Mianne POV
"Fvck" malutong na mura ni kelvinn ng malaglag ang ballpen niya.
Napatingin naman ako sakanya at pinagpatuloy na ang pagsusulat. Idinidikta lang kasi ni Ma'am Gonzales ang mga isusulat namin. Kailangan daw namin matutong magsulat ng mabilis pero maayos.
"Fvck" mura niya ulit ng malaglag nanamn ang ballpen niya. What the hell? Pangalawang beses na yan ha! at Hindi niya ba alam ang ibig sabihin ng salitang yan!?
Nagpatuloy lang ako sa pagsusulat at nagsulat na din siya pagtapos uminom ng tubig. Natigil nanaman ako sa pagsusulat dahil nalaglag naman ngayon ang tubigan niya
"Fvc----" hindi na niya naituloy ang pagmumura siya dahil tinakpan ko ng kamay ko ang bibig niya!
"Magtigil ka nga sa pagmumura mo!" Suway ko sakanya at inirapan siya bago inalis ang kamay ko sa bibig niyang makasalanan! My gosh! May iba akong nararamdaman kapag nagmumura siya ng ganyan! Tss ano ba tong iniisip ko!?
"Magsulat ka nalang!" Mahina kong sigaw sakayan mamaya mapagalitan pa kami ni ma'am. Kinuha ko naman ang tubigan niya at nilagay sa bag niya para hindi na malaglag.
Nagsulat naman siya at nagsulat na din ako.
"Cess, ano yung sinabi ni maam? Hindi ko nasulat ih" tanong ko kay Cessil Anne Barzaga isa sa mga kaklase ko. Hindi tulad ng iba mabait siya, mukhang inosente pero hindi hahaha masipag din siya magaral.
"Sige mamaya papahiram ko sayo yung notebook ko" sabi niya at ngumiti tsaka nagpatuloy sa pakikinig kay ma'am at nagsulat.
Napatingin naman ako sa katabi ko. Pinagtaasan ko siya ng kilay at inirapan siya! Siya ang may kasalanan kaya hindi ako nakapagsulat!
"Pasalamat ka at----" gusto kita pero syempre hindi ko sinabi yun.
"Bakit kasi hindi ka nagsulat? Tapos ako yung pinapalabas mong may kasalanan ngayon?" Abat may gana pang sumagot ang loko!
"Eh kasi mura ka ng mura! Hindi mo ba alam na--"
"Na ano?"
Na kakaiba para saakin yung salitang yun!!!! Hay bwusit tong lalaking to!
"Ewan ko sayo bahala ka dyan!" Sabi ko at lumipat ng upuan.
"Hey, Laine? Sabay tayo kain mamaya sa canteen?" Pagyaya ko sakanya
"Sige, sama na din natin sila Sheena,Richel at Maria"
(Sheena Mae Salvasion, Richel Dayne Alcantara, Maria Mae Tolentino)Classmate ko sila noong isang taon kaya naman komportable na kame sa isat isa.
Nagbell na din sa wakas hudyat na break time na.
"Sheena!! Richel!!Maria!!" Pagtawag pansin ni Laine sa dalawa
"Wag niyo nga kong tawaging Maria! Mae nalang" hindi ko naman siya pinansin at niyaya ko na sila
"Tara punta tayong canteen" ani ko
"Anong gagawin natin dun?" Tanong ni sheena
"Maglalaro tayo doon!" Sabi ko na parang bata
Ngumiwi naman siya at inirapan ko naman siya"Malamang kakain tayo! Ano bang ginagawa sa canteen? Unless may ginagawa kang kakaiba?" Pagaasar ko sakanya 'kakaiba' ang tawag namin sa mga kabalastugan hahaha
"Miaaaannnne naman ih!" Pasigaw niyang sabi. Napapikit naman ako at napatakip sa tenga pano ba naman kasi masyadong matinis ang boses niya! Pero kahit ganun siya napapatawa niya kami.
"Tss, Tara na nga" sabi ko at pumunta na nga kami sa canteen.
"Si Kelvinn oh" sabi ni sheena may gusto din siya kay kelvinn pero hindi naman naging dahilan iyon para matigil ang pagkakaibigan namin mas naging close pa nga kami dahil lagi namin pinaguusapan si Kelvinn.
![](https://img.wattpad.com/cover/149063650-288-k104146.jpg)
YOU ARE READING
Her Sacrifice
Teen FictionPaano kung may mas kailangan ng pagmamahal niya? Paano kung may mas kailangan ng atensyon niya? Paano kung may mas kailangan ng oras niya? Are you willing to sacrifice?