Chapter two:
Pagkatapos ng bell pumunta na ako sa office Ng SP,medyo malayo to sa canteen. Wala ng students na nakakalat,class time nadin kasi. Ilang lakad na lang din at malapit na ako sa pinto
"pasok" rinig kong saad ng lalakeng boses ng pagkatok ko. Pumasok na ako at umupo sa upuan sa harap ng table nya. Sya si Joshua Kim Ang School president. "Nagawi ka dito Yoshie" saad nito na napansin ako ang pumasok. "Alam mo naman kung bakit ako nandito." tumawa lang ito, ganyan yan lalo na kung ako kausap di makapag seryoso. 24 yrs old lang sya at kilala nya ako lalo na nasa TUCC ako kabilang. "Alam mo nadin ang sagot ko Ms.Montefalco, Hindi pwede ang dalawang linggo na hinihingi mo" tsk sabihin mo ayaw mo lang ulit mabuhay ang TUCC.
"Wag kana makipag plastican Josh, tayo lang naman ang nandito" Ngumiti ng nakakaloko ito tsk alam ko na talaga ang ugali nito. " Hahaha, ayan ang gusto ko sayo masyado kang mayabang. Mabuti at alam mo na ayaw ko sa club mo" Sabay Labas ng vape nito, Napaka irresponsible tsk yan ba nag role model tsk. "Pero pagbibigyan kita humanap ng bagong member,Haggang ngayon lng at bukas mo ipapakita kung meron kang na recruited. " tsk tumayo na ako at umalis sa lugar na yun. Bat ba naging SP ang katulad nya? Dapat sakanya pinapalayas dito. Tsk saan ako makakahanap ng member sa loob ng isang araw at ngayon pa mismo.
Suga point of view :
"wow ang ganda dito" saad ni V habang nakikilatis sa loob ng room ng TUCC nato. "Grabe ang sakit sa mata nung mga number na nakasabit" saad naman ni j-hope habang nakatingin sa board na may papel. Nandito pala kami para sumali eto lang kasi nakakuha ng atensyon namin saka mga 20 min. nadin kami nag hihintay dito. Nakaupo lang ako habang binabasa ang isang notebook.
"Siguro naman alam nyo kung saan kayo pupunta baka naliligaw kayo " napatingin kami sa bagong dating at dumeretso umupo sa upuan ng President ng TUCC. Ayon kasi sa name na nakalagay Sa upuan. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ni jimin habang nakataas ang isang kilay. Hindi nya sinagot ang tanong ni jimin at kinuha ang notebook sa kamay ko.
"Ako yata ang dapat magtanong sainyo, bakit kayo nasa clubroom ko?"
Wait? clubroom nya? ibigsabihin
"Kung ano man iniisip mo ,tama iniisip mo." tumingin sya sakin so ako kausap nya? "Ako ang President ng club nato kung dinaman kayo sasali maaring lumayas na kayo" Saad nito ng di tumitingin samin. Mamaya pa naglabas ng laptop at may tinatype. "Hehe Ms.President ako sasali ako sa club mo" saad ni Jin habang umuupo sa upuan agad naman napatingin tong babae kay jin at ngumiti at nag abot ng form tapos balik agad sa pokerface na muka nya. tss bipolar girl. "Ako din! haha" saad ni j-hope hanggang sa kay V, RM at Jungkook. Kami na lang ni Jimin ang di sumasali.
YOU ARE READING
The Unsolve Case (BTS) - ON HOLD
Mystery / ThrillerSya si Yoshie Xye Montefalco,Ang babaeng kinakatakutan ng lahat ng students ng University nila. Dahil nadin sa kilala ng pag uugali nito madami padin ang humahanga sa taglay ng katalinuhan na meron sya.. At isa syang President ng The Unsolve Case...