One

33 3 0
                                    


"Anak hindi sa lahat ng oras kailangan mong manatili sa normal na mundo. Iba ka sa amin. Iba ang katangian mo. May kapangyarihan na wala kami. Hindi pwedeng manatili ka rito habang buhay."

Sambit ng magaling kong ina habang unti unting ipinaliliwanag sa akin ang lahat. Isang kakaibang bagay ang nararamdaman ko sa aking katawan. And I hate this damn feeling. Halos hindi ako makagalaw sa tuwing dadapo na naman ang sakit. Bagay na hindi ko inasahang mararamdaman ko. Bwisit kase e! Sabi nila hindi ito normal at ito na nga raw ang bagay na kinatatakutan nilang mangyari ang magkaroon ako ng kapangyarihan. Nakakaumay na kdramahan nila. -_-

"Sa pagsapit ng ika labing walong taon mo, lalabas ang totoo kung sino ka. Lalabas ang kapangyarihan mo sa ayaw mo man at sa hindi. Wala kaming magagawa anak. Kailangan ka naming dalhin sa isang lugar kung saan ka nararapat."

Ani naman ng ama ko habang nagmamaneho ng sasakyan patungo sa lugar na hindi ko naman alam kung saan patungo. Natahimik nalang ako sa nangyayari. Nalilito pa rin ako. Marami pa ring bagay ang gumugulo sa utak ko na hindi ko na maintindihan. What a life!

"Balang araw anak, maiintindihan mo rin kami kung bakit ginagawa namin ito sayo." Sabi ni ina habang nakaduko at may bahid ng lungkot. Sus. Heto na naman.

"Nandito na tayo." Ani ni papa at bumaba. Siya rin namang pagbaba namin ni ina.

"Bakit ba kase hindi niyo nalang ako pabayaan. Kaya ko sarili ko. Di niyo na ko kailangan pang dalhin sa lugar na ganito. Ano ba! Bumalik nalang tayo doon." Pagmamatigas kong sagot. Ayoko talaga sa mga creepy na lugar. Nakakasira sa paningin ko.

"Hindi pwede anak. Malalaman mo rin kapag nakapasok na tayo."

Bigla nga namang bumukas itong gate na pagkalaki laki. Tss. Ayan. Ano ba naman 'tong nakikita ko. Isang normal na school? What the heck. Papaaralin na nga lang nila ako, sa ganito pa -_-.

"Don't tell me dito niyo ko pagaaralin? What a messy place." Totoo. Ang gulo ng lugar. Maraming mga estudyante like normal school. Normal lang din naman mga tao dito wala din namang pinagbago.

Umakyat kami sa isang building at pumasok sa isang room.
"Nandito na po sila Madame." Sabi nitong lalaking nakablack suit. Infairness, bagay sa kanya.

Pumasok na nga kami. Nakita ko na may isang babae na nakaupo sa chair. Or should I say golden chair. Nakatalikod siya kaya diko matanawang mukha pero nung pagharap niya...

Aba. May ibubuga naman pala itong kaharap ko. Tinitignan ko siya habang nakangiti at ngumunguya ng bubblegum ko na kanina ko pa pinaglalaruan sa bibig.

"Ahh, Ma'am ieenroll ko po sana itong anak ko."

"Ma! Wag ka ngang umarte ng ganyan, nakakapoor!"

"Mataras magsalita ang bata ha." Sabi niya nung marinig niya akong nagsalita.

Pumunta ako sa may glass window at tinanaw ang lawak ng lugar. Infairness may ibubuga pala 'to. Well, ok fine. Payag na 'ko. Hahaha. New friends new enemies. Well, well, well. A happier life could be.

"Welcome to Alpphine Academy Sheeka." Bati nung babae.

Tss. What a cheap name naman. Yuck. Alpphine? So yuck.

"So, what's new?" Sabi ko habang nginunguya ko pa rin 'tong bubblegum na nasa bibig at nakacross arms.

"Your attitude looks different huh? I think you'll never love this place. You'll regret everything."

"Well, its great to hear. Let's see." He suddenly smirked at me like a monster.

"Let's move to your room now."
"Nice!" May room pala ako dito. Ok fine kaya pala may mga gamit na pinadala. Tss.

Alpphine Academy (The Revenge Of The Fallen) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon