“Oh, heto pa ang walis.” Abot sa'kin netong isang haripa. Aalis na sana siya nang magsalita ako.
“Eh, kung gamitin mo kaya 'yan? Total wala ka namang ginagawa dito.” Taray kong turan at humarap ulit siya sa akin.
“Me? At bakit naman kita susundin? Naglinis na ang mga kasama ko, and that's enough.” Ah, siya nga pala itong leader ng mga haripa.
“Ah, ganoon? Sige, pasensya na, ha?” Sarcastic kong saad at binigyan niya ako ng isang ngiti, “Kaso, 'yang rason mo hindi valid, kaya...”
Agad kong kinuha ang walis at winalis ang pagmumukha niya.
“WHAT THE?!” Sigaw niya at agad na umiwas.
“Ayan, medyo nalinis ko na ang kalat,” napahawak pa ako sa baba ko saglit sabay sabing, “Kaso masyado palang makapal, siguro bukas na lang ulit.” Ngiti ko at sasabunutan na niya sana ako, kaso masyadong siyang mabagal kaya nakaiwas ako. Ayon, nasubsob sa lapag.
Tatawa-tawa akong naglakad palayo sa kanya habang siya ay patuloy sa pag-sigaw. Deserve mo 'yan, bitch. Nasa akin talaga ang huling halakhak. Tumawa pa ako ng malakas para mas lalo siyang mainis.
“Oh? Ang saya-saya mo ata? Rinig ko sa loob 'yang tawa mo.” Napatigil ako sa pagtawa at tinignan ng seryoso si Yanie.
“Well…” Sabi ko sabay kibit balikat at nilampasan na siya.
Bakit pa kasi kailangang linisin itong court? Eh, hindi naman na ito ginagamit. Jeez.
“Bakit pa kasi kailangang linisin ito. E, hindi naman na 'to ginagamit. Bwesit ka talaga, Selim!” Gigil kong saad habang winawalis ang mga kalat sa court.
“We need to maintain the cleanliness of this school, Crine.”
“Ay, palaka!” Napatalon ako sa gulat dahil sa biglaang pagsulpot niya sa likuran ko.
“Eh, 'di sana kumuha na lang kayo ng taga-lini, 'di ba?” Inis kong sabi at kinuha ang walis na nabitawan ko.
“What's the use of the punishment kung kukuha lang kami ng taga-linis.” Napairap ako sa sinabi niya at pinagpatuloy na lamang ang ginagawa ko.
Napatigil ako sa pagwawalis ng biglang nag vibrate ang nakasabit sa kwintas ko. Bigla kong nabitawan ang walis ko at napahawak dito. Is he calling me right now? Seriously? Tatakbo na sana ako, kaso nandidito pa nga pala itong si Selim.
“Ah, Selim, I need to go. May emergency lang.” I said habang nakatingin sa kanya with a please sign.
“Okay,” agad kong siyang niyakap dahil sa tuwa at tumakbo na paalis.
—
“What? Three days?” Naguguluhan kong sabi kay Chief.
“Don't worry, naasikaso ko na ang panandalian mong leave sa school.” He said and drop the papers.
“Is this the new gang of Southwest? Seriously? Hindi na ba sila nadala kada mahuhuli ang iba nilang gang?” Turan ko habang tinitignan ang mga papel.
Southwest is the organization. Sila lang naman ang gang na kumakalaban sa amin by hurting people. Although marami sila, pero sa bansang ito sila ang pinaka ayaw tumigil. Kaya kada may bago silang gang ay hina-hunting na agad namin para hindi dumami ang mga taong masasaktan nila. The worse is that they might kill people. It is not impossible.
“I know they're afraid of you, that's why I'm giving this mission again with you,” Chief said with a serious tone.
I looked at him and said, “Yes, Chief. Makaka-asa kayo.”
Lumabas na ako sa Police Station. Yes, the police collab with our org. And our org main place ay nasa Canada, at lumaganap na sa ibang bansa para tumulong. Of course, kilala ang organization namin dahil sa taglay nitong galing at maayos na record. Kahit noon pa man ay nag-hunting na kami ng mga gang na walang dulot na maganda sa lipunan. And only the Chief can talk to me or give me a mission. Sumakay na ako sa motor ko at pinaharurot na ito.
