Started

2 0 0
                                    

After two week nag iba ka ng section

Di na tayo masyadong nagkikita dahil puro umaga ang duty ko.

One time nagkasalubong tayo dahil galing ka ng night shift. Tinawanan mo pa ako kasi sabi mo baka ma late na ako.

Alam ko naman na crush mo ako kaya mo siguro ako tinutukso. (Joke)

2nd day pa lang na magkakakilala tayo inadd mo na ako sa fb at finollow sa instagram. Sino ba naman ang hindi magtataka kaya ayun pinapakita ko din na medyo gusto kita.

Ewan ko pero ganun siguro talaga ako, Nadedevelop sa taong alam ko na gusto ako.

Kaya nung nag collect ka ng pera para sa marawi nag donate ako kahit magkaiba ang school natin.

Pagkagabi nag aaral ako at agad ka naman nag wave sa messenger kaya nag wave back ako.

Sabi mo sa susunod na lang ang barya ng binigay ko kasi dapat 50pesos lang ang donation pero 100 binigay ko. Sabi ko naman wag na.

pagkatapos nun palagi ka na nagchachat. Kinakamusta mo ako pati na sa exams ko at kamusta ang araw ko. One time nga inopen ko ang chatbox natin, Tapos may nag appear na bubble dahil nag type ka. Agad ko naman kinansel ang chatbox baka kasi malaman mo na nag baback read ako.

Hanggang sa lumalim na ang ating pag memessage sa isa't-isa

may nanliligaw sa akin nun at alam mo yun.
Kaya nung tinukso kita na pwede ba kitang maging bunsong kapatid bigla ka nalang umamin.

Sabi mo hindi sisterly love ang nararamdaman mo sa akin, kaya tinanong kita kung ano ba ang gusto mo. Sabi mo iba ang nararamdaman mo kaya di ka pumayag sa sinabi ko. Pagkatapos nanligaw ka dahil sabi mo ayaw mo na hanggang kapatid lang ang turing ko sayo

PrologueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon