Naalala ko kapag sasabihin mong lalabas ka.
Galit na galit ako at ayaw kong pumayag kaso sabi ko oo. Dahil sa text lang naman baka di ka aware na ayaw ko talaga kahit ang plain lang ng text ko.Di ko rin nasabi na nung bago pa lang tayo pinasadya kong magkapareho tayo ng schedule para kahit one week man lang magkasama tayo araw araw. Kaso di din tayo masyadong nagkakausap nun.
One time din na nagkasakit ako, Di ko naman ineexpect na pumunta ka para dalhan ako ng kung ano. Kaya tinext ko nalang ang bestfriend ko. Buti pumunta siya at binigay ang mga kailangan ko. Bumawi ka dahil nung umaga pinuntahan mo ako at binigyan ng pagkain. Kaso sorry late ka na.
Paglumalabas kami ng mga barkada ko lagi kang sumasama at binabantayan ako. halos sabihin na nga nila na wag mo na akong bantayan kaya nung dumating ang panahon na yun. Pinabayaan mo nga ako. nagtanong nga ang kaibigan mo kung bakit di mo ako sinamahan. Sabi ko bahala siya.
Nung december christmas break na dapat nun after ng party. Di ako umuwi kasi gusto ko magkita tayo bako ka umuwi sa inyo at uuwi din ako sa amin. Naging plain ang text ko kaya akala mo galit ako. Nag away tayo hanggang sa hindi na tayo nagkita bako ako umuwi. Kaya nagsisi ako nun. Sana umuwi na lang ako kaagad. Nagkatime pa ako sa family ko.
After nun halos 1month tayong di nagkita. pagbalik mo sabi mo magkita tayo sa mall. Kaso pagod ako kaya di kita napuntahan. Nagpa schedule ako na day off ko ang saturday para magkasama tayo. Di ko pa nga nasasabi na magkita tayo ay naunahan mo na ako. Sabi mo birthday ng kaklase mo at mag oouting kayo. Sabi ko naman Ok kahit ayoko. Sising sisi na naman ako kasi sana umuwi na lang ako sa amin. Ang ginawa ko nag outing din ako nun kasama ang friends ko ng hindi sinasabi sayo.
Pag uwi mo nun after ng outing monthsary natin. Magkikita dapat tayo nun, hinintay kita. Pero 9pm na hindi pa kayo nakabalik. Sabi ko Ok lang. Pero hinintay pa din kita. Pumunta ako ng hotel kasama mga pinsan ko. Ang lungkot2 ko nun. Umiinom sila pero ako Nasa kama lang at chinicheck ang cellphone kasi baka dumating ka na. Halos 12 na at sabi ko sa pinsan ko sa apartment na lang ako. pagdating ko iyak na naman ako ng iyak. Syempre hindi mo na naman alam.
Nagtataka ako kung bakit may mga araw na palagi na lang ako nagkakaganito. Ang sakit. Ayoko na. Ayoko na pero di pa rin mabitawan kasi napamahal ka na.
BINABASA MO ANG
Prologue
Teen FictionMy Love, Thank you for making me believe That good guys still exist For handling my mood and my doubts For being understanding For being there For loving me unconditionally I love you more than you'll ever know.