Agad-agad akong pumasok sa loob pagka-park ko ng motor. Good thing that my Kuya is preparing for their mission right now. So, probably wala sila sa bahay ngayon. Kinuha ko ang importanteng gamit na kakailanganin ko at nilagay ito sa isang oblong red bag. Nilagay ko na rin ang earrings ko na may voice recorder. Of course, I need them to confess their wrongdoings. It will record once I use it. Tinignan ko ang ticket ko, this is not the ordinary ticket. May meaning ang ticket na 'to. Ang place ko ngayon ay nasa Bataan, at ang tutunguhin ko ay Manila. And I will use helicopter
Tinanggal ko na ang contact lenses ko na nagsisilbeng harang para hindi makita ang mga pula kong mata. Kinuha ko ang favorite shades ko at sinuot 'to. This is gonna be great, for sure. Kinuha ko na ang susi sa mini table ko at bumaba dala-dala ang bag. Someone's gonna fetch me up and they will get my motor para masakay sa barko.
—
“The party will begin at 2 days, 8 pm at the southwest headquarters.” Sabi ko sarili ko habang basa-basa ang papel.
Ang plano ay pupunta ako doon at magbibigay ng isang maliit na supresa. And this new gang? Tsk, they will get themselves locked in jail. How pathetic. Do they think they are already cool just by joining an organization? Hell, nah! Mga pipitsugin lang naman 'tong mga 'to.
“Ma'am, we're here.” Napatingin ako sa pilot at tumingin sa gilid. It's a hotel.
“Thanks, Mr. Pilot,” I said at inalalayan nila akong bumaba.
Pagkalabas ko ay may dalawang lalaki na lumapit sa akin at ang isa sa kanila ay kinuha ang gamit ko, habang ang isa ay kinakausap ako.
“Hello, Ma'am Fiona. Welcome to Hôtel du Sud. This is the papers and the key.” Oh, Fiona. What a nice name to start my mission.
Napatingin ako sa papers at susi, and I know that this thing is not covered by the hotel. Kinuha ko 'yon and I smiled at him.
“Thanks...” pagputol ko at tinignan ang name tag niya, “Mr. Felix.” Pagtuloy ko at tumingin sa kanya although naka shades ako.
“This way, Ma'am Fiona.” He said at sinundan ko na siya.
Hindi ko mapigilang mapatingin sa paligid dahil sa taglay na ganda ng hotel na 'to. In fairness kay Chief, maganda talaga taste niya. Sumakay na kami sa elevator at nakita kong pinindot ng lalaki ang second floor. Second floor? I thought I'm gonna use the higher floor. Pagkabukas nito ay lumabas na kami at huminto agad kami sa unahang room.
“This is gonna be your room, Ma'am Fiona.” He said while smiling at me.
Weird.
“Okay, thank you for assisting me,” I said at tinap ko na ang card ko para magbukas ito.
Kinuha ko na rin ang bag ko sa isang staff at tuluyan na silang umalis. Napatingin ako sa kabuuan ng aking kwarto at ang masasabi ko lang ay, ‘Weird as f’. The color of my room is pure yellow, fvck. Do I look like a yellow lover? Pinagmasdan ko pa ang loob nito at, damn. It's all yellow, wala manlang black or any color. Inis kong nilapag ang aking bag sa lapag. Pabagsak kong hiniga ang katawan sa kama at pipikit na sana ako ng may makita akong papel na nakasabit sa ceiling fan. Agad akong tumayo at umapak sa kama upang maabot ito.
“Riddle is waiting for you, R.”
YOU ARE READING
RED: THE MYSTERIOUS GANGSTER
Misteri / ThrillerShe has red-eye that can hypnotize you easily. She is so strong and undefeated. She's a mysterious one. Everyone admired her for what she had. No one can know her. Can she hide the fact that she is the LEGENDARY MYSTERIOUS RED? Until the end of her...