Kabanata 6

1.2K 25 0
                                    

Kabanata 6

KAPAGKUWAN ay napapabuntong hininga na lamang si Aki habang nakadungaw sa bintana ng taxi na kaniyang sinasakyan. Pauwi siya ngayon sa probinsiya kong saan naroroon ang bahay ampunan na kaniyang kinagisnan, at ang lugar na kahit anong gawin niya ay hindi niya kayang kalimutan. Lumaki siya sa probinsiya at nagmistulang ama na niya ang pare na namumuno sa bahay ampunan na iyon. Pero hindi niya inaasahan na ang pag uwi niya matapos ng ilang taon ay dahil sa kahabag habag na dahilan.

Pinoproblema rin niya ang tungkol sa naging sagutan nila ng boss niya. Napapabuntong hininga na lamang siya. " Nandito na po tayo " panimula ng drayber. Kaagad naman siyang sinalubong ng grupo ng mga bata.

" Ate! Ate! "

" Sa wakas umuwi ka na!"

" Ate! Miss ka na po namin!"

" Waahh, ate!" Sinalubong siya nang mga bata na may mga ngiti at luhang nakaplastara sa kanilang mga mukha. Mainit niyang tinanggap ang mga yakap nito.

" Ang lalaki niyo na ah. Halos hindi ko na kayo makilala" nakangiting saad nito sa mga bata. " Syempre, kami pa ate " tugon nang mga ito.

" Welcome home, Aki " nakangiti at mangiyak ngiyak na bati sa kaniya ng iilang madre. " io sono di nuovo, sorelle " tugon ni Aki rito at mahigpit niya itong niyakap.

" Father Variant would be pleased to see you again, Aki. Sad to say your return would be this tragic reason" panimula nang isang madre na nagngangalang Sister Bless.

" Oo nga po sister" mainam na tugon ni Aki. Mainit naman siyang tinanggap ng lahat pero, bakas sa buong paligid ang lungkot. Ang dating masigla na lugar na ito ay nagmistulang paraisong napakatahimik, ang buhay na noon ay napakasigla ay dahan dahang nawawala. Nang mapadaan sila sa may harden, hindi niya maiwasang mapatigil at maalala ang mga alaalang kasama niya ang kaniyang ama amahan nang siya'y bata pa at masayang nakikipaglaro sa mag paru-paru, sa mga bulaklak habang kasama ang taong iyon. Bahagyang napahigpit ang pagkakahawak niya sa kaniyang bag.

" You'll be staying here, you can see Father's Variant resting place once you have rest. Aki, nagpapasalamat kaming makita kang muli bago tuluyang maibenta ang lugar na ito" mas lalong nalungkot ang dalaga sa narinig na balita, isa rin iyon sa rason na bumabagabag sa isipan niya. " Wala na po ba tayong magagawa, sister? May isang buwan pa naman tayong palugit para iligtas ang bahay ampunan na ito. Mahal na mahal ito ni Father Variant, hindi nalang natin puwedeng hayaan na maibenta ito sa iba, ano nalang ang mangyayari sa mga bata? Sa lugar na ito?" sunod sunod na pagtatanong nito. Hindi kayang makita nang dalagang mawala na lamang ang halaga ng lugar na ito, hindi niya kayang hayaan na mapunta na lamang ito sa iba.

" Kung may magagawa man tayo anak, hindi pa rin sapat ang isang buwan na palugit para makaipon tayo nang pambayad sa lupa. Si Father Variant ang nag aasikaso ng mga papeles at ngayong wala na siya, iilan lang rin ang naipon. Siguro ito na nga ang pagkakataon para magpaalam sa lugar na ito, anak" pagpapaliwanag ni Sister Irina rito kay Aki. " Pero sister " bago pa man niya matapos ang sasabihin ay tinapik na siya nito sinyales na itigil na ang kanilang usapan. Hindi nito kayang makitang nasasaktan. " Huwag po kayong mag alala gagawa po ako nang paraan" sabay nang kaniyang paghawak sa kamay nito ang pagbigay niya nang isang matamis na ngiti. Hindi niya kayang mawalan ng pag asa lalo na ngayon. Gagawin niya ang lahat para mailigtas ang lugar na ito.

It was her home. Her life. No, rather it was their home that gives them hope, light, and happiness she wouldn't dare to exchange it with something else.

Mas pinili niyang maglakad lakad at sulitin ang oras habang siya ay naroroon pa. Napadpad siya sa harden, katapat nito ang dating opisina ni Father Variant. Nakaupo lamang siya sa ilalim ng puno at tinanaw ang magandang tanawin mula sa kaniyang kinauupuan. Doon niya napansin ang dalawang imahe sa loob ng opisina kung saan katapat lamang nito ng kaniyang kinauupuan.

Bakit mukhang familiar ang lalaking iyon?

Tinitigan niya ito, nakita niyang may kausap na lalaki si sister Irina. Laking pagtataka ni Aki dahil sino naman ang lalaking iyon, at ano naman kaya ang kailangan niya. Ilang sandali pa ay napansin niyang napatingin sa bahagi niya ang dalawa, hindi nito maiwasang magtaka.

" Aki, pinapatawag ka ni Sister Irina sa opisina" isang babae ang bumungad sa kaniya, isa ito sa mga nagtatrabo para kay Father Variant nong ito ay nabubuhay pa.

" Ganoon ba, salamat po" kaagad naman siyang nagtungo sa naturang opisina. Sa unang beses niyang pagkatok ay kaagad siyang pinagbuksan ni sister Irina. " Aki, isang magandang balita ang dumating" isang napakalaking ngiti ang ibinungad nito sa kaniya.

" Ano po iyon?" ani Aki. Nakaplastara ang likuran ng lalaking pakiramdam niya ay napaka familiar sa kaniya nito. Ang postura nito, maging ang likod nito ay napaka pamilyar para sa dalaga.

" Isang taong may busilak ang puso ang naghandog ng tulong para sa bahay ampunan. Kaya hindi mo na kailangan pang mag alala" wika nito. Hindi makapaniwala si Aki sa narinig na balita. Ilang oras lang kanina ay halos gumuho na ang mundo niya sa lungkot at pag aalala, pero hindi niya inaasahan na kaagad na sasagutin ang tulong na hinihingi niya.

" Ganoon po ba, kayo po ba ang taong iyon. Sir, salamat po nang marami. Hinding hindi ka po namin makakalimutan at ang tulong na ibinahagi ninyo" pagpapasalamat ni Aki at pumunta sa harapan nito, nang masilayan niya ang buong pagkatao nito ay tila ba napako siya sa kaniyang kinatatayuan.

" Sir? I see, I'm glad I can help" anito at nakita ng dalaga ang pagtaas ng dulo ng labi nito at isang ngiti ang nakaplastara sa mukha nito ngayon.

Bakit siya nandito? Bakit? Paano niya nalaman?

Naguguluhan si Aki sa mga nangyayari, bakit nasa kaniyang harapan ngayon ang naturang boss niya, kung bakit nito nalaman ang tungkol sa bagay na ito.

" Zeal? Anong ginagawa mo dito?" nangangatal na wika nito sa binata.

" I'm here to help" simple nitong tugon sa kaniya at tumayo dahilan para magkaharap silang dalawa.

" It's nice to be doing business with you" anito.

LASCIVIOUS 2: THE TASTE OF SEDUCTION [EDITED VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon