Ecrin Quinevere
Nakadungaw lamang ako sa bintana habang tinitingnan ang mga bituin na nagbibigay liwanag sa pagsakop ng dilim sa kalangitan. Makikita sa labas ang mga nagtataasang puno na sumasayaw sa bawat hampas ng hangin. Napakasarap sa pakiramdam, parang nakalimutan ko na nasa loob ako ng apat na sulok na kwartong kulay puti. San Lazaro Mental Hospital, dito ako namamalagi ngayon. Tsk. Kung iniisip ninyo na baliw ako, pwes, nagkakamali kayo!
I am the youngest patient here, but definitely sane. Dahil sa mga gahaman na kamag-anak ko kaya ako nandito. Nang namatay ang mga magulang ko, dinala agad nila ako sa lugar na ito upang sila ang makinabang sa pera ng mga magulang ko. Mga mukha talagang pera.
Anim na taon na akong nakatira dito. Ilang beses na akong tumakas dito ngunit nahuhuli parin nila ako. May parusa sa mga tumatakas ng mental asylum na ito, nilalatigo nila ito ng paulit-ulit. May ilan akong sugat sa aking likod dahil maraming beses na akong nagtangkang tumakas sa lugar na ito. At kung sinong mahuhuli ay mapaparusahan. Wala silang pinipiling edad. As long as you're a patient, paparusahan ka nila.
I am not ordinary. Ito ang halos pinaparamdam ng mga tao sa akin dahil sa itsura ko. Marie Antoinette's syndrome, they said. A syndrome that will turn your hair into white. I thought it is just a myth, but I guess it's true. Ever since I turned nine, I have been experiencing strange occurrences, perhaps due to certain circumstances in my life.
And my relatives had taken advantage of it.
"Ecrin, inumin mo muna ang gamot mo. . " pumasok ang isang nurse na may dala-dalang tray ng gamot at tubig. Inabot niya sa'kin ang isang tableta at eksaktong pagtalikod niya ay inilagay ko agad ang gamot sa ilalim ng unan ko.
"Tubig." pagkaharap niya ay umakto agad akong nainom ko na ang gamot. Uminom na ako ng tubig at lumabas na siya sa loob ng silid. Napangisi naman ako sabay hawak sa susi ng selda. Isasagawa ko na naman ang aking huling pagtakas, at sigurado akong hindi na ako papalpak.
I prepared for this.
Pumunta na ako sa may labasan ng silid at maingat na kinalikot ang kadena ng seldang de rehas. Paglabas ko ng silid, bumungad sa akin ang napakadilim na pasilyo. Iningatan ko ng aking mga hakbang dahil nandyan lang sa paligid ang mga bantay. Pupunta ako sa fire exit dahil mas maraming bantay sa entrance hall.
I sneakily stride through the hall. Pinakiramdaman ko muna ang paligid bago ako magpatuloy sa paglalakad. Sadyang malayo ang aking kwarto sa fire exit ng asylum, at maraming madadaanan na interseksyon sa hallway at lahat ng ilaw ay nakapatay. This is just like a scene in a horror movie.
I saw the light coming from the fixed window near the staircase. I smirked. Finally. Sinuswerte yata ako ngayon. Sa oras na makalabas ako sa building na ito nang hindi nila namamalayan, magiging madali ang pagtakas ko rito.
Ngunit unti-unting nawala ang suot kong ngisi dahil sa liwanag na nakatapat sa aking mukha.
Isang flashlight.
Ilang sandali pa kaming nagkatinginan bago siya sumigaw----
"MAY TUMATAKAS!"
I guess some things aren't going to your way, huh?
Agad akong kumaripas ng takbo nang hinabol ako ng dalawang lalaki at sumunod naman ang iba pang guard at mga nurse.
"Habulin n'yo! Di pwedeng makalayo 'yan!"
Nagtago muna ako sa garden ng hospital upang di nila ako masundan. Kinakapa-kapa ko ang pader na kinakapitan ng mga dahon dahil mayroon akong ginawang lagusan, alam ko naman hindi ako makakadaan o makakaakyat sa gate dahil nakakalula ang taas nito.
BINABASA MO ANG
Fortran Academy Of Magic
FantasyEcrin Quinevere is not an ordinary mental patient. She has the so-called 'Marie Antoinette's Syndrome'. Her parents died when she was nine. Ecrin's relatives brought her to a mental asylum to get rid of her. Living almost six years in an asylum feel...