IV : Punishment

42 1 0
                                    

Napairap ako pagpasok ko sa office. What is Perez doing here? Chill na nakaupo lang naman siya sa long sofa habang ngumunguya ng bubble gum.

"Oy, Suarez! Ano ginagawa mo dito?" Saad niya pagkakita sa akin. "Wait, don't tell me..." Dagdag pa niya at tinignan ang mga kasama ko na ngayon ay nakaupo na sa harapan niya. Ano nanaman kaya iniisip netong mukong na'to?

"What?" Inis kong saad at naupo sa simpleng couch, isahan lang.

"Wala, wala naman silang galos sa mukha. Himala sa'yo, ha." Ngiti pa niyang saad sabay thumbs up. Inirapan ko na lang siya at sumandal sa upuan.

"One punishment for all of you. Kayo ang maglilinis sa court, sa loob ng tatlong linggo." Napatayo ako sa kinauupuan ko at tumingin kay Selim na kakalabas lang sa isang pintuan, office niya siguro.

"Are you kidding me? Three fucking weeks?"

"Five weeks, Ms. Suarez." Napanganga ako sa pagdagdag niya.

"Wait?! What?! Five weeks? The heck is wrong with you Selim?!" Wala sa huwisyo kong sigaw.

"Ten weeks, aangal ka pa? Baka gusto mong gawin kong isang taon?" Napasinghal ako at inis na umalis sa office. Argh! Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa inis.

"I swear to you Selim, I'll get my revenge. Damn you!" Inis kong sigaw at napatingin sa paligid ko.

"Oh, ano? May palabas ba?" Inis kong turan at sabay-sabay silang umiwas. Tsk.

Nandidito ako ngayon sa lumang building na lagi kong tinatambayan. Kailangan kong maging mabait ngayon hindi lang dahil nandiyan si Selim, dahil na rin sa ayokong umulit ng grade 12. College na sana ako ngayon, kaso nagkasakit ako bago magsimula ang school year kaya ang ending, huminto muna ako dahil baka lumalala ang pakiramdam ko. Napapikit ako at ninanamnam ang malinis na hangin dito sa rooftop. Ito rin ang dahilan kong bakit paborito ko ito, dahil kahit lumang building na siya ay malinis pa rin ang kapaligiran dito at malinis ang hangin. Hindi tulad sa ibang building, nakakasura kada lalanghap ako ng hangin.

"Alam mo namang hindi ka pwede dito, hindi ba?" Napadilat ako at bumalik ang inis ko. Selim, tsk.

Hindi ko siya sinagot at pumikit na lang ulit. Magpapanggap na lang ako na tulog. Tulog my ass, eh, naka-upo ka nga sa harapan ng bubong, tas tulog? Tanga nalang matutulog sa ganitong lugar at nasa harapan pa, instant dead ang abot mo.

"I know you can hear me. That's what your punishment for being a stubborn, Crine." Napairap ako kahit nakapikit ako.

"Hindi naman masama ang sampong linggo, kumapara sa isang taon, hindi ba?" Napadilat ako sa sinabi niya at tinignan siya ng masama. Mang-aasar pa, e.

"Eh, kung ikaw kaya ang maglinis?" Inis kong turan habang nakatingin pa rin sa kanya.

"Kung pwede lang," saad niya sabay tingin sa akin. "Kaso, hindi ko kasalanan 'yon, kaya hindi maaari." Dagdag niya at marahan na pinitik ang noo ko.

"Hintayin mo lang talaga higanti ko sa'yo, sinasabi ko sa'yo." Saad ko at tumingin na sa harapan. At ngayon, puro puno na ang nakikita ko.

"Let's see. By the way, here's my peace offering." Saad niya at may nilagay sa pagitan namin, isang box na nasa plastic. And I think it's food? Well, pagkain lang naman hilig ko.

"Hmm, pag ito talaga..." tanging nasabi ko na lamang at kinuha iyon.

Nagningning ang aking mga mata dahil sa nakita ko, it's chao-fan. My favorite and comfort food! Nakangiti akong tumingin kay Selim.

"Thank you!" Masayang kong saad bago nagsimulang kainin ito.

Dahil sa busy kong kumain kaya hindi ko na rin napansin na umalis na si Selim. Saan naman kayo iyon nagpunta? Kinuha ko ang sprite na nasa tabi ko rin at uminom doon.

"Suarez!" Napatingin ako sa likuran ko at nakita ko ang pagod na mukha ni Perez.

"Oh? Pagod na pagod ka ata? Nagsimula na ba kayong maglinis?" Tanong ko habang patuloy lang siya sa paglakad papalapit sa akin.

Naupo siya sa gilid ko at huminga ng malalim. Napakunot noo na lamang ako.

"Bakit ka ba kasi laging nandidito? Hindi ka ba napapagod kaka-akyat? Nakakahingal kaya!" Reklamo niya at natawa na lang ako ng bahagya.

"Sino ba kasing may sabi na umakyat ka dito, aber?" Mataray kong turan at napatingin sa plastic na hawak niya ngayon, which is 'yong bigay ni Selim sa akin.

"Oy, vanilla! Arigato!" Nanlaki ang mata ko at aagawin na sana sa kanya iyon nang tuluyan na niya itong nabalatan at nasubo.

"The heck, Perez! Akin 'yan, e!" Inis na inis kong sigaw sa kanya dahilan para mapatakip siya sa tenga niya. Vanilla ko T_T

"Huh? Eh, bakit kasi hindi mo agad kinain? Akala ko tuloy hindi mo na kakainin." Halos makagat ko na lahat dahil sa inis.

"Alam mo..." tumayo ako at sasapakin ko na sana siya nang bigla siyang naka-ilag at mabilis na nakatayo.

"Opss, not too fast, Rei!" Natatawa niyang sabi at tumakbo palabas sa pintuan.

Inis kong tinali ang buhok ko at agad na tumakbo dahil gagantihan ko pa siya sa pagkain ng aking my honeybunch vanilla.

"PEREZ! JUST DON'T FUCKING LET YOURSELF SEE ME, I SWEAR!" Inis kong sigaw sa bawat pagtakbo ko.

RED: THE MYSTERIOUS GANGSTERWhere stories live. Discover now