Kabanata 5

1.3K 27 0
                                    

Kabanata 5

KAPAGKUWAN ay hindi mawala wala sa isipan ng dalaga ang kaniyang nakita sa opisina nang binata. Kung bakit may kopya ito nang kaniyang mismong dokumento, kung bakit ganoon na lamang ang pagka interes ng binata sa kaniya.

Ilang segundo nang naghihintay sa tapat nang elevator si Aki, nang maramdaman niyang nabuhay ang kaniyang cellphone sa kaniyang bulsa. Hindi inaasahan nito ang natanggap na mensahi mula sa dati nitong kakilala. Tila ba tumigil ang takbo ng kaniyang oras nang mabasa iyon, tulala at hindi nito matanggap ang nangyari.

Ilang minuto rin siyang nakatulala sa mismong kinatatayuan nito. Hindi man lang niya napansin ang binatang si Zeal sa kaniyang tabi at ilang ulit na siya nitong tinatawag.

" Aki" pagtawag nito. " Po? Sorry, ano po yon?" ani Aki. Bago man ito nagsalita muli, tiningnan lamang siya nito na para bang sinusuri siya nito. Kaagad naman nitong inayos ang sarili at nagsimula nang pumasok sa loob ng elevator.

" What's my first appointment today?" ani Zeal. " Your first appointment for today is the board meeting for the contract signing at 8 am" simpleng pagpapaliwanag nito. Hindi maiwasang mapatulala si Aki dahil na rin sa paulit ulit na pagtakbo sa kaniyang isipan ang mensahing iyon. "What's wrong?" laking gulat nalang niya ng tanungin siya nito. " Po?" Aniya.

" I'm asking you what's wrong? Or do I have to repeat it again" supladong asik nito. " W-Wala naman " simpleng tugon ng dalaga rito. Napaatras na lamang siya nang ilapit nito ang mukha ng binata, bumilis kaagad ang tibok ng kaniyang puso dahilan para mapahigpit ang pagkakahawak niya sa mga dokumentong dala dala niya.

" I know something is bothering you, Aki. Don't make such a serious face, I like you more when your smiling" sabay sa pagbitaw nito sa mga salitang iyon ay ang marahan nitong paghagod sa kaniyang pisngi at isang ngiti ang iginawad nito sa dalaga.

Ni hindi man lang nila namalayan na bumukas na pala ang elevator at laking gulat nalang nitong makita ang mga katrabahong gulat at nag uusap. Kaagad siyang dumistansiya at nagpaalam sa binata.

Napabuntong hininga na lamang si Aki at napahulambaba sa kaniyang swivel chair. Ni hindi niya magawa ng maayos ang mga trabaho sa problemang bumabagabag sa kaniyang isipan sa kasulukuyan. Alam niyang napapansin na rin ito ng mga tao sa paligid niya. 

" Ayos ka lang ba talaga Aki? Magpahinga ka na kaya" usisa ni Michel sa kaniya. " Ayos lang naman ako. Wag kang mag alala " nakangiti nitong tugon sa kaibigan. Kapagkuwan ay napapatingin na lamang siya sa orasan ng kanilang opisina. Ilang oras pa bago matapos ang trabaho niya. Paulit ulit niyang tinitigan ang mensahing natanggap niya.

' mi dispiace, padre' sunod sunod ang pagpatak nang kaniyang mga luha sa lungkot na kaniyang nararamdaman. Ang sakit na hindi niya kayang itago, ipinahinga niya ang kaniyang ulo sa lamesa at doon humalukipkip sa sariling lamesa at naglabas ng sakit ng damdamin.

" Aki?" kaagad siyang umayos nang upo at pinahid ang mga luha. Tiningnan niya ang taong iyon at ikinagulat nang makitang si Zeal ang taong iyon. " Zeal?" nangangatal na wika nito.

" Come with me" hindi na siya nakasagot pa at nagpadala na lamang sa binata, nalaman na lamang niya ang kanilang destinasiyon nang makapasok na sila sa opisina nito. " I asked you earlier but you said it was nothing. Hindi ko maiwasang hindi mag alala kapag ganiyan ka, Aki" panimula nito. " Tell me, please. I can't stand when your like this" dagdag pa nito, ilang hibla nalang ang layo nang kanilang mga mukha ganoon na lamang ka lakas ang epekto nito sa dalaga, tuwing napapalapit siya rito ay kakaibang sensasiyon ang kaniyang nararamdaman na dumadaloy sa buo niyang katawan, ganoon na rin ang kakaibang hatak nito sa kaniya. Kaagad siyang umiwas sa binata.

