Chapter 3

7 2 0
                                    

Agad akong napatulala sa sinambit ni Xia. Ako? Nakapagpalabas nang apoy? Paano?

"Huy! Taika? How did you do that?" alog alog sakin ni Xia.

"Ewan ko. Are you sure that I'm the one who did that? Diba elementalist ka? Maaaring ikaw yon."

"Yes I'm an elementalist pero water ang power ko. Hindi lang ako nakareact agad dahil sa pagkabigla ko."

Lahat ng estudyante sa paligid ay tulala.

"Paano niya natalo ang apoy ni Fanneus?" narinig kong bulungan ng mga estudyante.

Agad na nahawi ang mga estudyante dahil may paparating. Pag tingin ko ay si Headmaster pala ito kasama si Zadi at isa pang lalaki.

"So you really belong here. Kaya pala nadala ka dito ni Zadi ng hindi sinasadya. Fan, say sorry to Ms. Taika. " sabi ni Headmaster sa isa pa nilang lalaking kasama. So his name is Fan? Parang electricfan? Kidding.

Nakita kong nagbago ang aura ng mukha ng lalaki. From calm to annoyed? I don't know. Para siyang galit eh. Pero hindi natinag si Fan sa kinatatayuan niya.

"Mr. Flareland? Do you hear me? I said say sorry to Ms. Taika." Ulit na sambit ng headmaster.

"Okay." Tumingin siya sakin bago magsalita "Sorry" at agad na umalis ito.

"What a rude boy." Iiling iling ang headmaster ng umalis ito.

"Students, go back to your respective room. Class will be suspended this afternoon." Sambit niya bago itp umalis. Agad na nag alisan ang mga estudyante dahil sa narinig.

"Let's go to our room Aika." Tinahak na naming ni Xia ang daan papunta sa kwarto namin. Masaya kaming nagkukwentuahn ni Xia. Pero bago kami makarating sa kwarto ay may nabangga ako.

"WTF! Tignan mo nga dinadaanan mo." Sambit ng babaeng maganda pero may attitude pala. Hindi ko na siya papatulunan dahil sa sinabi niya pero sinundan niya pa ito ng mga salitang ikakagalit ko

"Wag kang tatanga tanga. Hindi ito ang lugar para mag tsismisan." Nanggagalaiti niyang sabi.

"Tignan mo rin dinadaanan mo. Kung nakatingin ka sa daan ay hindi tayo magkakabanggaan." Agad ko itong inirapan.

"How dare you? Are you the new student?" usal niya. Hindi nalang ako umimik at dumiretso na kami paalis.

"Hindi pa tayo tapos" Huling sabi niya at dire diretsong umalis kasama ang alipores niya.

"Nako Aika, pabayaan mo na iyong mga iyon. Masyadong maarte. Ewan ko ba kung bakit madami nagkakagusto dun eh."

Pagkarating naming dito ay agad akong namangha dahil malaki ang kwartong ito kumpara sa kwarto ko.

"Aika, yung sa may black door ung room mo. May mga damit na talaga dyan since then. Siguro naman ay kasya yun sayo." Sambit niya bago siya umalis papunta siguro sa kwarto niya.

Pumasok na ko sa room ko at mas nakakamangha dahil ang ganda nito. Sa tingin ko magugustuhan ko dito. Pag pasok ko sa kwarto ang una kong nakita ay ang kama. Meron itong kulay black na bedsheet unan at kumot. Sa tabi nito ay isang study table na tamang tama lang ang sukat. May mga libro din doon. Meron ding human size na mirror sa may malapit sa pinto. Agad kong napansin ang dalawang magkatabing pinto agad kong binuksan ang may puting pinturang pinto. Walk-in closet pala. Ang sosyal naman dito. Parang ayaw ko ng umuwi. Hahaha

Merong iba't ibang klase ng damit, may palda, may pants, may dress at mga sapatos. Yes, MGA sapatos. May sneakers, high heels, wedge and black shoes. Kung tutuusin ay wala naman itong pinagkaiba sa amin kung kaya't nakapagtataka na pinagpipilitan nilang wala ako sa mundo ng mga tao.

Arbington Academy (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon