Paul's POV
Kanina pa ko tahimik tinatanong nga nila Eman ano daw nangyare sakin pero hindi ko nalang sila pinapansin. Kanina ko pa kasi iniisip si Celestine. Iniisip ko kung sasabihin ko na ba na ako yung hinahanp nya. Kaso nag dadalawang isip ako at hindi ko alam kung bakit. Ewan. Siguro dahil nahihiya ako? Hayy, Bat naman ako mahihiya. Ah pero basta ewan ko hindi ko alam kung anong pumipigil sakin. Iniisp ko rin na baka magalit sya sakin dahil hindi ko agad sinabi sakanya.
Na tigil pag-iisip ko ng mag ring na yung bell. Tapos na pala first period. Inayos ko na mga gamit ko at lumabas na ng room para pumunta sa susunod na klase ko. Pagkalabas ko ng room nag tinginan agad mga babae sakin yung iba patago pang kinikilig. Hayy.. hirap naman maging gwapo. Char! Ewan ko ba sa mga yan.. totoo nga sinasabi ng mga barkada ko na may fans club na daw ako dito sa School.
Hayy.. pero hindi ko pa rin talaga maalis sa isip ko si Celestine at speaking makakasalubong ko na sya ngayon. Magkasama sila ni Ara nag uusap sila ng biglang napatingin sa gawi ko si Tin. Nagkatinginan kaming dalawa. Nakatingin lang kami sa mata ng isa't isa habang si Ara naman kinakausap parin sya, mga 3 or 5 seconds din yun tas tumingin na ulit sya kay Ara na walang tigil sa kakasalita sa tabi nya. Sarap titigan ng mata nya. tuwing tititigan ko sya sa mata nya may something talag na hindi ko mapaliwanag. parang bang tagos hanggang kaluluwa. Ganda ng mata nya.
Nakalagpas na silang dalawa at sakto namang dumating si Eman.
"Bro. dito ka pa? diba may klase ka?- Eman
"Oo meron. tara?- Ako. Pareho lang kasi kami ng klaseng papasukan.
Celestine's POV
Mag kasama kami ni Ara papunta sa klase namin... nag ku-kwento sya about sa isang Kpop group na super favorite nya. Nag ku-kwento lang sya sakin habang kilig na kilig.
"Tapos alam mo ba si Suga, suuupppeeerrrrrr gwapo nya dun!!!" - Ara. Na halos maihi na sa sobrang kilig.
Nakikinig lang ako sakanya ng bigla akong mapatingin sa isang gawi. Andun si Paul nakatingin din sakin. Nag katitigan lang kami habang nag lalakad kami ni Ara. Hindi ko na masyadong maintindihan yung sinasabi ni Ara dahil nakuha ni Paul atensyon ko.
"Hellooo... nakikinig ka pa ba sakinnn?- Ara. napansin nya atang hindi na ko nakikinig sakanya.
Napatingin naman ako sakanya. "Ay. Sorry ano nga ulit yun?"-Ako. Napairap naman sya ng onti at tinuloy na yung sinasabi nya. "So ayun nga kasi..." tinuloy nya na ulit yung pag kekwento ng mapadpad naman isip ko kay Paul. Bat ganun. Parang kinabahan ako nung nagka titigan kami. Biglang bumilis tibok ng puso ko. Ayoko naman mag assume pero kasi hindi naman ako manhid noh.. may kakaiba lang akong nararamdam. Lagi ko ring nararamdaman na nakatingin sya sakin. Hindi ko nalang pinapahalat at pinapansin. Hayy. Baka assuming lang ako.
Lunch na. Hindi muna ako nag lunch dumeretso ako sa isa sa mga practice room at nag rehears nalang. Mas gusto kong mag practice ngayon kesa kumain.
~~~~~~~~~~~~~~~~
few hours later...

YOU ARE READING
Hanggang Kelan
Randommeron ka bang parents na super strict,super protective na super sakal ka na rin na pati yung sarili mong freedom di mo hawak. being ordered around tas yung susunod ka nalang kahit labag sa kalooban mo para wala nalang usapan na minsan mapapatanong k...