Paul Christian
Nandito ako ngayon sa balkonahe ng kwarto ko. I was just looking around ng makita ko ang isang anghel na naglalakad habang may hila hilang mga bagahe. Bago siya sa paningin ko. I have'nt seen her before in here. I noticed her stopped and rang the doorbell at Flores' residence. Tinitignan ko lang siya hanggang makapasok siya sa bahay ng mga Flores. She is so beautiful that she instantly caught my attention.
"Kuya! Mama is looking for you. She is asking for you to help her on the roses." Sabi ng nakababata kong kapatid na si Jynne. She is just a year younger than me pero mukha siyang 10 years old kung umasta.
"Ok. Bababa na ako. Tell mama to wait for me." Sabi ko sa kapatid ko at nagtatatakbo na rin ito palabas ng kwarto ko. I took a glimpse of the Fores' residence bago ako lumabas para puntahan si mama sa garden.
Christine Antoinette
Nandito ako ngayon sa kwarto at nakahiga. Napagod ako sa biyahe kaya I deserve a rest. Malapit ng pumikit ang mata ko ng biglang nagbukas ang pintuan ng kwarto ko at pumasok ang magaling kong pinsan.
"What the heck Ivan?! Nagpapahinga ang tao eh. Labas!" Sigaw ko kay Ivan. Nakakabwisit talaga tong pinsan ko na to. Mas matanda nga sa akin pero ang utak parang may sa ibon.
"Di pwede. Nakalimutan ko na dapat pagdating ni mommy ay nakaayos na ang mga gamit mo para di niya ako pagalitan. Kaya tutulungan na kitang mag ayos." Sabi niya at lumapit na sa mga bagahe ko.
"Ako na diyan mamaya Ivan. Kaya ko yan. Ako na bahala kay tita. Lumabas ka na. Magpapahinga ako." Sabi ko ng iritable. Pagod ang katawan ko. Gusto kong matulooogggg!!!
"Di ka ipapatapon ng daddy mo dito kung kakaya kayanin mo lang si mommy. Dapat nasusunod ang mga ibinibilin niya kung ayaw mong makatikim ng parusa." Sabi niya sa akin habang nag aayos ng gamit ko.
"Well sanay na ako sa parusa Ivan kaya umalis ka na dito sa kwarto ko!" Pagmamatigas ko sa kanya. Sanay na naman ako sa parusa eh. Napagod na nga lang si daddy kakaparusa sa akin kaya ako nandito.
"Ibahin mo si mommy. Kaya sige na. Tulungan mo na ako dito kung ayaw mong malagot tayong dalawa. Hindi ako aalis dito hanggat di to natatapos kaya king ako sayo tulungan mo na ako para mabilis akong makaalis." Sabi niya na nagparamdam sa aking talo na ako.
"Fine. Fine." Sabi ko at tinulungan na siyang ayusin ang mga gamit ko. After mga 20 minutes ay natapos na kami at narinig kong may humintong sasakyan sa labas ng bahay.
"Ivan! Asan ka na? Tulungan mo ako sa mga pinamili ko." Sigaw ni tita Joy mula sa baba. Siya pala yung dumating.
"Andyan na si mommy. Buti na lang natapos na natin." Excited naman na sabi ng pinsan ko. Para siyang timang ngayon dito sa harap ko.
"Ivan! Asan ka na?!" Sigaw ni tita.
"Nandito ako sa kwarto ni Chris mom!" Sigaw naman ni Ivan pabalik. Honestly, naririndi na ako sa kakasigaw nilang mag ina ha.
Maya maya ay dumating si tita Joy sa kwarto ko. May hawak siyang isang envelope at isang eco bag. And her smile creeps me out.
"Hi iha. Mabuti naman at nakarating ka dito sa bahay ng ligtas. Nga pala. Heto yung mga papers mo. Na enroll na kita. Andyan na yung id mo at andito naman sa bag ang mga uniforms mo." Sabi ni tita sabay bigay ng mga dala niya sa akin. As in? Kakarating ko palang. Enrolled na ako. Wow! Amazing. Di na ako mapapagod magpa enroll.
"Ivan." Sabi ni tita sabay tingin sa anak niya.
"Yes mom?" Nakangiti namang tugon ni Ivan.
"Samahan mo si Christine mamili ng school supplies mamaya after lunch. Bumili ka na rin ng sayo." Sabi ni tita kay Ivan at tumango naman siya ng walang pag aalinlangan.
"Nga pala iha. Bukas na ang umpisa ng klase niyo." What?? The heck!! Bukas agad!! As in tomorrow?? Wala man lang tour muna? My ghad.
"B-bukas agad tita? Di ba pwedeng next week na ako pumasok?" Tanong ko kay tita habang naka smile. Please madala ka sa charm ko.
"Papasok ka bukas. Hindi ka pwedeng umabsent ng walang maayos na rason." Sabi naman ni tita at I feel defeated at the moment.
"Ivan, samahan mo ako magluto ng tanghalian. Ikaw naman Christine, magpahinga ka muna diyan. Siguradong pagod ka pa sa biyahe. Gigisingin ka na lang namin pag manananghalian na." Sabi ni tita at lumabas na sila ni Ivan. Ako naman ay humilata na sa kama at matutulog na lang para mabawasan ang mga stress ko.
Paul Christian
"Paul, kumain na tayo. Nakahain na ang pagkain sa mesa." Sabi ni mama pagkapos niya akong sunduin dito sa garden.
"Ok ma. Susunod na po ako." Sabi ko naman at kinuha ang librong binabasa ko kanina dito sa garden at sumunod na kay mama papasok ng bahay.
Pagdating sa mesa ay nakahain na ang mga pagkain. Nakaupo na rin sina mama at Jynne sa harap ng hapag. Wala ngayon si papa dahil nasa trabaho siya. Di niya maiwan ang trabaho ngayon dahil may isang big investment pa siyang inaasikaso.
"Oh anak. Maupo ka na. Baka lumamig na ang pagkain." Sabi ni mama at naupo na nga ako sa harap ng hapag.
"Let's pray muna bago kumain." Sabi naman ni Jynne at siya na rin ang nanguna sa dasal namin sa pagkain.
"Amen." Sabay sabay naming sabi bago kami kumain ng pananghalian.
----------
Feeling ko ang boring ng bidang lalaki. Wala siya masyadong ginagawa eh. Hahahahaha.
Btw. Abangan nalang natin ang mga susunod pang mangyayari.Niall Horan as Paul Christian Santos on the multimedia.
Vote and comment to know your reading.
BINABASA MO ANG
OPPOSITE ATTRACTS
Dla nastolatkówOpposite charges attracts. Opposite gender attracts. But when different things do attract? will they repel if things became the same? Witness the story of a boy and a girl with opposite personality and belief in life and family. Will their differenc...