Chapter 3

1 0 0
                                    

Christine Antoinette

Today na mag uumpisa ang klase ko sa Malaya University. Actually ang weird ng pangalan ng school pero sabi ni Ivan, maganda naman daw doon. Sosyal naman daw ang eskwelahan.

Maaga palang ay ginising na kami ni Tita Joy para maghanda pagpasok. I am not used of going to school early. Wala akong pakialam kung lagi akong late sa school. Madalas din akong absent at laging napapatrouble. Kaya nga ako nandito sa probinsyang to kasi na expell ako sa dati kong eskwelahan dahil napilay ko ang anak ng vice principal ng school namin. Di ko naman kasi kasalanan na ke lalaki niyang tao eh pumatol siya saakin sa bugbugan kaya ayun, pilay at di makalakad ng walang crutches.

"Christine 'bat ang tagal mo diyan? Bumaba ka na dito para makapag almusal kayo bago ko kayo ihatid sa school." Sigaw ni Tita Joy mula sa kusina.

"Opo Tita. Bababa na po. Sandali lang." Sigaw ko naman pabalik para matahimik. Inayos ko na lang ang pagsuklay sa mahaba at itim kong buhok, tinitigan ang sarili sa salamin at bumaba na pagkatapos.

"Antagal mo namang bumaba Chris. Ano ba inayos mo? Buong kwarto? Di naman papasok ang mga yon sa eskwela eh." Sarcastic na sabi ng magaling kong pinsan na ngayon ay kumakain na.

"Inayos ko ang buong bahay. Ang school kasi ang pupunta dito eh. Bwisit. Lakas maka sira ng araw." Inis na sabi ko sa pinsan ko at naupo na sa harap ng mesa at kumain. Tumayo naman si Tita Joy at nagligpit na ng pinagkainan niya.
"Bilisan niyo ng dalawa diyan. Hihintayin ko nalang kayo sa kotse." Sabi ni tita Joy pagkatapos niyang hugasan ang pinagkainan niya at lumabas na ng bahay. Sayang di ko na nasabay ang pinagakainan ko. Di bale, kay Ivan ko nalang ipapahugas.

Kumain na ako at ng mapansin kong patapos na si Ivan ay binilisan ko na rin ang pagkain at isinabay sa kanya ang pinagkainan ko.

"Paki sabay nalang sa huhugasan mo ha. Pambawi mo na sa paninira ng araw ko. Ciao." Sabi ko at tumakbo na paakyat ng kwarto para mag toothbrush ulit at kunin ang mga gamit ko.

Paglabas ko ng kwarto ay nakasalubong ko si Ivan na nakakunot ang noo na papunta sa kwarto niya para maghanda na rin paalis. Buti nga sa kanya. Naka isa nanaman ako. Paglabas ko ay naghihintay na si tita sa kotse na nasa labas na ng gate. Pumunta naman na din agad ako doon  at sumakay na.

"Asan na ang pinsan mo? Kanina pa ako naghihintay dito. Ang tagal ninyong lumabas. Baka malate kayo niyan." Bungad na sermon sa akin ni tita pagsakay ko palang sa backseat ng kotse.

"Susunod na po yun si Ivan. Baka papalabas na yun." Sabi ko at sakto namang lumabas si Ivan sa bahay at ni lock ang pinto. Dumiretso na rin siya sa pagsakay sa passenger seat tabi ng mama niya na nakabusangot parin.

"Bakit ang tagal mo? Malelate na kayo niyan eh." Sabi ni Tita Joy kay Ivan na nasa tabi na niya.

"Umalis nalang tayo ma para di kami ma late." Sabi ni Ivan na alam kong inis na inis na.

"Hay. Ewan ko sa inyo. Sa susunod dapat 7am palang tapos na kayong mag ayos para maaga tayong makaalis." Sabi ni tita at pinaandar na nag kotse niya papuntang eskwelahan. Tahimik lang kami ni Ivan sa byahe.

Paul Christian

Pababa na ako para pumunta sa hapag. Pagdating ko sa kusina ay nandoon na sina mama, at papa. Nagkakape si papa at naghahain naman ng breakfast si mama. Una kong nilapitan si mama at humalik sa pisngi niya.

"Good Morning ma." Sabi ko pagkatapos ko siyang halikan sa pisngi. Lumapit naman ako kay papa at nagmano sa kanya.

"Asan na po si Jynne? Wala pa ata siya." Sabi ko ng maupo ako sa aking upuan. Napansin ko kasing wala ang little sister ko.

"Pababa na rin yun. Nag aayos pa siguro." Sabi ni mama saka inilagay sa harap ko ang breakfast ko. Nilagay niya na rin ang para kay Jynne at sa kanya. Kanina pa siguro si papa kasi napansin kong nagkakape nalang siya. Maya maya naman ay bumaba na si Jynne dala ang mga gamit niya at dumiretso na sa mesa para kumain.

"Antagal mo ata." Sabi ko na lang pag upo niya.

"Oh sorry kuya. Good morning." Sabi niya at nagkiss na sa pisngi ko. Mabilis naman siyang kumain.

"Mga anak, sumabay na kayo sa papa niyo. Di kasi makakahatid ang driver kasi naka bakasyon siya ngayon." Sabi ni mama at tumango nalang din kami ni Jynne at nagpatuloy na sa pagkain.

"Bilisan niyo na ang pagkain. Aalis na tayo maya maya." Sabi ni papa at binaba na ang dyaryong binabasa niya. Nagpatuloy nalang siya sa pag inom ng kape niya. Binilisan naman namin ni Jynne ang pagkain.

Pagkatapos ng mga 10 minutes ay tumayo na si papa tanda na tapos na siyang mag breakfast.

"Hihintayin ko nalang kayo sa kotse." Sabi niya at naglakad na paalis ng kusina para kunin ang mga gamit niya at dumiretso na sa kotse para hintayin kami ni Jynne.

Agad naman naming tinapos ni Jynne ang pagkain namin at kinuha na rin ang mga gamit namin para sumunod na kay papa sa garahe. Paglabas namin ng bahay ay nasa harapan na ang kotse ni papa na naghihintay sa amin.

"Let's go. Maaga pa ang meeting ko ngayon. At baka malate kayo sa klase niyo." Sabi ni papa at tumingin pa sa relo niya. Sumakay naman kami agad ni Jynne sa kotse. Nasa harapan ako katabi ni papa at nasa backseat naman si Jynne. Pinaandar naman na ni papa ang kotse at nagdrive ng tahimik. Tahimik nalang din kami ni Jynne sa buong byahe papuntang school.

-------------

Heto na. Magkakakilala na si Paul at Christine. Ano kayang mga mangyayari sa pagkikilala nila?

Abangan.

Vote and comment to know your reading.

OPPOSITE ATTRACTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon