Two

30 3 0
                                    


Nagising nalang ako sa isang lugar na maliwanag. Malawak at maraming kama. Ospital ba 'to? Tss. Umupo ako para makita 'tong buong room. Looks like a hospital nga. Sa isang kama may nakita akong isang lalaki. May gumagamimot sa kanya na parang nurse pero hindi nakanurse na uniform. Basta may hawak siya na book at parang may sinasabi dun sa lalaki.

Eto namang lalaki, looks so cool. Nakahubad siya kaya kita ko ang six pack abs. Yes six pack abs talaga. Ang chest. Looks like matigas huh. Moreno siya and kaedad ko lang din. Pero nakita kong dumudugo yung right arm niya. Yuck! May dugo. I really really hate blood. Kaya inalis ko yung tingin sa kanya. Ayoko talagang nakakakita ng dugo. Creepy para sakin. Nasan na naman ba kase akong lugar. Tss.

May lumapit sakin na babae.
"Kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong niya sakin. Dun ko naalala nung huli ay sumakit tong buong katawan ko. Kaya diko na alam kung pano ako napunta dito.

"Ok lang ako." Tipid kong sagot sa kanya. Nabaling ulit yung tingin ko don sa lalaki kanina. Aba matinde! Iba din pala ang ospital na 'to. Kanina lang puro dugo ung kamay niya tapos nabaling lang sa iba yung tingin ko pagbalik wala na? As in wala ng dugo tapos ngayon ine-stretch nalang niya? Ibang klase. Dapat ganyan! Di yung babagal bagal na mga nurse. Tss.

"Hoy teka! Anong ginagawa mo ha? Anong pinagsasasabi mo dyan ha? Kinukulam mo ba 'ko?" Eto namang babae sa harapan ko, may sira yata sa ulo. Kung ano ano sinasabi habang nakapikit at hawak hawak ang wrist ko. Patawa mga tao dito.

"Ok na."sabi niya sabay alis. Tss. Napakawirdo na talaga ng mga tao dito. Anong ok dun e wala naman akong naramdamang kahit ano. Tsk. Papro ba sila? Tss.

Habang pabalik ako sa room ko, eto naglalakad ako sa hallway. Pero kung magtinginan sakin ang ibang mga estudyante dito halos madikit na sakin ang mga mata nila. Akala mo may artistang dumating na pinagbubulungan. Syempre eto namang si ako nagfeeling artista talaga.

"Ouch!" Sambit ko nang may bumangga saking babae."Hoy babae, wag ka ngang tatanga-tanga sa dinadaanan mo. Ang laki laki ng daan dito sa harap ko pa talaga."

"Look girls. Mukha yatang may bagong salta sa academy. At mataras magsalita." Sabi niya dun sa dalawang babaeng kasama niya. Tss.

"So what? Kung ako sayo ayus-ayusin mo ang pakikitungo sakin, pasalamat ka unang araw ko dito, baka sa susunod subsob na 'yang b
Nguso mo sa sahig." At tumalikod nako sa kanila. Masyado ng mainit ang laban namin baka makick out pa 'ko sa academy na 'to.

"Hintayin mo lang baguhan. Maghaharap din tayo." Pabaon niyang sabi sakin. Tss. As if naman papatol pa ako sa cheap girl na kagaya mo. Pumasok nalang ako sa kwarto ko at humiga.

Bumukas yung pinto and ang sabi "Magready na ang lahat bukas na ang unang araw ng pasukan." At agad din niyang sinara yung pinto. Heto na naman ang buhay estudyante ko. Malditang estudyante ika nga nila sakin. So what. I love being myself. I'm not interested with their nonsense businesses. Tsk.

"Hoy babae, ikaw na nakapula." Sabi ko. At tinuro pa talaga ang sarili niya. "Oo ikaw. May nakikita ka bang iba na nakapula? Wala diba -_-"

Lumapit naman siya sakin."Ano bang meron sa akademya na 'to ha? Bakit iba ang atmosphere?"

"Hindi dapat ako magsasabi sa yo ng sagot. Bukas malalaman mo rin." Aba. Malihim din pala ang isang 'to. Makatulog na nga lang at mag aasikaso pa ko bukas sa walang katapusang pag aaral -_-.

May nararamdaman na naman ako sa katawan ko. Unti unti na namang sumasakit. Bwisit! Lagi nalang sa pagtulog ko! Hinakawan ko ang ulo ko dahil iba na talaga. May iba ibang imahe na ang lumalabas sa vision ko. Ano na bang nangyayari sakin. Ayokong sumigaw kaya titiisin ko nalang 'tong sakit. Maya maya unti unti ring nawawala hanggang sa makagalaw na ako ng maayos. Tinignan ko ang orasan. Alas dose ng hatinggabi. Lagi nalang! Lagi nalang ang nagiging ng bwisit na sakit na 'to! Lagi ding may halo halong imahe ng mga pangyayari ang lumilitaw sa isipan ko. Baliw na yata ako e.

Alpphine Academy (The Revenge Of The Fallen) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon