Chapter 9

34 14 1
                                    

Sue's Pov:

Iyak lang ako ng iyak....
Inilabas ko ang lahat-lahat ng sakit na nararamdaman ko para kay DIE.....

Gustong-gusto ko na kasing matapos ang lahat ng sakit na nararamdaman ko....

Siguro naman pagtapos ng mga luha ko na ito ay siya na ring pagkatapos ng sakit....

Ayoko na kasi talaga.....

Sawang-sawa na akong umasa.....

Pagod na pagod na akong masaktan at umiyak ng walang dahilan...

Sobrang hirap mag-move on kung palagi mong makikita yung taong dahilan kung bakit palagi kang nasasaktan...

Kasi sa tuwing makikita mo siya...parang palaging pinapalala sayo na kahit kailan......

kahit....na....kailan.....

Yung tao na yun ay hinding-hindi magiging sayo...

Maraming signs na ang nag-sasabing "itigil na ang pag-a-assume", "Na tama na maawa naman ako sa sarili ko"

Pero bakit ang kulit ng puso ko?

Kahit anong sabi ng utak ko na....
Tama na.... Itigil ko na ang pag-asang gusto niya ako....wag na akong magpakatanga....hindi na uso ang martyr ngayon kaya wag na akong dumag-dag...

Pero si puso.....
Kahit anong sabi ni utak... nagbibingi-bingihan ito...
Mas gusto ng puso ko ang masaktan kaysa walang ginawa....

Pero siguro.....
Tama na.... siguro sapat na ang ilang galong luha para masabing ginawa ko na ang lahat......Kaya utak ko naman ang susundin ko ngayon....

Tama na ang ilang beses na sakit.... kotang-kota na talaga ako...

Pinunasan ko na ang mga luha ko...
Itinigil ko na ang pag-iyak. Tama na ito. May klase pa ako. Ilang araw na akong hindi nakakapasok kaya kailangan ko ng mag-aral masyado na akong nahuhuli sa klase.

Agad na akong tumayo at pinagpagan ang na gusot kong damit. Aalis na sana ako ng may marinig akong kaluskos. Dali-dali akong lumapit kung saan nag-mumula ang kaluskos.

Nagmumula ang ingay doon sa may likod ng malaking Box na puro alikabok.

Teka! Parang nangyari na to dati ah!

Parang dejavu. Nangyari na to dati eh!
Dito din mismo sa rooftop na to! Dito kung saan nakuha ng KAMATAYAN na yun ang first kiss ko.

H-hindi kaya siya to? Baka sinundan niya ko pero inilock ko yung pinto? Nagtatakang tanong ko sa sarili ko.

May bahagi ng puso ko ang natuwa ng maisip kong baka sinundan niya nga ako at may bahagi din umangal dahil nag-uumpisa na naman kasi akong umasa.

Iniisip ko kung itutuloy ko pa ba ang pagsilip kung sino ang nasa likod ng box o hindi na lang. Pero sa huli nanaig ang curiosity ko.

Sisilip na dapat ako ng biglang bumulaga sa akin ang isang tao.

" Aaaaaaaaaaahhhhhh!!!!!" Magkasabay na sigaw namin.

Sobrang gwapo ng nilalang na bumulaga sa akin kaya natataranta akong napalayo sa kanya. Para kasi siyang araw na kumikinang at nasisilaw ako....

At dahil sa katarantahan ko, muntik na akong matumba buti na lang at maagap siya at nahawakan niya ako't nahila papunta sa kanya. Pero napalakas ata ang paghatak niya sa akin kaya ang ending bumagsak kaming pareho.

Siya sa semento at ako naman sa kanya. Nakaibabaw ako sa kanya habang siya ay nasa ilalim ko. Napatulala lang ako sa kanya.

First time kasing may sumalo sa akin.....
Sa tuwing matutumba kasi ako puros tawa ang naririnig ko walang nagtatangkang tumulong sa akin dahil panget ako...

WHEN MS. UGLY REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon