A/n:binago ko na po yung name ni Lovely to Khricia. Yung lang po ^_^
Chapter 1
Ashty's POVNandito lang ako sa kwarto ko. Ayaw ko lumabas dahil tinatamad ako,nagbabasa lang ako ng mga story books ko.
"Miss Ashty baba na raw po kayo" sabi ni Manang Anie
"Sige po manang"
Bagong ako bumaba ay naligo muna ako. Pagkababa ko naabutan ko sila mom and dad sa dining area. Si dad ay abala sa pagbabasa ng dyaryo samantalang si mom ay hinihintay ako makaupo sa upuan ko.
"Good morning Mom.....and dad" bati ko sa kanilang dalawa at tuluyan na akong umupo sa upuan ko.
"Good morning sweetty" bati rin sakin ni mom at tumango lang sakin si dad.
"Ahmm, how's your sleep"
Tanong sakin ni mommyTumango lang ako Kay mommy at nagsimula na kong kumain.
"Ahm Ash, di ba next week na yung first day of school nyo" tanong sakin ni mom tumango lang ako ulit sakanya.
Biglang tumayo si dad kaya napalingon kaming dalawa ni mom sa gawi nya."I have to go,may meeting ako ngayon"sabi ni dad at humalik Kay mom, lumapit naman sya sakin at yumakap."bye"
"Be safe honey" pahabol na sabi ni mommy kay dad "ahm so gusto mo samahan kita bumili ng mga kailangan mo sa school, ngayon din kasi sila Layla magshoshoping" baling sakin ni mom
"Okay palit lang ako ng damit" sabi ko at umakyat ulit papunta sa kwarto ko
~~
"Bess" sigaw ng isang pamilyar na boses, kaya nilingon ko ito
"Khricia" sabi ko yung maririnig nya, hindi kasi ako mahilig sumigaw, di tulad nya laging nakasigaw.
Halos kadadating lang namin kaya napag-usapan namin mag coffee muna.
"Bess pa congrats mo ko kay Tito" sabi ni Khricia at tumango lang ako at humigop ng kape at binaling sa iba ang tingin.
"Ah OK, ibang topic nalang tayo. Kilala mo ba si Top, Ash" tanong ni Khricia kaya napalingon ako sakanya na may nagtatanong na tingin" I mean si Topher yung sikat" pagpapaliwanag nya pero di ko parin sya maintindihan
"Sino ba" nalilito ko nang tanong
"Si Christopher Gonzalez yung sikat na artista" sabi nya at na gets ko naman na kung sino ang tinutukoy nya
"Oh e ano naman ang meron sakanya" tanong ko at humigop ng kape
"Ka schoolmate natin sya, dun din sya sa university na papasukan natin" sabi nya at tumago lang ako Dahil wala naman akong pake ron
"Ano?? Yan lang ang ang reaksyon mo"sabi nya na para bang hindi makapaniwala
"Khricia, Ashty tara na" yaya saamin ni tita Layla
"Sige po" sabay na sabi namin ni Khricia
~~
"Ohhhhhmyyy""Waaaahh ang gwapo talaga nya"
"Waaahh natutunaw ako"
Nakakabingi na sigawaw agad ang bumungan saamin.
"Anong meron dun " tukoy ni Khricia yung mga babaeng nagkakaguluhan sa labas ng national books store
"Baka may artista"sagot ko, medyo lumapit kami para sumilip kung sino ang nandon at nagtitilian ang mga tao
"Omg, waaahh" tili ni Khricia
"Si Christopher" sabi ko ng nakita ko kung sino ang nandon
"Ang dami nyang bodyguards " nakasimangot na sabi ni Khricia
"Baka raw may bumaril sa payatot na yan" sabi ko na inaasar si Khricia. Kaya sinamaan nya ko ng tingin.
"Bawal bang pumasok dyan hanggang nandyan yang artista na yan" biglang sabi ni mommy kaya napalingon kami pareho sa likod kung saan nakapwesto sila mommy at tita.
Gulat kaming dalawa ni Khricia na napatingin kila mom at tita. Lumapit silang dalawa sa guard at mukhang kinausap nila tita. Ilang saglit lang ay pinapalapit na kami ni mommy sa kanila, lumapit naman kami.
"Mom anong sinabi nyo at pinapasok tayo" tanong ko hanang nakatingin sakanya ng nalilito
"Tinanong ko kung bawal pumasok, sabi nung guard pagkakaguluhan daw si Christopher pero sabi ko hindi sya ang pinunta natin dito " sabi nya at tuluyan ng pumasok, humarap naman ako kay Khricia na nakasimangot na nakatingin sa likod ni mommy.
"Burnnnn" sabi ko at pumasok na rin
"Huhuhu " rinig kong pag iyak ni Khricia ng kunwari.
~~
Sila mommy at tita ang bumili ng kailangan namin, samantalang kaming dalawa ni Khricia ay nagdadaldalan lang. Tinititigan nya lang si Top habang kinukwento ang kabataan namin.
Si Top o Topher ay naging kaklase namin ni Khricia nung grade5 and 6 kami. Pinapansin naman namin ang isa't isa pero hindi ganon ka close. May gusto rin si Khricia kay Top pero hindi alam ni Top. Pero nung maghighschool kami ay sa iba na sya nag-aral at ayun din ang taon kung saan sya sumikat dahil sa isang short story na naipalabas sa komersyal at ngayon sikat na sya. Ngayon eh fourth year highschool na kami ni Khricia sa pasukan(at sinasamahan parin kami ng nanay namin sa pagbili ng gamit -_-) at ngayon lang ulit namin sya nakita ng personal.
"Hayss naalala pa ba nya tayo" malungkot na tanong ni Khricia
"Aishh, eh ano naman kung naaalala nya tayo, papansinin pa ba tayo nun" tanong ko
"Sana pansinin nya tayo"nakasinangot nyang sabi
" Ash, Khricia tara na"sabi ni mommy ng matapos silang magbayad sa counter
Bago pa kami ni Khricia makalabas may humarang na saamin.
"Ashty.....Khricia" sabi nya at parang gulat na nakita kami dito, gulat din namin itong tinitigan ni Khricia.
(Heart:oh my ang bilis ng tibok ko. Please help me to stop this)
_______________________________________ ------------------------------------------------------------
A/n: hope you enjoy it. ^_^ everyone are free to vote
YOU ARE READING
Your Highness
Aléatoire"Tigilan nyo nga ako" "Bakit nyo ba ko pinahihirapan" "Bakit lahat ng hinahanap ko sa lalaki na sa kanilang lahat" Ilan lang yan sa reklamo ni Ashty. Find out kung ano ang mangyayari sa love story ni Ashty.