" Wala naman talagang nangyari. Medyo hindi lang maganda ang pakiramdam ko ngayon" simpleng pagpapaliwanag niya rito. " I doubt that" sabay ang paghaplos nito sa kaniyang pisngi na siyang nagbigay ng kakaibang epekto sa kaniya. Nababaliw na ata siya dahil tuwing nakikita man lang niya ito, makausap at makasama ay nag iiba na kaagad ang bilis ng tibok nang kaniyang puso. Sa mga maliliit nitong puri at sa mga simple nitong salita ay tila ba nabubuhay ang mga paru-paru sa kaniyang katawan.

Ipinilig na lamang niya ang ulo sa mga bagay na kaagad sumagi sa kaniyang isipan. " Fine, but please smile. Your more radiant and stunning when a smile is upon on those fastidious lips of yours" as he said those words, Aki saw such strong sincerity and such concern with those Gray eyes. Kung wala lamang siyang iniisip at dinadamdam, kanina pa ata siya nadala sa mga mabulaklak nitong mga salita.

" Don't make me worry as much as I am now, Aki" sabay ang paghagod nito sa kaniyang buhok at hindi inaasahan nitong hinalikan ang dulo ng kaniyang buhok. Sabay ang pagtitig nito sa kaniyang mga mata na siyang hindi magawang titigan ng dalaga.

" Ahm, I know this is too early but" bahagya siyang tumigil bago ito nagpatuloy. " What is it?" Ani Zeal. " I would like to ask for your approval for a temporary leave. I'll be leaving for a month or so, huwag po kayong mag alala you don't need to pay me for my absence. I also promise that I will -- " bago pa man matapos ni Aki ang sasabihin kaagad siyang pinutol nito sa pagsasalita.

" Wait, what do you mean your leaving? Why?" Ani Zeal. " For personal matter " nakayukong tugon ni Aki na may bakas nang pagkalungkot sa mga boses nito. " Personal matter, huh. You can't even tell me. Then, I can't allow you to go" kaagad na napawi ang atensiyon ng dalaga kay Zeal sa sinabi nito. " Bakit? I will submit my letter later on, plus you don't need to pay me and I'm doing my job at least let me Zeal" hindi na napigilan pa ni Aki ang sarili, hindi niya pwedeng palampasin ang ganitong pangyayari lalo na ang tumayong ama ang kaniyang pupuntahan.

" You want me to let you go for a month? Aki, your my secretary you have your responsibility to do here! Tell me, is it a valid reason for you to take and early leave? Now tell me" ani Zeal. Napakamakasarili niya kahit kailan, bakit ganoon nalang siya ka unfair mag isip. May buhay rin naman ako kahit na nagtatrabaho ako sa kaniya bilang sekretarya niya. Iyan ang mga linyang tumatakbo sa isipan ni Aki. " Dahil kailangan kong dumalo sa lamay ng aking ama, tell me Zeal is it not enough to fit on your so called valid reason? How could you be so selfish, Zeal. This is unfair, I know my responsibilities as your secretary as a worker here but please don't take my life as well. I'm sorry Zeal, pero kailangan kong umalis at dumalaw roon. I'll be sending the letter later at noon, if you'll excuse me "kaagad naman itong umiwas, at nagpaalam na sa binata.

Nang makalabas siya roon, tila ba nakahinga siya nang maluwag. Naririnig na niya ang sariling tibok ng puso, napasandal siya sa pintuan at napahawak sa kaniyang dibdib.

" This is stupid " sita nito sa sarili at tuluyan nang nilisan ang lugar na iyon. Sa kabilang banda naman, tulala at nabigla si Zeal sa mga binitawang salita ng dalaga. Padabog siyang naupo sa sopa sa kaniyang opisina, paulit ulit na tumatakbo sa kaniyang isipan ang mga linyang iyon.

Dahil kailangan kong dumalo sa lamay ng aking ama, tell me Zeal is it not enough to fit on your so called valid reason? How could you be so selfish, Zeal. This is unfair, I know my responsibilities as your secretary as a worker here but please don't take my life as well.

" Fuck this" kaagad niyang kinuha ang cellphone sa bulsa at tinawagan ang kaniyang kaibigan. He wanted to know what's been bothering the young woman's mind, as if he can't help but be curious about her in every single way. Zeal find it himself annoying doing things he would never expect. His desire to know the young lady drives him to greater heights.

" What the heck do you want?" iyan kaagad ang ibinungad sa kaniya ng kaniyang kaibigan na si Lucas. Bakas sa boses nito ang  pagkairita at ang napakalamig nitong boses.

" I want you to put up a background check more on Aki Empress Rouge Zariya." Ani Zeal.

" Sigurado ka ba diyan, Zeal? You seem to be very interested in her? It's not like I care, because of that I can make money" anito. " Tsk, siraulo ka talaga. Make it quick I need it as soon as possible " pag uutos ng binata rito. " Okay" mabilis lang ang naging pag uusap ng magkaibigan at naiwan ang binatang si Zeal na may malalim na iniisip.

LASCIVIOUS 2: THE TASTE OF SEDUCTION [EDITED VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon