I.N.G. (21)

294 18 3
                                    

Nobody's

(Before nagtext si Dahyun)

Dumating na ang mga mayayamang investors ng Sunrise, magagara ang suot nila tulad ng suit, tuxedo at gowns. Ang venue? ang ganda rin yung parang ballroom tapos chinese ang theme ng bawat decoration.

Ameyjingli bootyful.

Marami din ang chismosang palaka at walang tigil na pagdakdak ng bibig, alam kasi nila na si Cheol at Lisa ay magpapakasal, alam din nila na hindi sila na tanggap ng mababaw na investors at alam din nila ang ugali ng mga Choi lalong-lalo na si Seungcheol.

Ok daw kasi yung kapatid niya na si Nayeon mabait na masipag pa eh kung magiging CEO pa daw si Seungcheol, nako mawawalan pa ng trabaho.

Dumating na si Jeongyeon na fiancee ni Nayeon at alam nyo ba na pinagtitinginan siya? ang ganda niya daw kasi pero sorry taken na yan.

"Jeongyeon!"

"Momo!"

Nakita ni Jeongyeon na nagiinom si Momo, kasi low tolerance siya sa alcohol kaya madaling malasing. Tinabihan na lang ni Jeongyeon si Momo.

"Dami mo na nainom tigilan mo na nga yan"

"A…………yaw………sarap……ng……San MigBOWSH isa pang bote"

"Magagalit si Jihyo sayo"

"Nako…hindi yun *hic* wag……mo *hic*…abalahin yun"

Biglang sumakit yung ulo ni Momo at dali daling pumunta sa restroom. Si Jeongyeon ay naiwan lang sa may bar section at kumuha na lang ng champagne.

Nagtinginan lahat sa unahan, yung sa entrance, dahil dumating na ang mga Choi syempre si Jeongyeon nakatingin sa kanyang minamahal na ang bonga ng suot naka purple gown with matching long scarf na nasa kamay niya.

Well si Seungcheol pinagtitinginan talaga naka black suit at yung buhok may bangs ng kaunti like this.

Well si Seungcheol pinagtitinginan talaga naka black suit at yung buhok may bangs ng kaunti like this

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


(Nako pinapahirapan niyo akong magexplain dejoke XD)


Dahyun's

Nasa labas ako at hinihintay ang dalawang magkapatid, kilala ko na yung kapatid ni Tzuyu akala ko nga kambal sila yun pala yung isa lalaking mas matanda sa kanya.

Akala ko nga rin babae yung kapatid niya pero lalaki pala kasi ang rare ng ganyan mukha sa lalaki no.

"Dahyun!"

"Buti na lang dumating na kayo tara pasok tayo"

Pumasok na kami sa may backstage, hinanap ko yung private room, meron akong mga damit napwede rin magkasya sa kanya.

Nung nahap ko na yung private room, pumasok na kami at automatic na nag bukas yung mga ilaw at nakita ko rin yung damit ko na nakalapag sa kama.

"Eto yung susuotin ko?"

"Sorry walang panlalaking kakasya sayo di na agad nakabili"

"Sige ok lang yan mahilig ako mag crossdress"

Seungcheol's

"Ipapakilala ko sa inyo ang anak ko at next CEO ng Sunrise, Choi Seungcheol"

Nagsipalakpakan ang mga tao at tumayo na ako, tuwang tuwa sila lalo na yung future-mamaw fiance ko.

Pumunta ako sa taas at tumabi kay Mom, nagsalita pa siya tungkol sakin at yung backgrouds ko sa future. Napatingin ako kay Lisa, nag smirk na lang siya sakin na parang kakainin lang ako.

Wala namang gaganda sa araw na ito.

"Ok kainan muna tayo with some jamming musics" sabi ng host.

Pumunta ako sa restroom at naghugas na lang ng kamay ko nagiisip ako kung papaanong makaalis sa venue. Narinig kong tumugtog na ang band, naghire daw kasi si Mom para hindi mainip yung guest.

Pero di ko maiwasang kalimutan yung babaeng nakita ko sa parlor.

Jeonghan…

"I'm falling for U"

Huh, parang kilala ko yung boses na yun.

Tumakbo ako palabas ng restroom para pakinggan kung sino ang kumakanta.

"I'm falling for U once again"

Nakita ko na kung sino yung kumakanta.











































































































Siya nga………

--------
Helol pepols

i'm not a girl 》jeongcheolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon