The Day

3 0 0
                                    

Hi jk, Obviously hindi kita mahal noon. Nagkakilala lang tayo dahil sa internship. Magkasama tayo sa iisang section pareho ng shift every day for 2 weeks. Pinipilit kita sa isang ka grupo ko, Laging tinutukso. halos lahat ng grupo ko tinutukso ko sayo. Pero di ko alam ako pala ang gusto mo.

Wala akong idea na ganon ang nararamdaman mo. manhid na siguro ako para di mapansin yon. 1st day pa lang may nagsabi na na may naka crush daw sa akin. At di ko naman alam na ikaw pala yon.

Sa trabaho lagi kang nasa tabi ko, Di ko namamalayan yun na pala ang paraan mo. Sorry naging manhid ako. Di ko kasi alam kung ano ba ako sayo. Lagi tayong nag uusap na walang malisya. Tatabihan mo ako na random lang at titingin ka kaya naiilang ako. Sabay sabi ko naman na pumunta ka dun sa kasama ko na tinutukso ko sayo. Kaso umalis ka.

Pag may hahawak ng kamay ko nakikita kong nakatingin ka. Pag may tumabi naman sa akin nararamdaman kong nagmamasid ka kahit sa peripheral vision ko lang. Bakit di ka kasi umamin kaagad?

One time nagkasabay tayo ng pasok, Sabay tukso nila dahil bakit daw tayo magkasama.

Sabi ng isang kasama ko na nasa ibang section palagi niya daw ikaw nahuhuli na nakatingin. Kaya ayon sabi ko baka iba nga ang nararamdaman mo sa akin.

Kaya tinanong ko yung nagsabi sa akin dati kung sino yung naka crush sa akin.

At ikaw ang sinabi niya kaya agad naman akong nakaramdam ng kakaiba.

PrologueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon