Chapter 3: The Hidden Continent

134 8 0
                                    

Third Person's

AYON SA itinuturo, ang mundo ay binubuo lamang ng pitong kontinente. Bawat isa sa mga ito ay may sariling lahi, kultura, at kasaysayan. Sa kabila ng mga pagkakaibang ito, natutunan nilang magkaisa at ipagmalaki ang kanilang pagkakakilanlan. Ngunit sadyang napakahiwaga ng ating mundo. May mga lihim na hindi natin akalaing umiiral----mga bagay na tila malayo sa kaalamang batid ng lahat.

"So this is Scourge..." Bulong ni Ecrin sa kanyang sarili. Nakatuon ang mga mata nito sa islang abot-tanaw nila.

Hindi iyon nakatakas sa pandinig ni Mollie.  "Yup! Sa bahagi kung saan nagtatagpo ang Pacific Ocean at Scarlodge Domain nakakubli ang Scourge continent. What we crossed earlier is a portal in between those oceans."

Sariwa pa ang sikat ng araw, at ang mga pasahero ay nandoon na sa balkonahe ng barko, hindi sinasayang ang pagkakataon na tingnan ang magandang tanawin.

Dahil nagmula sa magkaibang mundo ang dalawang anyong-tubig, hindi magkatulad ang katangian nito kaya't hindi ito maaaring maghalo. Tulad ng magus at mga mortal, ang mga mortal ay nabubuhay sa pamamagitan ng teknolohiya, samantala ang mga magus ay nabubuhay sa pamamagitan ng mahika.

"The world is really strange." Hindi parin inakala ni Ecrin na sa pagtakas niya sa mental asylum ay mapupunta siya sa isang lugar na mas lalong hindi pamilyar sa kanya.

"Indeed, but--- the good thing is, may lugar talaga na para sa'tin." Itinukod ni Mollie ang kamay sa barandilya ng barko at dinamdam ang sariwang hangin. "Lugar na malaya nating ipakita kung ano tayo---a place where we can unlock our true potential. Not just a place that we need to blend in. Kaya Ecrin, hindi ka nababagay doon sa mundo ng mga mortal."

"Matagal ko nang alam 'yan." Makahulugang sambit ni Ecrin, salat ang emosyon sa mukha nito.

Napalingon si Mollie sa nakababata, ramdam ang tila pader na bumabalot sa personalidad ni Ecrin. Nanatiling malayo ang dalaga, isang anino sa loob ng kanyang sariling mundo----at walang sinuman ang kayang pumasok dito.

Tahimik parin si Ecrin kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Just like countries in the mortal world, ang mga bansa dito sa Scourge ay sagana sa mga pananim at mga kalakal. Isa na doon ang Fortran, ang pinakamalaking lugar sa Scourge Continent. Doon din nakatayo ang Fortran Academy, naitayo during 16th century."

Ang nagtataasang kastilyo nito ay nakatayo sa tuktok ng Drivel Mountain, sa bayan ng Esaridge. Ang layunin ng Fortran Academy ay paglinangin at palakasin ang magi na nangangalaytay sa katawan ng mga kabataang magus, upang maipagtanggol nila ang kanilang sarili at ang iba laban sa mga masasamang loob.

"Matagal na pala 'yan." Komento ni Ecrin.

Wala sa sariling napangiti ang dalaga sa turuan ni Ecrin.

"Tama ka Ecrin. Madami nang napagdaanan ang skwelahang 'yan." Malumanay nitong sambit. Tila may laman ang sinasabi.

***

Kasalukuyan, binabaybay ng mga abalang guro ang mahabang pasilyo ng akademya. Nalalapit na ang buwan ng Agosto na siyang muling pagbubukas ng akademya para sa taong ito. Nagsimula na ring bumalik ang iilang mga estudyante sa kani-kanilang dormitoryo. Makikita din sa paligid ng Fortran Academy ang mga gnome at mga fairy na pinapaganda ang hardin ng skwelahan. Pinupunasan din ng mga basahan ang bawat sulok ng mga silid kahit walang humahawak dito. Kung makikita ng siguro ito ng mga ordinaryong tao ay siguradong mahihimatay agad sila.

Usap-usapan ngayon ang huling pangkat ng entrance exam, kung saan binibigyan  ng pagsusulit ang mga kabataang gustong makapag-aral sa loob ng akademya. Dinadaan ito sa apat na pangkat at ito na ang panghuling pagkakataon sa mga kabataang gustong pumasok sa akademya.

Fortran Academy Of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon