Worth remembering

1 0 0
                                    

August 18 2017
First date natin nun. Pinilit mo pa akong nun kasi nga wala pa tayong date kaya ako naman kinukulit ka na ayaw ko. Kaso syempre natuloy din yun. nag mall tayo, kumain at nanood ng sine. At syempre ang saya natin.

September 7 2017
First monthsary natin. Nagkita tayo nung gabi at nag dinner. simple lang pero na enjoy din tayo. Ang dami mo pang biniling pagkain nun.

October 22 2017
Nag date tayo at kasama ko pa ang kaibigan ko. Sabi ko sayo sandali lang siya kaso hindi ko siya pinauwi hanggang sa natapos ang date natin. Nag mall tayo ulit at kumain tsaka pumunta sa may roses2 at nag picture

November 7 2017
nag away tayo before ng araw na to pero nagkita din tayo nung gabi. Namasyal lang tayo at kumain at ang clingy mo pa. Nako napaka PDA ba naman kaso ang cute din.

December 16 2017
Christmas Party natin sa hospital. Kumanta ka at pinatayo pa ako sa harap kasama ka. kasama na din yung ibang love teams. tsaka nag best couple pa tayo nun. "It might be you" pa ang kinanta mo.

Di na mabilang ang mga pagtatalo pero di din malilimutan ang mga masasayang araw na kasama ka.

naalala ko pa nung sinubukan kitang pabilhin ng pagkain. Marami ka pang binili nun di ko naman kayang ubusin. Tsaka pinabili din kita ng sisters agad mo namang sinunod.

Grabe pa ang ulan nun kaya na appreciate ko ang ginawa mo. Kaso di pa din mawawala na lagi akong naiinis sayo.

PrologueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon