Suggested Music for better reading experience: Dance of the Sugar Plum Fairy By Tchaikovsky
• • •
Fortran Academy of Magic
(Volume 1)
By: AsphazeraPROLOGUE
Dalawang pigura ang naglalakad sa kahabaan ng isang pasilyo. Binabaybay nila ang daan sa gitna ng dilim. Nakakabinging katahimikan ang namayani sa kanila, maririnig maging ang kanilang paghangos at ang tunog ng kanilang mga sapatos sa tuwing sila'y humahakbang. Sa bilis ng kanilang mga yapak ay nililipad na ng hangin ang dulo ng suot nilang balabal. Nilalabanan ng lamparang hawak nila ang dilim na nakabalot sa kanila. Lahat ng mga mamamayan sa bayan ng Esaridge ay nasa loob ng kanilang panaginip, maliban lamang sa kanila.
"Bakit ba tayo pinatawag ng konseho sa ganitong oras?" tanong ng isang may edad na babae na nakasuot ng kulay lilang balabal, suot ang pagtataka sa mukha.
"Hindi ko alam, ngunit pakiramdam ko na importante ang anunsiyong ito." sagot ng kasama niyang lalaki habang inaayos ang suot nitong salamin.
Tutungo sila sa silid kung saan naroon ang iba pang miyembro ng konseho. Ngayon pa nila natanggap ang sulat na nanggaling sa mga puting ibon. Naantala ang kanilang pagpapahinga, ngunit hindi ito maaring isabahala.
Nagtipon-tipon ang lahat sa silid ng isang kastilyo. Makikita ang parihabang mesa na pinalilibutan ng mga upuang sapat para sa kanilang lahat. Sa paligid ay nakasindi ang mga lampara at sulo upang magbigay ilaw sa lugar. Tanaw sa bintana ng kastilyo ang liwanag ng buwan.
Walang kung ano-ano'y pumasok na ang dalawa sa silid. Halos ang lahat ay nakaupo maliban sa kanila na kadarating pa lang. Napansin nila ang blankong upuan sa dulo at ito'y nakalaan para sa kanila.
Pormal nilang binati ang isang matandang nasa kabilang dulo ng mesa. May katandaan ngunit tuwid parin ang tindig. Ang puting balbas nito ay kasing haba ng kanyang buhok. Lente lamang ng kanyang salamin ang nakikita dulot ng liwanag sa labas.
Siya si Bertrand Luxemberg, ang kanilang pinuno.
"Pinatawag ko kayong lahat dahil sa isang importanteng balita. Hindi ito maaring ipagliban sapagkat nakasalalay dito ang kaligtasan ng lahat." naging alerto sila sa naging turan ng matanda.
Tumikhim ito upang ipagpatuloy ang kanyang sasabihin.
"Malapit na ang pagbubukas ng unang semestre, kaya't kailangan nating paigtingin ang seguridad ng ating akademya. Huwag basta-bastang tumanggap ng aplikante at bisita. Laganap ang mga bandido sa karatig-bayan, kaya't hindi naglalayong mapupunta sila sa dito Esaridge." Katahimikan ang bumabalot sa buong silid.
"Ngunit headmaster, matagal na nating ginagawa iyan, at isa pa, ang akademya ang isa sa pinakaligtas na lugar sa buong Scourge Island." wika ng isang kasapi.
Sa lahat ng bayan sa bansang Fortran ay ang Esaridge ang pinakasentro sa lahat ng bayan, kaya mahigpit ang pagbabantay sa mga naglalabas-masok sa lugar na ito.
"Mahigpit ang seguridad dito sa Esaridge, ngunit nagiging mautak na ang mga bandido. Hindi sapat ang mga magic ward na likha ng Magic Ministry at..." naputol ang pagsasalita nito dulot ng kanyang pagdadalawang isip.
Nagbugtong-hininga ito. Dahil sa asal ng matanda ay tila kinabahan sila sa maaring susunod na ituran nito. Hinanda nila ang kanilang sarili.
"...ano po iyon, Headmaster?" kursyosong tanong ng isa pang miyembro.
"Unti-unti nang humihina ang kapangyarihan ng Wraithwell...."
Napasinghap at gulat ang namayani sa buong silid. Nag-tinginan sila sa isa't-isa, at pangamba ang nakikita sa kanilang mga mata, tila nag-aalala sa mangyayari sa hinaharap. Lalo na para sa mga mag-aaral ng akademya.
Mahalaga ang Wraithwell sa pagpapanatili ng seguridad sa buong Fortran Academy. Ito ang nagsisilbing pampapalakas sa barrier na pomoprotekta laban sa anumang umaatakeng kalaban.
" Noon pa man, iginiit na ng Magic Ministry na may hangganan ang bisa ng Wraithwell. Kaya bilang tagapangalaga ng akademya, kailangan nating gumawa ng paraan upang panatilihin ang kapangyarihan nito." pagkatapos magsalita ng headmaster ay may nagtaas ng kamay.
"Kung gayon, hindi po maaaring magbukas ang akademya? Dahil kung mahina ang wraithwell, magiging banta ito sa seguridad ng mga mag-aaral." Madami ang sumang-ayon sa pahayag nito at kasama na nito ang mga bulungan ng iba pang nasa silid.
Itinaas ni Luxemberg ang kanyang kanang kamay, upang tawagin ang atensiyon ng lahat. "Kaya pinatawag ko kayong mga bahagi ng konseho sa kalaliman ng gabi dahil ayaw kong may makarinig na iba maliban sa inyo." Tiningnan niya ang reaksyon ng bawat isa. "Dapat walang maka-alam na humihina na ang Wraithwell. Sa ngayon ay hindi pa batid kung gaano ito kalala, ngunit kailangan nating mag-ingat. At magpapatuloy ang pagbubukas ng akademya."
Bakas sa mukha ng iilan ang pagtutol sa huling sinabi ng punong-guro. Kung ipagpapatuloy nila ang pagbubukas ng akademya, hindi na matitiyak ang kaligtasan ng mga estudyante. Hindi lang iyon ang kanilang inaalala. Kapag nalaman ito ng mga makapangyarihang pamilya ay posibleng masisira ang reputasyon ng akademya, kaya ganoon na rin ang kanilang pagtataka sa desisyon ng Headmaster.
"N-ngunit bakit pinuno?"
"Kapag sinara natin ito, nakakasigurong maraming umusisa. Posibleng makarating ito sa mga bandido at magagamit nila ito laban sa atin." sagot ng headmaster sa kanila. May nagdadalawang isip ngunit kalauna'y sumang-ayon sapagkat malaki ang tiwala nila sa kanilang headmaster.
Tumayo ito. "Kailangang gumawa tayo ng paraan sa lalong madaling panahon. Magpapatawag ako ng pagtitipon para doon. Sa ngayon, tapos na ang diskusyong ito. Transitus Tempus!" pagtatapos nito sa pagpupulong at saka nag-usal ng isang Teleportation Spell.
Mabigat ang gabi ito para sa kanila. Ang impormasyong nakalap nila ay mukhang maiisip nila hanggang sa kanilang pagtulog. Sa oras na nawala na ang headmaster, ay wala silang nagawa kundi umalis na lamang sa silid.
Kasabay din nito ang paglisan ng isang itim na ibon mula sa maliit na duruwangan.
***
Hi! this is Asphazera! ang magulo ninyong Author! Welcome to the First Volume of Fortran Academy of Magic. I just got back from my 4-year hiatus so medyo kinakalawang na ang author nyo haha. I am still trying to get back on my feet. I wrote a short prologue and I hope you liked it, and if you had any insights, please just comment. Thank you for reading! See yaaa~ <3
BINABASA MO ANG
Fortran Academy Of Magic
FantastikEcrin Quinevere is not an ordinary mental patient. She has the so-called 'Marie Antoinette's Syndrome'. Her parents died when she was nine. Ecrin's relatives brought her to a mental asylum to get rid of her. Living almost six years in an asylum feel...