Reineese's POV
“Sis, na naka kulay red na bag!” Sino naman kaya 'yong nagsisigaw na 'yon? Tch.
Naglalakad ako ngayon papunta sa room ko. First day of school, bagong kagaguhan nanaman. Ito siguro ang dahilan kung bakit sa murang edad ay sinalang na ako ni Papa sa labanan.
Napatigil ako sa paglalakad nang may humawak sa braso ko.
“Sis! Kanina pa'ko tawag nang tawag sa'yo.” Hingal niyang sabi.
“Ikaw ba 'yong nag-iingay?” Sabi ko sabay tingin sa kanya.
“Kasi may itatanong sana ako.” Nahihiya niyang sabi.
“Ano?”
“Alam mo ba kung saan ang Class 5-F?” We're classmate, huh.
“Hindi ko alam.” Pagsisinungaling ko. Tinatamad akong magpaliwanag.
“Ahh, gano'n ba?” Sabi niya na may pagkamot sa ulo.
Aalis na sana ako nang magsalita ulit siya.
“Teka, p.e ba ngayon?” Tch. So many questions.
“Oo, araw araw p.e. May tanong ka pa ba?” Bagot kong sabi.
“Ah, hehe, wala na.” Maglalakad na sana ako papaalis ng may sumigaw sa apelyido ko. Bakit ba ang daming pumipigil sa akin ngayon?
“MS. SUAREZ!” Napatigil ako at nakita ko lang naman ang aming principal.
At ngayon nakatingin na siya sa suot kong p.e uniform.
“Anong araw ba ngayon, Ms. Suarez?”
“Monday.”
“At anong araw sinusuot ang p.e?” Nakataas kilay niya pang tanong sa akin.
“Principal, hindi mo alam?” Sabi ko at binuksan ang lollipop ko at saka sinubo.
“Ms. Suarez, hindi friday ngayon para mag p.e ka.” Stress na sabi niya.
“Excuse me po.” Oh, nandidito pa pala siya.
“And who are you?” Tanong ni principal sa kanya.
“Bagong pasok po, hehe.”
“At baket wala ka pa sa klase mo? Inaya ka ba nito na mag bulakbol?” Napairap nalang ako sa sinabi niya.
“Hindi po. Nagtanong lang po ako sa kanya kung saan ang class 5-f.”
“Magkaklase pala kayo. Sabay na kayong pumunta doon. Ms. Suarez, know your limit.” Banta sa'kin ni principal bago umalis.
Naglakad na ako at hinayaan ko lang siyang sumunod sa'kin.
“Sabi mo hindi mo alam?” Bigla niyang tanong at ngayon nasasabayan na niya ang lakad ko.
Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy lang sa paglalakad. Nakita ko sa peripheral vision ko ang pagkamot niya sa ulo. Biglang tumunog ang bell hudyat na simula na ang klase.
“Hala, late na tayo. Bilisan natin.” Nagpapanic na sabi niya at agarang naglakad. Bigla akong huminto at tinignan siyang panic na nagmamadali.
“Alam mo 'yong daan?” Sabi ko habang nakatingin sa kanya.
“Hehe, sabi ko nga susunod ako sa'yo.” Sabi niya at agad na lumapit sa'kin.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad ko hanggang sa nakarating na kami sa room.
“Good morning, Ma'am. Sorry we're late.” Sabi ng kasama ko.
“What a nice starting, Ms. Suarez. And you, are you the new student?”
YOU ARE READING
RED: THE MYSTERIOUS GANGSTER
Mystery / ThrillerShe has red-eye that can hypnotize you easily. She is so strong and undefeated. She's a mysterious one. Everyone admired her for what she had. No one can know her. Can she hide the fact that she is the LEGENDARY MYSTERIOUS RED? Until the end of her...