun diba?" Tanong niya

"Oo, panira ka ng moment e! Nakita mo nang dumadamoves ako ih!" Saad ko

Bigla naman niyang kinurot ang tagiliran ko

"What the hell is your problem?" Nakanguso kong bulyaw sakanya. Ang sakit ha!

"Lumalandi kana ha! Naku mamaya paasahin ka lang nun!" Sabi niya saakin

"Heh! Hindi tayo bati!" Sabi ko at inirapan siya

"Wag kana maginarte dyan at malelate tayong pareho kapag ipinagpatuloy mo pa yan!"

Sabay na kaming umakyat sa hagdan at pumasok na ako sa room.

"Mamaya sabay tayo uwi" sabi ko

"Oo, lagi naman ih" saad niya

Hindi nadin kami ganoon nakapagusap ni Kelvinn. Siguro dahil sa pangaasar ko kanina! Hahahha pero emeghed nakakakilig!

Sabay din kaming umuwi ni chail ng araw na yun at naikwento sakanya ang nangyare kanina.

"Oh kamusta yung manliligaw mo?" Pagtatanong ko sakanya

"Ayun nga pumunta siya nung isang araw sa bahay namin" sabi niya

"Bukas ko nalang ikukwento! Bababa na ko" nakanguso niyang sabi

"Para po!" Huminto naman ang jeep kaya bumaba na siya

Wala na din naman akong makakausap nagsoundtrip nalang ako hanggang sa makababa ako.

Pagtapos kong magayos ng sarili ay kumain na ko at natulog.



______

PinkiesHeart




Her Sacrifice Where stories live. Discover now