Taika
Naalimpungatan ako sa boses ng mga taong nag uusap sa paligid ko.
"Sa tingin mo? Paano kaya nakaalis si Aika sa illusion ni Mei?" kung hindi ako nagkakamali ay si Zad ang nagsalita.
"Hindi ko rin alam Zad. Tanungin nalang natin siya mamaya pagkagising niya" sagot naman ni Xia
"Bakit hindi natin ngayon tanungin eh gising na naman si Aika?" sagot ni Ethan
Agad akong napamulat ng mata sa sinabi nito. At mababakas sa mukha nina Xia at Zad ang gulat
"Paano mo naman nalaman na gising ako?"
"Dahil sa paghinga mo. Ang taong tulog ay maagaan ang paghinga. Kumbaga may ritmo hindi katulad ng sayo na minsan mabilis kang hihinga minsan naman mabagal"
Hindi nalang ako sumagot sa kanya.
"Pero Aika ano nga ba ang nakita mo sa ilusyon?" Tanong ni Xia
Agad kong inaalala ang nangyari kagabi pero hindi ko talaga ito maalala.
"Hindi ko kasi matandaan Xia. Ang huli kong naaalala ay binalibag ako ni Mei pagkatapos ay wala na. Teka bakit wala na kong maramdamang masakit sa katawan ko?"
"Tinanggal ko na lahat ng sakit mo sa katawan. Kaya ko kasi silang tanggalin dahil sa water user ako" nakangiting sambit ni Xia.
"Eh teka? May pasok ngayon diba? Bakit nandito pa kayo?" nagtataka kong tanong.
"Na-cancel ang klase natin dahil sa nangyari sa iyo kagabi. Pinatawan si Mei at ang kabarkada niya ng parusa." Sagot ni Zad
"Nako dapat lang talaga sa mga bruhildang yan ang maparusahan. Buti nalang kahit anak siya ng isa sa mga teacher ay hindi kinukonsinte ang kalokohan niya" - xia
Magsasalita pa sana ako ng biglang may kumatok sa pintuan.
Agad naman itong binuksan ni Ethan.
"Oh Fan? What are you doing here?"
Fan? Sino yon?
"I just want to talk to Ms. Hellarow"
"But she's not yet okay"
Pero maya maya pa ay nakita ko na ang pumasok na lalaki.
Pamilyar siya sakin ah.
"Fanneus what are you doing here?" Zad
"Can you step out for a bit? I need to talk to Ms. Hellarow." Walang tanong tanong ay agad na lumabas ang tatlo.
"Talk" me
"Headmaster wants to inform you that you will going home tomorrow"
"I thought that the Portal where only open once a week?"
"Dumating na ang isa sa teacher na kayang magbukas ng portal kaya makakauwi kana bukas." At agad itong lumabas.
Hindi mapaglagyan ang saya ko ngayon dahil sa wakas ay makakauwi na din ako. Mabilis na nag unahang pumasok yung tatlo.
"Anong ginawa sayo ni Fanneus?" Xia
"Sinaktan kaba niya?" Ethan
"May ginawa ba siya sayo?" Zad
Sabay sabay na tanong ng tatlo
"Teka teka! Pwede isa isa lang? Nag iisa lang ako tatlo kayo. Chill naman hahahaha."
"Eh sagutin mo nalang mga tanong namin"
Agad naman akong tumango."Unang una wala siyang ginawa. Pangalawa hindi niya ko sinaktan. Sinabi lang niya na makakauwi na ko bukas" masaya kong sambit sa kanila.
BINABASA MO ANG
Arbington Academy (ON GOING)
FantasyTaika is a simple girl living her life simple. What if she discover something unrealistic? What will she do?