III : Selim

49 2 0
                                    

Nakatayo ako ngayon sa labas ng gate habang subo ang lollipop. Bakit kaya wala pa siya? Napatingin ako sa tatlong babae na sabay pumasok sa gate. Kulang na lang sipain nila ako palayo sa gate.

“Tinitingin-tingin niyo?” Mataray kong usal at sabay silang lumihis ng tingin. Ako pa tatarayan niyo, tse!

Actually, mabait naman talaga ako, eh. Oo, mabait talaga ako. Pero ang kabaitan ko nakadepende sa nakapalibot sa akin, kung nakikita kong mabait ka, mabait rin ako. That's me. Nagulat ako sa isang kamay na kumuha ng lollipop na subo ko.

“What the heck?!” Bulalas ko at napatingin sa kanan ko. “Selim?!” Bulalas ko nanaman at bigla na lang napairap.

“First rule, lolipop or any candies are not allowed here.” Napairap ulit ako at naglakad na papasok sa gate.

“Why are you here?” I asked out of nowhere.

“Because you're waiting for me,” simple niyang sagot, which is right. I'm waiting for him.

“You think so, huh?” Tanging nasabi ko na lamang.

“I'm glad that you're not wearing a p.e uniform.” Napatingin rin ako sa suot ko. It's suck, honestly. I'm more comfortable with my p.e uniform, that's why I always wear it.

“Napaka bossy mo kasi,”

“Dapat lang, no. Kung may didisiplinahin man ako sa paaralan ko, ikaw ang uunahin ko. Hard-headed.” Yeah, it's his school. Well, ipapamana na sa kanya.

“Rei!” Napapikit ako sa biglaang pagsabit ng braso ni Perez sa leeg ko. The f!

“The heck, Perez!” Inis kong sabi at pinaikot ang braso niya paalis sa leeg ko sabay bitaw. Kailangan mabait ako ngayon, ngayon lang.

“Aray!” Daing niya pagkabitaw ko. Deserve! Inirapan ko siya sabay tingin sa kaliwa ko.

Eh? Where's Selim? Tumingin ako sa likod ko at nahagilap ko na lang ang likod niya na papalayo sa amin.

“Ano ba ginagawa mo dito? Eh, hindi naman dito building mo.” Saad ko sa kanya at pinagpatuloy ang paglalakad.

“Wala lang. Mang-aasar lang ako, at kita ko namang na-asar kita. Bye?” Patanong niyang saad sabay lumihis na nang daan habang tumatakbo. Napailing na lang ako at nilabas ang isang lollipop ko.

“Hi, Sis?” Napapikit ako sa isang babae na bumati sa akin. What's with the people? Panay ang lapit at pansin nila sa akin ngayon.

Tumingin ako sa kanya na papasok na rin sa loob at ngumiti sabay sabing, “Hi!”

“Wow, totoo ba 'to? Bumati ka rin sa akin?” Mangha niyang saad habang kumininang-kinang ang kanyang mga mata na nakatingin sa akin.

“Yeah? So, can we enter the room?” Tanong ko at agad naman siyang tumango sabay bigay ng space sa akin.

Saktong pagkapasok namin ay pumasok na rin ang teacher namin. Good thing at hindi nila pinansin ang pagiging masunurin ko ngayon sa school policy. Hindi ko mapigilang mapikit ang mg mata ko dahil sa antok at lesson namin ngayon. Bakit kasi unang-una ang pagbasa? Lumalabas lang naman sa utak ko ang tinuturo ni Ma'am sa amin. Pinatunog ko ang batok ko at tumingin na lamang sa harapan sa taas ng white board namin kung saan nakalagay ang clock, 5 mins.

“Bago ko tapusin ang aking aralin ay may iiwan ako sa inyong research, gusto kong manaliksik kayo ng maayos at mabuti. Sa susunod na linggo ay dapat mayroon na kayong gawa. Hintayin niyo sa group natin ang mga nakatuka sa inyo.” Huling habilin ni Ma'am bago kami magpa-alam at bago siya tuluyang umalis.

“Cafeteria tayo?” Napatingin ako sa katabi ko.

“May klase pa tayo, 'di ba?” I asked out of nowhere, do I even listen to our lesson? Hell, no.


