Christine Antoinette
We arrive at school bago pa mag umpisa ang klase. In fairness, may mga 20 minutes pa bago ang time pero madami ng estudyante sa campus grounds. Well, di ko naman nasubukang dumating ng maaga sa school dati. I always come late at school before pag feel kong pumasok o nasermonan ni papa o pinatawag sa guidance. I never arrived early. Hinintay ko si Ivan sa labas ng kotse. Naggoodbye kiss pa kasi siya sa mommy niya, like yuck! Pagbaba niya sinalubong ko siya ng isang matamis na ngiti.
"Bakit di ka pa pumapasok sa gate?" Sabi ni Ivan habang nakabusangot ang mukha.
"Well, won't you gave me a tour first?" Pagpapacute ko kay Ivan.
"Mag tour kang mag isa mo." Diin niya namang sabi saakin tapos sabay lakad papasok ng gate. Naiwan akong nakabusangot at parang tanga sa harap ng gate.
"Hoy Ivan! Bwisit ka!" Sigaw ko kay Ivan na malayo layo na sa akin. Naglakad na rin ako papasok ng gate dahil marami ng nakatingin sa akin and it makes me feel awkward.
Paul Christian
Nakarating na kami sa harap ng gate ng Malaya University. Maaga pa at may panahon pa ako para magbasa ng libro.
"We're here. Bumaba na kayo at baka ma late pa tayo sa mga errands natin." Mahinahong sabi ni papa.
"Ok pa./ Thank you pa." Sabay na sabi namin ni Jynne bago bumaba ng kotse. Nag goodbye kiss muna si Jynne kay papa bago lumabas.
Paglabas ko palang ng gate ay napansin ko na yung babaeng nakita ko mula sa balkonahe kahapon. Nakabusangot siya at inis na pumasok sa gate. Napansin kong naka uniform siya ng pareho sa mga babae sa eskwelahang pinapasukan ko. Kung ganon, dito rin siya nag aaral. Masmakikita at maari ko pa siyang makilala dahil doon. Well, pag aaral naman ang pinasok ko dito kaya yun muna ang uunahin ko. Makikilala ko din ang babaeng yun kung ito ang itinadhanang mangyari.
Pumasok na rin ako at naisipang maglakad lakad muna habang hindi pa nag uumpisa ang klase ng makita ko ang aking mga kaibigan. Sila lang ang totoong naging kaibigan ko dito sa Del Cielo. Sila sina JM at Joshua.
"Yow Paul, kamusta? May bagong salta akong nakita kanina. Maganda mga bro." Pagmamalaki ni Joshua.
"Ano ba yan Josh. Ang aga aga, puro chiks na yang nasa utak mo." Sabad naman ni JM na siyang nagpangiti sa akin. Di ko alam bakit ko naging kaibigan tong dalawang to.
"Ang KJ mo talaga kahit kailan JM. Maghanap ka din ng chiks mo para di ka nangengealam. Nga pala Paul, yung matagal ng may gusto sayo na si Jasmine. Pinakakamusta ka niya sa akin kanina. Nagkita kami doon malapit sa caffeteria." Dada ulit ni Joshua. Ang tabil ng dila kahit ang aga pa.
"Ikamusta mo nalang din ako sa kanya." Sabi ko naman habang nakatingin parin sa libro ko.
"Uy ano meron? Nagkakafeelings ka na sa kanya? May pag asa na siya sayo? Matagal na din yun nagpapacute eh." Sabi naman ni JM at napatingin ako sa kanya.
"May feelings agad? Di ba pwedeng binabalik lang ang kamusta niya. Ayoko naman sabihang snob ako." Sabi ko na nagpatango sa mga ulo ng dalawa.
"Oo nga naman. Cge na, pasok na tayo. Baka ma late tayo sa klase natin." Sabi ni Joshua at naghiwahiwalay na kami ng direksyon. Di kasi kami magkakaklaseng tatlo. Nasa 4th year na kami at hanggang ngayon ay magkakaibigan parin kami.
Naglakad na rin ako papunta sa una kong klase ngayong umaga ng may bumangga sa akin at natapunan ako ng mainit na kape.
"Oh shit. Di ka ba tumitingin sa daan? Tingnan mo, nabuhusan tuloy ng kape ang uniporme ko. Bwisit naman oh." Sabi ng babaeng bumangga sa akin. Napatulala ako ng makita ko kung sino ang babaeng yun. Yung anghel na nakita ko kahapon pero mukha siyang sasabog sa galit ngayon.
"Hoy mister! Dinumihan mo ang uniform ko kaya dapat palitan mo to! Hoy! Nakikinig ka ba? Sumagot ka!" Sigaw niya sa akin na nagpabalik sa akin sa realidad.
"Ah pasensya na miss pero tingin ko ikaw ang bumangga sa akin. Natapon pa nga yung kape mo sa uniporme ko oh." Mahinahon kong sabi na mas lalo ata nagpagalit sa kanya
"Ikaw ang haharang harang sa daan. Kaya palitan mo ang damit ko. Isa pa,hindi miss ang pangalan ko. Christine! Kaya palitan mo ang uniporme ko!" Sabi niya dinuro duro ako.
"Ok Christine, I'm Paul. Papalitan ko ang damit mo. Ibibigay ko nalang sayo bukas." Sabi ko naman pero di parin mawala ang inis niya. Marami na rin ang tao na nakatingin sa amin ngayon.
"Bukas? What the heck! Eh ano ang susuotin ko ngayon? Etong madumi kong damit? No way! Ngayon mo na palitan!" Sigaw nanaman niya. Ngayon? Saan ako kukuha ng uniporme pangbabae ngayon?
"Wait miss. I mean Christine. Papahiramin nalang kita ng jacket para maisuot mo ngayon. Ibibigay ko nalang bukas ang kapalit ng damit mo." Mahinahon kong sabi.
"Oh ngayon? Asan na ang jacket mo?" Sabi niya at inilahad ang kamay sa harap ko. Kinuha ko naman ang jacket ko sa bag at ibinigay sa kanya. Pagkatapos niya itong makuha ay umalis na siya.
"Bro, anong nagyari dun kay babes?" Tanong ni Joshua na halatang may gusto kay Christine.
"Natapunan ng kape." Sabi ko at naglakad na rin papuntang locker. Mayroon kasi akong extra uniform doon for emergency purposes.
Pagdating ko sa locker ay napag isip isip kong maganda nga siya pero may kakaiba sa ugali niya na gusto kong baguhin.
---------
Ayan na. Nagkakilala na ang mga bida natin. Ano kaya ang mangyayari sa susunod?
Abangan.
Vote and comment to know your reading.
BINABASA MO ANG
OPPOSITE ATTRACTS
Teen FictionOpposite charges attracts. Opposite gender attracts. But when different things do attract? will they repel if things became the same? Witness the story of a boy and a girl with opposite personality and belief in life and family. Will their differenc...