KABANATA 14

1.1K 46 12
                                    

You say that you love the rain, but you open your umbrella when it rains.
You say that you love the sun, but you find a shadow spot when the sun shines.
This is why I'm afraid, you say that you love me too.

-W. Shakespeare

-----------+-----------+------------+-------------

Jackie's Point of View

Pagkakakapa ko sa leeg niya, chineck ko ang pulse niya kung may heartbeat, buti naman meron pa. Inayos ko ang pagkakabalot ng comforter sa kaniya at agad na bumaba papuntang kusina.

Naabutan ko si ate Marcelle na nagluluto, gusto ko man tulungan siya sa ginagawa pero kailangan kong asikasuhin si Vice.

"Ate Marcelle, may mainit po ba kayong tubig?" Tanong ko dito. Habang kumukuha ng isang basin na nilagyan ng konting maligamgam na tubig.

"Nandun sa thermos katabi ng microwave." Sabi nito habang busy sa pagpiprito. Pumunta naman ako dito at kumuha ng mainit na tubig at hinalo sa maligamgam na tubig para maging medyo warm.

"Pasensya na po kayo hindi ko kayo matutulungan. Inaapoy ng lagnat si Vice eh" Sabi ko namam dito. Nagulat naman ito at lumapit sakin.

"Ganun ba, naku hindi mo sinabi agad." Nag-aalala nitong sabi.

"Huwag po kayong mag-alala, ako na po bahala. May towel po ba kayong malinis at paracetamol?" Tanong ko dito. Binigyan niya naman ako at agad na nagpasalamat. Sinabi niya naman na magluluto siya ng soup para kay Vice.

Bumalik ako sa kwarto ni Vice at agad na pinuntahan siya. Sinubukan ko siyang gisingin pero nanginginig pa rin siya.

Binasa ko ang towel ng medyo mainit na tubig. Balak ko sanang punasan ang katawan niya nito para bumaba ang temperatura ng katawan niya. Kaso, basa ng pawis ang damit niya kaya kailangan ko munang palitan ito.

Pumunta ako sa malaking walk in closet niya at naghanap ng preskong shirt. Pagkakuha ko, bumalik ako kay Vice at sinubukan uli itong gisingin.

"Vice...bangon ka muna. Kailangan mong magpalit ng damit." Marahan kong sabi dito. Gumalaw ito at hirap na minulat ang mapupungay na mata. Umungol lang ito at bumalik sa tulog. Sigh. No choice ako.

Sinubukan kong hubaran siya pero ang laking tao niya. Ang hirap, grabe. Kayo na bahala mag-isip kung paano ko siya napalitan ng damit.

Bago palitan ng damit, pinunasan ko muna ang dibdib at leeg niya ng towel. Buong upper body niya ang pinunasan ko at binihisan agad ng damit para hindi siya lamigin.

Yung mukha niya naman ang pinunasan ko at pagtapos ay pinatong ko ang extra towel na basa noo niya para i-absorb ang init niya.

Kinuha ko muna ang soup sa kitchen at hinatid ito sa kwarto niya. Mainit pa rin siya pero di na gaya kanina. This time, kailangan ko na talaga siyang gisingin para pakainin bago uminom ng gamot.

"Vice, gising na please." Tawag ko dito sabay yugyog. Nakailang tawag pa ako bago siya tuluyang nagising. Umupo siya at nilibot ang tingin.

"Masama pa ba ang pakiramdam mo?" Marahan kong tanong dito. Tinignan niya lang ako at kalaunan ay nagulat nang makita ako.

"Anong ginagawa mo dito?" Paos nitong sabi. Medyo hirap siyang magsalita at bloodshot pa rin ang mata.

"Hindi na importante yun. Kumain ka na muna, mataas pa ang lagnat mo." Sabi ko dito habang kinukuha ang soup bowl sa bedside table. Kinutsara ko ito at hinipan bago tinapat sa bibig niya.

Tinabig niya ang kamay ko. Natapon ang laman ng kutsara. Buti na lang hindi natapon ang laman ng mangkok.

Bahagya akong nasaktan sa ginawa niya pero hindi ko pinahalata. Bat ba ang harsh niya these past few days?

"Promise, aalis ako pagtapos mong gumaling. Kainin mo muna 'to bago mo inumin ang gamot mo. Okay?" Sabi ko dito at pilit na ngumiti. Hindi siya sumagot kaya tinapat ko ulit sa bibig niya ang kutsara.

"Anong ipapakain mo sakin? Walang laman yung kutsara." Sabi dito at tinuro ang kutsara.

"Ay sorry." Sabi ko at sumandok ulit ng soup sa kutsara at tinapat sa bibig niya. Kumain naman siya at umiwas ng tingin. Buti naman at naubos ang niya ang soup.

