Chapter 9

87 1 1
                                        

Celestine's POV

Wala akong ganang kumain kaya sinabi ko nalang kay yaya na di ako sasabay kila mama.

Kanina pagkatapos ng auditon buong araw na kong wala sa mood,ni di ako makausap ng mga kaibigan ko kino comfort ako ni tatay kaso talagang wala lang talag ako sa mood mag pa comfort kahit kanino.gusto ko lang makapag isa dahil sa sobrang stress ko ngayon.

Bzzt.....

Tinignan ko naman kung sino nag text sakin..

"Hi"- unknown

Napaisip naman ako kung sino ung nag text. Di ko nalang pinansin dahil baka na wrong number lang,tsaka di ko naman din kilala yung number na yun.

Ring.....ring......ring......

May tumatawag naman ngaun...nung tinignan ko naman yun padin yung number kaya di ko nalang ulit pinansin. Pumunta nalang ako sa may piano ko at tugtug na sana nang mag ring ulit phone ko...sa inis ko ay sinagot ko na yung tumatawag sakin.

"Hello?" sabi nung tumatawag sakin..mukhang familiar boses niya pero tinanong ko pa din kung sino siya.

"Hello? Sino to?" Tanong ko sakanya.

"Uhmm di mo ko kilala? kahit boses ko lang?"- nang aasar niyang sagot.napairap naman ako dun.

"Hay oo na oo na..oh napatawag ka?at san mo naman nakuha number ko ha?" medyo irita na sagot ko kay Paul pero syempre kunwari lang yun hehe....

"Hmm wala lang? Kanina kasi ang tahimik mo tapos wala ka pa sa mood, ano ba nangyare kanina?"- tanong niya

"Hayy... eh kasi naman may hinahanap akong pianista.eh akala ko sisipot siya kanina sa audition eh ayun wala siya"- inis na kwento ko sakanya.

Medyo natahimik naman siya after kong sabihin yun tsaka sumagot

"Ahh ganun ba?hmm sino ba kasi?"- tanong niya naman.

"Di ko nga kilala eh...na sstress na nga ako eh"- inis ulit na sabi ko dahil naalala ko nanaman yung tao ns yun.

"Hmm lam mo Tin wag mong masyadong istress yang sarili mo malay mo naman andyan lang naman siya diba. Baka nga mamaya siya pa mismong lumapit sayo eh kaya relax ka lang diyan ok? Kaya yan tiwala lang"- sabi niya naman sakin

Napangiti naman ako sa sinabi niya at dun ko lang narealize na di pa pala ako nakakangiti buong araw ngayun palang.
Di ko alam kung bakit pero napapagaan niya loob ko....


"Hello?"- napatigil naman ako sa iniisip ko nung mag salit ulit siya


"Ay uy!sorry may naisip lang"-ako


"Hehe de ok lang osige na mukhang pagod ka na bukas nalang ulit?"- Paul


"Ah oo sige sige bye."-ako


"Sige goodnight Tin"-Paul


"Goodnight din"- ako sabay baba ng phone...


After nun nag hilamos na ko at nag toothbrush nag palit na ko ng pantulog kanina kaya humiga nalang ako sa kama at nakipag titigan sa kisame at hinayaan ko nalang na lamunin ako ng antok.

~~~~~~~
(The next day....)

Kringggg.....kringg......

Bigla naman akong nagising sa alarm ko, pinatay ko ito at bumangon na pumunta ako sa closet ko para mag hanap ng masusuot.. hayyy to nanaman wala nanaman ako masuot.... mag fi-15 mins. na akong nakatayo sa harap ng mga damit ko at wala akong maisip na suotin malapit na kong katukin ni manang para kumain at di pa din ako nakakaligo kaya napag pasyahan kong mag mahabang palda, sando at cardigan nalang at dumaretso na sa banyo at naligo.....

After 15 minutes natapos na din ako at pumunta na sa table ko kung san ako nag aayos.
Tinuyo ko buhok ko at hinayaan nalang munang naka ladlad sa likod ko wala akong nilagay na kahit ano sa mukha ko dahil tintamad ako, kaso napansin ko na namumutla ako at mukhang antok mga mata ko kaya nag lagay nalang ako ng mascara at kinulot pilik mata ko at nag lipbalm nalang para may onting kulay mukha ko at inikot nalang buhok dahil mainit din panahon ngayon

Saktong pagka sara ko ng bag ko ay kumatok na si manang at niyaya na ko para kumain....pagka baba ko naman ay andun si daddy sa dining table kakatapos niya lang kumain naka handa nadin pagkain ko kaya pumunta na ko sa pwesto ko para kumain.
Nung nakita niya naman ako ay nag salita siya

"Tumawag teacher mo sakin kagabi, pinapa pospone niya yung recital mo next month."-pasimula niya. Ako naman ay tuloy tuloy lang sa pagkain.

"Anong problema?di ka ba nag papractice ha!?"galit na tanong niya."Ang hilig mong patagalin mga pyesa mo kaya nakikita niya na di ka pa handa para sa recital mo!"pagtataas niya ng boses."Ayusin mo ginagawa mo Celestine ha, papatgilin kita sa pag aaral mo maniwala ka sakin!"sabay tayo niya at umalis na sa dining table..

Naiwan akong mag-isa sa table at pinipigilan tumulo luha ko... hay ano bayan hanggang ngayon ba naman na aapektuhan parin ako.. di na ko nasanay... tinapos ko nalang yung pagkain ko at niyaya na driver ko para umalis.

Pagkadating ko sa school dumaretso ako sa office nung prof ko. Kumatok muna ako bago buksan yung pinto.

"Celestine.."-bati niya sakin.

"Hi po prof. pede ko po ba kayo makausap?"-ako.napangiti naman siya na oara bang alam niya na sasabihin ko.

"Mukhang sinabi na ng daddy mo sayo, pinagalitan ka nanaman noh"-pabiro niya sabi sakin
Natawa nalang ako sa sinabi niya."Bakit po?"-tanong ko sakanya.

"Well, lets just say na gusto kong makaduet mo yung gusto mo talagang makaduet?"

Nag taka naman ako sa sinabi niya.. At mukhang napansin niya naman yun kaya tinuloy niya ang pag sasalita

"Alam mo mahirap tumugtug ng wala sa loob, ng hindi ka comfortable and I've seen you played like that at ayoko ng makita ulit yun. At nakita ko na rin kung pano ka tumugtug na magaan sa loob I mean like you're very comfortable kaya I decided na bigyan ka pa ng oras para hanapin yung pianista na yun."paliwanag niya sakin.

Napangiti naman ako dun sa sinabi ni prof.

"Tsaka pinag mamalasakitan kita kasi may potential ka. Kung wala kang potential I wont do this things for you." dagdag niya pa. Napangiti nalang ulit ako sakanya at nag paalam na rin.

After kong pumunta sa office ni prof. dumaretso na ko sa cafeteria para kitain sila kateline bago ako pumasok sa klase ko.

Hanggang KelanWhere stories live. Discover now