Chapter 14

6 0 0
                                    

"Ano....nagustuhan mo ba?" Masayang tanong sa akin ni Harry.

Kulang ang salitang 'masaya' para ma-i-discribe kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko akalain na may i-gaganda pa pala ako.

Akala ko wala na talagang pag-asa ang tulad ko pero hindi pala. Tama si Mommy noon na kulang lang talaga ako sa ayos.

"O-Oo" nahihiyang amin ko kay Harry sa totoo lang sobrang hindi talaga ako makapaniwala na ako ang taong nasa salamin na Ito. Gusto na nga magdugo ng ilong ko dahil sa sobrang nakikita kong liwanag sa salamin.

"I told you maganda ka e! Ikaw lang kasi wala kang tiwala sa sarili mo." Aniya napangiti lang ako sa kanya.

Inaya na niya akong lumabas ng salon. Dahil sobrang nagustuhan ni Harry ang ginawang make over sa akin ni Paloma kaya doble ang ibinayad nito sa kanya. Sobrang tumawa naman ni Paloma at hindi magkamayaw sa pasasalamat kay Harry at sa akin.

Sa totoo lang daw sabi ni Paloma hindi naman daw talaga ako mahirap ayusan sadyang madami Lang daw siyang kailangan i-renovate sa akin kasi pinabayaan ko daw kasi ang ilang parts ng katawan kong kailangan na alagaan.

Bago kami umalis binigyan ako ni Paloma ng mga beauty tips na hindi ko naman maalala dahil sa sobrang dami ng mga sinabi niya.

Samantala, pagkaalis namin sa salon ay kaagad naman akong dinala ni Harry sa isang arcade. Kaagad akong naasiwa kasi sobrang dami ng mga  tao at naiilang ako kasi nakatingin sila sa akin.

"H-Harry a-ano ba ang ginagawa natin dito?" Tanong ko sa kanya habang nakayuko. Naiilang talaga ako. Hindi kasi talaga ako sanay sa mga ganitong mata-taong lugar. Parang any minute ay hihimatayin na ako dahil parami na ng parami ang mga Tao.

"Relax, Zaine..... Dinala Kita dito para ma-conquer mo ang fear mo sa maraming tao at mag-enjoy na din." Aniya at iginiya ako papasok sa loob ng arcade.

"T-teka lang, H-hindi ko y-yata Kaya pumasok jan." Takot na sabi ko. Tatalikod na sana ako pero pinigilan niya ako.

"Sandali....paano mo haharapin Ang Evans na yun kung sa ganito pa lang e sumusuko ka na?" Sabi niya at tinitigan ako sa mga mata. Tinitigan ko din siya at ngumiti siya sa akin. He's assuring me na everything's gonna be fine.

"Tara na! Trust me... Hindi Kita pababayaan."

Kahit kinakabahan ay tumango na ako at nagpa-akay sa kanya papasok.

"Zaine... What are you doing?" Takang tanong niya sa akin. E kasi naman nakayuko lang ako at hindi nag-aangat ng tingin habang nakahawak sa laylayan ng t-shirt niya.

Itinaas ni Harry Ang baba ko at pilit na pinatingin sa kanya.

"Held your head high, Zaine. You are beautiful trust me!" Ayan na naman Yung ngiti niyang nag-sasabi sa aking magtiwala lang ako sa kanya.

" P-pero Kasi nakatingin sila sa akin. B-baka napapangitan sila sa akin o di kaya natatakot sila sa itsura ko." Kinakabahan ako kasi halos madaanan namin e napapatingin sa akin.... Ay hindi sa amin pala.

Natawa lang siya sa sinabi ko. As far as I remember walang nakakatawa sa sinabi ko. Kaya tinignan ko siya ng masama kaya napahinto siya sa kakatawa.

"Are you serious? Siguro dun sa ayos mo kanina bago tayo pumasok ng salon baka dun matakot pa sila.... Pero, Zaine." Aniya at tinignan ang kabuuan ko.

"Look at you now, sa sobrang ganda mo kaya sila napapatingin sayo." Sabi niya at hinawakan ang balikat ko.

" They're looking at you not because you disgust them.... but, because you're so beautiful that they can't take their eyes off." Sabi pa niya sabay pat ng ulo ko. Hindi ko alam pero ng ngitian niya ako uli ay biglang kumabog ang puso ko. Hindi ko alam kung sa saya ba o dahil sa hatid ng ngiti niya sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 13, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WHEN MS. UGLY REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon