Kabanata 7
" It's nice to be doing business with you" anito. Hindi makapaniwala si Aki sa nangyayari.
" Aki, siya si Mr. Zeal ang anak ng nag mamay ari ng kilalang business na pinamumunuan ng mga Heineriech" singit pa ni sister Irina sa usapan at pagpapakilala nito sa binata.
" It's okay, sister. Magkakilala na po kami " simpleng tugon ni Zeal rito. Binigyan naman si Aki ng isang nagtatanong na tingin ni sister Irina, tanging pag ngiti na lamang ang sinagot niya rito.
" Paano nangyari iyon?" pagtatanong ni sister Irina sa dalawa. Ngumiti lamang ang binata na siyang nagbigay daan upang si Aki na mismo ang magpaliwanag rito.
" Siya po ang tinutukoy ko na amo " maikling pagpapaliwanag ni Aki rito, bakas sa mukha nito ang pagkagulat di rin nagtagal isang ngiti ang nakaplastara sa mga labi nito." Ganoon ba, naku napakabait mo palang tao iho. Hindi ko inaasahan na ikaw pala ang pinagtatrabahuan ni Aki, nagawa mo pang tumulong rito sa bahay ampunan. Napakalaki na ng iyong tulong. Pagpalain ka ng diyos" ani sister Irina. "It's not that big deal, this could be a good chance to start a new program within our business. You could say, it's for business purpose as well sister" pagpapaliwanag ni Zeal rito, pero habang iponapaliwanag nito ang naging pagtulong ni hindi mahiwalay ang pagtitinginan ng dalawa. Para bang nag uusap ang dalawa sa kanilang pagtitigan.
" I see, pero mas mabuti na ring pasalamatan ka namin. Huwag kang mahiyang lumapit sa amin tuwing ikaw ay namomoblema, bukas ang pintuan ng tahanang ito sa lahat" wika ni sister Irina. " Maraming salamat" tugon ni Zeal rito. Nanatiling tahimik si Aki at nakikinig lamang sa pag uusap ng dalawa.
" Aki, kung hindi mamasamain gusto kong ilibot mo si ginoong Zeal sa paligid. He personally wanted to see the place through" nakangiting wika ni sister Irina. " Po? Bakit po ako?" Nangangatal na wika ni Aki rito. Kaagad naman siyang binigyan ng isang babalang tingin nito, kaya walang nagawa ang dalaga kundi sumunod mas lalo pa siyang nainis nang masilayan niya ang nakaplastara nitong ngiti.
" Then, please take care of me" anito.
Waahh, ano daw. Please take care of me? What the is he crazy? Tapos anong nginingiti nitong lalaking to. Isang araw lang magkaaway kami at nagsisigawan sa opisina niya. Tapos ano to, malalaman ko nalang na ang ganitong balita.
Tahimik lang silang naglalakad sa pasilyo, namumuo ang katahimikan sa pagitan ng dalawa. Ni hindi rin alam ni Aki kung ano ang sasabihin.
" I'm sorry" nang magsalita ang binata dahilan para maputol ang katahimikang nabubuo. " Huh?" iyan na lamang ang nasabi ni Aki sa pagkabigla, it was her first time hearing this man in front of her apologizing for something and she knew what's the man wanted to say. But believing his Zeal Heinereich, a man with such pride, with such dignity and class would be apologizing to her.
" I said, I'm sorry" wika nito. Kaya mas lalong hindi makapaniwala ang dalaga ng ulitin pa ito ng binata. " A-About what?" Pagpapalusot nito, ni hindi niya mapigilang mautal sa sitwasyong kinalalagyan niya.
" Alam kong alam mo ang sinasabi ko, Aki. Do I really need to elaborate the scene on that day? " ani Zeal. " H-Hindi na kailangan, kasalanan ko rin naman iyon. Sa mali kong tao naipalabas ang hinanakit ko nang araw na iyon, sorry rin" paghihingi ng tawad ni Aki rito. Naghintay na lamang siya sa susunod na sasabihin ng binata pero hindi niya inaasahan ang susunod nitong ginawa.
Marahan siyang hinaplos nito sa buhok at tinignan sa mga mata habang binitawan ang mga salitang ito sa dalaga. " I'm sorry, I was selfish back there. I should've notice, I'm sorry" anito.
Hindi mapigilan nang dalaga ang pagbilis ng tibok nang kaniyang puso at alam ang dahilan nito. Hindi niya alam pero ang lalaking ito ang dahilan sa pagbilis ng tibok ng kaniyang puso, ang mga kakaibang nararamdaman ay dahil sa lalaking ito.
" O-Okay lang " kaagad na dumistansiya si Aki at umiwas nang tingin. Ramdam niya ang pag init ng kaniyang pisngi, bakit ba ganito siya tuwing kasama niya ang lalaking ito.
" Dito tayo " pag iiba nito nang topiko. Halos malibot na nila ang buong lugar at ang huli nilang pinuntahan ay ang harden. Para sa dalaga, huli man niya itong pinakita pero ito ang pinakamahalagang lugar sa kaniya sa lahat.
" This place is beautiful " panimula ni Zeal. " Oo naman " taas noong sagot ni Aki rito na may ngiti sa mga labi. " Aki" ani Zeal.
Tumingin naman ang dalaga rito, hinintay niya ang susunod na sasabihin nito pero isinantabi na lamang ito nang binata. " Wala, I can see why this place is that important to you. Judging by how proud you are while showing me around, how you treasure this place " anito. Ngumiti lang si Aki rito. " Thank you" wika ni Aki.
" For what? " simpleng tugon ni Zeal. " Thank you for everything, Zeal. For saving this place, it means a lot to me to all of us" wika ni Aki. Ngumiti lamang ang binata at itinuon ang atensiyon sa magandang tanawin.
" You called me Zeal " anito. Doon lamang napagtanto ni Aki ang nagawa. It was not her first to call her by his first name, pero bakit tila ganoon nalang kasaya ang binata. " Sorry, di na mauulit" ani Aki.
" No, I like it. I like how you said my name with such sincerity " sabay kindat nito. " At wala tayo sa trabaho ngayon, you can call me by my name anytime, Aki. " dagdag pa nito.
" Ganoon ba. Okay, Zeal. " nakangiting sita ni Aki rito at isang napakatamis na ngiti ang ibinahagi niya rito.
It was their first conversation with such normal circumstances. At iyon rin ang unang pagkakataong nakita niya ang binata na ganoon.
Could she be a bad person wishing for something like this to stay the way it is. With no ending, no disturbances. She doesn't even know why she keep thinking this way for this man. She keep doing things she once never imagine.
Truly a moment to remember.
BINABASA MO ANG
LASCIVIOUS 2: THE TASTE OF SEDUCTION [EDITED VERSION]
General FictionOtso anyos pa lamang si Aki ay naulila na siya. Simula non ay nanirahan sa isang bahay ampunan na naging tanahan na rin niya mula non. Nang siya ay tumuntong sa edad na bente, nagsimula siyang harapin ang mundo sa unang pagkakataon. Namulat siya sa...