Pagtapos niyang kumain, kinuha ko ang gamot at baso ng tubig. Nilapit ko ito sa kaniya na agad niyang ininom.

"Baka may lason 'to ah." Sabi nito na agad naman ininom ang gamot.

"Wala ah, gayuma lang hehe." Sinubukan kong magjoke pero di effective. Tinitigan niya lang ako at nag-iwas ng tingin.

"Kaya pala." Sabi lang nito at humiga ulit. Pinunasan ko ang comforter na natapunan ng soup. Inayos ko ang pagkakabalot ng comforter sa kaniya at niligpit ang mangkok at iba pa habang siya ay nakatitig lang sakin.

"Matulog ka na lang muna. Ibababa ko lang 'to." Sabi ko dito at akmang aalis na ko nang pinigilan niyo ko.

"Mamaya mo na gawin yan. Dito ka na muna." Sabi nito at umusog sa kama. Tinapik niya ang katabing space na para bang gusto niyang umupo ako dun.

Nilapag ko ang tray na may mangkok at baso sa gilid at sumunod sa kaniya. Umupo ako sa tabi niya at tinitigan siya.

"Gusto mo bang kantahan kita?" Nakangiti kong tanong sa kaniya.

"Wag na. Wala ka sa tono. Baka bangungutin pa ako." Sabi nito.

Bahagya ako natawa at umayos ng upo.

"Sige, babantayan na lang kita hanggang sa makatulog ka." Sabi ko dito at sinuklay ko ang daliri ko sa buhok niya. Napaatras siya ng konti pero hinayaan niya akong hawiin ang buhok niya. Umiwas siya ng tingin at inayos ang pagkakahiga niya.

"Pasensya na kung harsh ako sa noong isang araw, kahapon at ngayon ah." Mahinang sabi nito.

"Buti alam mo. Tsaka na natin pag-usapan yan. Matulog ka na muna." Pilit ko dito. Gusto ko muna siyang makapagpahinga bago tanungin yung nangyari kahapong paghalik niya sakin. Namula ako nang maalala yun. Bat uminit bigla? Nakapatay nga pala yung aircon.

Hinawakan niya ang kamay kong humahawi sa buhok niya. Akala ko aalis niya pero umupo lang siya at nanatili ang pagkakahawak sa kamay ko.

"No, Jackie. Gusto kong malaman mo kung bakit ako umiiwas sayo." Sabi nito sakin at tinitigan ako. Napalunok naman ako at umiwas ng tingin. Sabi na eh, umiiwas nga siya nun.

"Gusto kita, Jackie." Halos mabulunan naman ako sa sinabi niya. Hanudaw? Tumingin ako sa kaniya at tinignan kung seryoso ba siya. Hindi ako umimik. Hinintay kong bawiin niya ang sinabi niya at sabihing joke lang yun. Pero nakatitig lang siya sakin.

Ang awkward bigla. Lumunok ulit ako at kinunotan siya. Kunwari di ko narinig.

"H-huh?" Takang tanong ko dito.

"Gusto kita...gustong gusto." Seryosong sabi niya.

Hindi ko alam ang i-rereact ko kaya tinignan ko na lang siya. Maraming tanong ang tumatakbo sa isip ko pero walang lumalabas sa bibig ko.

"Pasensya na. Alam kong may boyfriend ka na. Don't worry, mawawala rin itong nararamdaman ko para sayo. Feelings fade, ika nga nila." Sabi niya at kumibit-balikat na animo'y wala lang sa kaniya yung sinabi niya habang ako ay halos malaglag na ang puso ko.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. I couldn't even find the right words. Parang nablangko ang utak ko at nagrereplay ang sinabi niyang gusto niya ako.

"Alam kong sobrang mali kaya sinubukan kong iwasan ka. Pero di ko kaya. Hindi talaga... I even k-kissed y-you...but I'm not sorry." Matapang nitong sabi pero nagstutter sa bandang dulo.

"That's why stay away from me. Kasi baka hindi ako makapagpigil. Baka agawin kita sa boyfriend mong hindi ka pinapahalagahan. Yung babaeng pinapangarap ko, binabasura lang ng iba." Sabi nito na medyo humina ang boses sa bandang dulo. Hindi ko man narinig nang maayos pero alam ko kung ano yun.

-------

A/n: Yan na yung karugtong. Tumutupad talaga ako sa promise haha. Nakatatlong updates ako sa isang araw. Kaya hindi ako sure kung makakapag-update ako tom.

Let me know your comments, suggestions and reactions.

Vote. Comment. Enjoy. Charot.

ViceJack: Can't hold any longerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon