Chapter 2: The Phantom Ship

149 11 1
                                    

Mollie Coatsworth

Magic. Kung opinyon lang ng mga mortal ang pinagbabasehan, masasabi nilang dulot lamang ito ng mapaglarong imahinasyon ng mga tao. For them, it only exists in people's minds. They didn't know that in this enigmatic world, there are things that didn't seem to exist, like us, maguses. Nabubuhay kami ng payapa at tahimik sa mundong ito. Ang mga magus na katulad namin ay namamalagi sa isang dimension kung saan hindi makikita ng isang ordinaryo.

"No, our existence." Gulat akong nakatingin sa kanya ng mga oras na 'yon. Nang nakabangga ko siya sa gitna ng daan, I am surprised to her appearance. She told me earlier that she has Marie Antoinette's syndrome, even so, I noticed something peculiar about her. Kahit na gano'n, hindi ko parin maiwasan ang magulat dahil sa lahat ng taong nakabangga ko dito sa mortal world ay kapwa magus ko pala.

Maybe destiny brought us together?

Nakaupo kami ngayon sa isang bench na nasa labas ng nakasarang convenience store. Tumila na ang ulan at natitirang patak na lang ng tubig galing sa medya-agwa ang maririnig.

Tahimik lamang kami habang umiinom ng kape na nakuha namin sa isang vending machine. Buti na lang ay may natitira pa akong pera dito sa bulsa ng coat ko. Maginaw parin ang paligid. The cold midnight breeze goes leisurely back and forth. Halos wala nang dumadaan sa kalsada at parang kaming dalawa lamang ang gising ang diwa sa mga oras na 'to.

Err. Gusto ko na talagang palitan yung damit ko, kaso wala naman akong matutuluyan sa lugar na ito.

"Waaah! Ilang oras pa bago dadating yung sinasakyan ko papunta dito tapos basa pa yung damit natin." Sabay piga sa coat kong basang basa.

"Wala tayong magagawa." Ininom niya ang natitirang laman ng kape niya at tinapon ang cup nito kung saan.

"Alas tres ng madaling araw dadaong ng barko dito, kailangan nating maghintay kasi iyon lang ang masasakyan natin papunta sa Scourge Island."

Nakumbinsi ko siyang sumama sa akin sa Scourge Island. Well, wala naman siyang ibang magagawa, wala siyang ibang matitirahan at posibleng hinahanap siya ng mga taga mental, baka maisama pa ako sa paghuli sa kanya. So, it's better for her to come with me at Fortran. Sabi niya naman, basta may makain daw siya at matitirahan doon, wala nang problema sa kanya.

"Ang Phantom Ship ba yung tinutukoy mo?" napalingon naman ako sa kanya. Bakit niya alam? Ang alam ko hindi pa niya nakikita iyon.

"Oo, at paano mo naman nalaman 'yon?"

Umismid siya. "May sabi-sabi kasing may dumadaang barko sa port ng San Lazaro tuwing alas tres ng madaling araw at wala namang nagka-schedule na magbi-byahe ang barko ng alas 3. Tinatawag nila iyong phantom ship."

So far 'yan ang pinakamahabang sinabi n'ya.

Alam ko namang usap- usapan dito yung barko na yan. Sino bang hindi makakapansin sa malakas na tunog nito? Ngunit hindi makikita kung saan ito galing.

Ang mga mortal din ang nagpanggalan sa barkong 'yan kaya iyon na din ang bansag namin. Pinaghihinalaan nilang sa San Lazaro port 'yon which is true (Ang galing nilang maghula ah!). Para sa mga tao nakakabaliw talaga 'yon. Hindi naman pwedeng sabihin na transportasyon iyon na nagkokonekta sa Scourge Islands at siguradong malalagot kaming mga magus.

I sighed and glanced at Ecrin.

Naisip ko lang, sa anong paraan niya natuklasan ang kapangyarihan niya? Hindi ba siya na-freak out? Nabuhay rin naman siya na sa pag-aakala niya'y isa siyang normal na tao. Paano niya kaya natanggap na naiiba siya?

I guess at the age of fifteen, maybe it is hard for her to live in a place where you can trust no one.

"Ecrin?"

Fortran Academy Of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon