Kabanata 3

1.5K 37 0
                                    

Kabanata 3

Matapos ang naging eksena na iyon ay iniiwasan ni Aki na makaharap o makausap ang binata ng matagal. Mas mabuti nang umiwas na muna ako at baka kung ano pang mangyari.

" Alam mo ba may girlfriend daw si sir Zeal. Yong sikat na singer" kaagad naman naagaw nito ang atensiyon niya at bumaling sa mga kasamahan nito.

" Aki, alam mo ba yon?" dagdag pa ng mga ito. Umiling ito " Hindi e" mainam nitong sagot. " Ganoon ba, pero akalain mo ah isang sikat na singer pa talaga. Si sir kasi, ni minsan ay wala yang pinapakilalang babae niya" dagdag pa ng mga ito.

Walang pinapakilala ah. E ano naman yong nakita ko? Ano yon joke? sita nito sa sarili.

" Oh diba, ang suwerte ni girl. Gwapo na nga si sir, yummy pa. Jusko, ano pang mahihiling mo no"

" Oo nga e, diba Aki?" kapagkuwan ay napapangiti na lamang siya. Akalain mo nga naman, may babae rin palang tumatagal sa kaniya. Iyan na lamang ang pag iisip nito at napapailing. Sa pagkakaalala niya, hindi ganoon ang lalaking iyon. Aba kung paano lang naman siya tratuhin nito.

" Guys, nandito na ang hot coffee ninyo" naagaw naman ang kanilang atensiyon sa dalagang dumating at dala dala ang mga pagkain at inumin nila. Nang di inaasahang natapilok ito dahil sa suot nitong stiletto. At sa minamalas nga naman, eksakto itong natapon sa dibdib ng dalagang si Aki.

" God! Shit! Aaarrgghh!!" balisa at mabilis na nilagyan niya ito ng panyo sa init. Nagtamo ito ng di naman kalubhaang paso sapat lamang na mamula at humapdi ang kaniyang balat.

" I'm sorry, Aki. I'm so sorry. I didn't mean it"

" Omg, Aki. Ayos ka lang?"

" Sasha, dapat nag iingat ka"

" God, Aki look your skin it's red"

" I'm so sorry"

" It's okay, hindi naman ganoon kalubha" pilit na pagpapaliwanag niya sa mga ito. Kaagad rin siyang nilapitan ng mga kasamahan para tulungan.

" What the hell happened here?" kaagad na naagaw ang kanilang atensiyon sa binatang nagsalita. Kaagad na nagtama ang mga mata nito kay Aki. Kaagad nagtagis ang kaniyang mga bagang at dumilim ang kaniyang mga mata sa nakita.

" Who the hell did this? " asik nito. Kaagad na nagpresente ang dalagang nagkasala na siyang hindi inaasahang sigawan ito ni Zeal.

" I-I'm sorry po sir, h-hindi ko naman po sinasadya aksidente lang po ang nangyari" nangangatal nitong paliwanag.

" I see, pack your things. Your fired" mainam nitong wika na siyang ikinagulat ng lahat. " Zeal, that's gone too far" pakikiusap ni Aki rito.

" She deserve it, Aki. I don't need people in my company who's not worthy to keep, if your gonna cause some trouble in my company leave" mariin nitong asik sa dalaga. Hindi na ito nakapagpigil pa at umiyak sa mismong harapan nila at tumakbo papalayo. " Sasha, wait!" hahabulin pa sana niya ito nang magsalita muli ang binata.

" Get back to your work" pag uutos nito. " Miss Aki, come with me" dagdag pa nito. Hindi na nakapapigil pa si Aki sa pagkadismayang nararamdaman at pagkasisisi sa nangyari. Napakuyom ito at muling nagsalita" It's not entirely her fault. It was an accident please, Zeal" pakikiusap niya.

LASCIVIOUS 2: THE TASTE OF SEDUCTION [EDITED VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon