Chapter 1

15 0 0
                                    

Jheelal's POV

Where do the good boys

Go to hide away, hide away.

I'm a good, good girl who,

"Needs a little company!"

Alas-syete na ng umaga, naghahanda na ako ng almusal ko and at the same time, sine-separate na ren ang mga labada ko.

Mag isa lang ako sa bahay at sa buhay. Namatay ang mama ko nung ipanganak nya ako, namatay naman ang papa ko sa sakit at ang mas masaklap pa, wala akong kapatid. Kaya heto, sariling sikap para makapag-aral. Tumatanggap ng labada tuwing sabado at linggo ng umaga, nagtatrabaho sa isang fast food chain pagdating ng tanghali at rumaraket ng kanta sa mga bar kapag gabi. Well, wala akong extra service na tinatanggap para lang sa kaalaman nyo ano. Malinis at malinaw pa sa tubig ang pagkatao ko.

"Hide away! Hide away!" Birit ko habang nagpi-prito ng itlog.

Sabado ngayon kaya naman tuloy tuloy ang trabaho. Kailangan kumita para may pambaon sa pasukan.

Pagkatapos kong kumaen ay nanood muna ako sandali ng tv, pampababa lang ng kinaen.

"Uy! Tamang tama! Favorite ko to. Invincible teacher hehehe!" Sa totoo lang, hindi ko maintindihan ang palabas na ito pero gustong gusto ko pa rin syang panoorin. Baliw ang taong gustong patayin ang teacher nya. Assasination? Kung may ganito lang sa Pilipinas, yung pagaaralan mong patayin yung mga taong kinaba-badtrip-an mo, panigurado hindi lumolobo ang populasyon ngayon.

Matapos ang palabas ay tinungo ko ang labas at nagsimula ng maglaba. Sa fifth floor ng apartment ako nakatira simula ng mamatay si papa. Ako lang ang nasa floor na to dahil terrace na ito at tinayuan na lang ng maliit na kwarto noon. Matagal na ko rito, siguro mga anim o pitong taon na kaya naman kilala na ko ng lahat dito sa amin pwera lang yung mga nasa ibang street syempre dahil sa sobrang busy ko hindi na ako nakakalabas ng bahay para makichismis.

"Jheelal hija, pwede bang makisuyo? Pakilabhan na ren ang kumot ng apo ko? Masakit na kase ang balakang ko kaya hindi ako makapaglaba. Babayaran na lang kita." Pakiusap sakin ni lola Merna, isa sya sa pinakamatagal na ring nangungupahan sa apartment na ito. Nasa pang-apat na palapag sila tumutuloy ng apo nya na pitong taon gulang. Kung tutuusin, matanda na ito at uugod-ugod na, pero pinipilit nyang maging malakas para sa apo.

"Ah. Sige po la. Wag nyo na hong bayaran, ayos lang po."

"Ganun ba. Salamat hija, napakabait mo talagang bata."

Nakakatuwang makatulong sa iba lalo na sa katulad ni lola Merna. Napakatamis ng ngiti nito kahit absent na ang halos lahat ng ngipin nya, pero may isa pa namang ngipin na kagaya nya, kinakaya kahit nahihirapan na.

Nagsimula na kong maglaba. Mano-mano at talagang napakahirap tanggalin ng mantsa. Pati ang panty na pinagreglahan ay kailangang kudkurin ng maigi para pumuti. Ang sabi sa commercial ng breeze, may lakas ng sampung kamay, nasan na kaya yung mga kamay na yun? Kailangang kailangan kona sila, namamanhid na ang dalawang kamay ko anuba!

Sumapit ang alas-dose ay nakalahati ko na ang labahin ko. Kailangan ko ng maligo dahil papasok pa ako sa trabaho. Hindi ko sasabihin kung saang fast food chain ako nagtatrabaho pero para may clue kayo, sa isang higanteng bubuyog na may malaking pwet at mata. Laging masaya kahit hindi naman dapat. Sana alam nyo na, tatampalin ko kayo ng isa pag hindi nyo pa nahulaang sa Jollibee ako nagtatrabaho!

"Hello sir, welcome to *****! Ano pong order nyo?" Tanong ko sa lalaking mukang galing pa ng Hawaii. Nakapolo shirt ito na bulaklakin at naka tokong na shorts at NAPAKA-itim.

The time between usWhere stories live. Discover now