“Medyo kakaiba ka ngayon. Usually, hindi ka naman mahilig makinig sa lesson.” Dada niya imbis na sagutin ang tanong ko, “By the way, wala si Sir ngayon. May meeting na pinuntahan.” Okay.

“Okay,”

“Ano? Cafeteria tayo? Gusto ko kasi bumili ng pagkain, nakakagutom, e.” Tumingin ulit ako sa kanya and I don't have a choice, she will probably annoy me until I say yes.

“Let's go.”

“Yanie, natapos mo na ba?” Napatigil kami sa paglalakad nang may humarang sa harapan namin. Tatlo silang babae, na mukhang harina sa kapal ng mga kolorete sa mukha.

I'm not a judger, I'm just stating the facts based on what I observe. Mukha ring walang gagawing mabuti sa paaralan, e. Mga nagyayabang-yabangan na sobrang weak shit naman, nako. I just crossed my arms and listen to their conversation.

“Ah, eh, naiwan ko kasi sa bahay. Bukas! Bukas na bukas din ay dadalhin ko.” Yanie? Or whatever her name, basta itong panay ang Sis.

“Hmm, naiwan mo? Ano ba ang pinag-usapan nating date at time?” Sabat netong isa sa kaliwa. Napasinghap na lang ako sa hangin at umatras. Umiiwas po ako sa gulo ngayon, please lang.

“N-ngayon. H-hindi ko naman sinasadyang maiwan, e. Promise, bukas na bukas talaga ay dala-dala ko na 'yon.” Napairap ako sa kawalan dahil sa boses na naririnig ko ngayon sa kanya. Why the heck she's afraid of them? Eh, mga talunan lang naman 'yang mga 'yan.

“Yanie, you know the consequences, right? Whether you forget it or not, you need to face the consequences.” Sabi ng nasa gitna, and I think siya ang reyna ng mga harina at tinapa.

Teka, ano? Consequences? At bakit? Napataas ang kilay ko at patuloy pa rin sa pakikinig. Ayoko munang makisaw-saw nang hindi pa nasusuri ng maayos ito.

“Come with us.” Kung may mas itataas pa ang kilay ko ay nasagad na ito dahil sa ginawa nilang pagkalad-kad kay Yanie.

“Hoy, hoy, hoy! Teka, ha! Kasama ko siya. Saan niyo siya dadalhin, aber?” Pagpigil ko at hinawakan sa kwelyo ng damit si Yanie para hilahin siya palapit sa akin.

“And, who are you to interrupt us?” Aba, mataray ka, ha. Nako, kung mataray ka, mas mataray ako!

“You don't know me? Then, that's not my fault and I don't need to introduce my self sa mga harina at tinapa na katulad niyo!” Harsh kong saad at sabay-sabay silang napahawak sa mukha nila.

“How dare you?!” Sabay nilang sigaw.

“Yes, I dare all of you!” Pabalik kong sigaw.

Sabay-sabay na sana nila akong susugudin kung hindi lang dumating si Selim.

“Rule no. 5, no one can start a fight or trouble in this school. If you disobey that rule, then you should find another school. IF may tatanggap pa sa inyo.” Hindi kalakasan ngunit may awtoridad niyang saad habang naglalakad papalapit sa amin.

Napayuko ako at padyak ng mahina, ang malas naman. Sabing nagpapakabait ako ngayon, e. Bwesit talaga 'tong mga haripa (harina+tinapa) na 'to!

“Okay, I'm out of this and I'm just trying to save her. So, can I leave now?” Taas noong ko saad sa kanya at tinaasan niya lang ako ng kilay. How dare him?! Inirapan ko siya at tinignan nang masama itong tatlong haripa na ngayon ay nakayuko.

“Go to the office.” Damn. Naglakad na silang apat at talagang sinadya kong magpahuli para makausap ko itong si Selim.

“I swear! I didn't start this fight. I am just trying to save Yanie, that's it!” Bulong ko sa kanya na kulang na lamang ay isigaw ko dahil sa inis.

“No, Crine. Punishment is punishment.” Napatigil ako sa biglaan niyang pagbulong sa tenga ko. The heck?

Sasapakin ko na sana siya nang mapansin kong wala na siya sa tabi ko. Argh! Napakabilis niya talagang kumilos, kainis! Napapadyak na ako ng malakas ngayon bago ulit naglakad dahil ako na lamang ang natira.

RED: THE MYSTERIOUS GANGSTERWhere stories live. Discover now