I.N.G. (26)

261 16 0
                                    

Jeonghan's

Pumasok na ako sa parlor at kinuha ko yung nametag, nagayos ako ng buhok ko at gorabels na sa pagtatrabaho, pero ang weird ng araw na ito.


Ang tahimik sa parlor di sila nagsasalita, kahapon pa kaya ito nung pagdating ko, parang di ako sanay na tahimik sila.



Dumating yung isang customer, pumunta siya ng front desk at umupo sa may manicure section at si Seungkwan naman ay ginawa niya ang trabaho niya ng professional na manicurist, walang ingay tahimik lang siya.


Hindi rin makatingin si Minghao sakin eh pati si Wonu at Jihoon, parang may nangyari eh, ayaw lang nila sabihin. Anla, bahala na kinuha ko yung cellphone ko at tingnan ko ang messenger ko.


ChoiSeungcheol send you a request.

Accept|Decline

Sige inaccept ko na para tumigil na siya, pero…

ChoiSeungcheol: Hi bby ❤

Bulag ata ako, tinawag na niya akong baby. Huta, si Joshua lang ang tumatawag sakin at dont forget may heart pa.


JeonghanYoon: Paano mo ako nahanap yung fb ko? at saka di mo ako baby


ChoiSeungcheol: Bby, I had resources


Huta part 2, dami daw resources ano siya hacker, naghire ng investigator o baka may nilagay siyang tracker sakin?
o may directory siya sa bahay? Biglang nag vibrate yung phone ko.

*BAKLA, MAY TAWAG KA!* (ringtone ito XD)

Mr. Seungcheol

Calling…

*BAKLA, MAY TAWAG KA!*


Tatawagan ko ba siya o hindi, hindi na HINDI tatawagan ko siya, naka di ako tigilan nito kaya hindi na HINDI tatawagan ko pa rin siya. Nako po di ko kayang tawagin siya.

Ano ba, brain tatawagan mo o hindi?


Well no choice, pumunta ako sa labas at pinindot ko yung ok.

"Hello?"

["Hi, Jeonghan how is your day?"]

Di maganda dahil sayo tumawag ka pa.

"F-Fine"


Bakit ba ako nauutal?


["Oh, nice um kailan ka magbrebreak time?"]


Wow parang gusto akong kitain nito, I can feel it. Di agad ako nakasagot dahil iniisip ko kung anong oras.


"Mga 10:30"


["Ah, ok busy ka ba?"]

Di naman ano ka ba eh ikaw? Nagtatrabaho ka ba sa Sunrise o sinasayang mo lang yung oras mo sakin?

"Oo, sige bye"

Binaba ko agad yung tawag niya at dali dali akong pumunta sa parlor. Huminga na lang ako nang malalim dahil tapos na yung usapan namin, umupo na ako sa may waiting line. Tumingin sakin si Jihoon yung usual na face nya pastraight line yung bibig.

"Dyosa, customers diyan diba?"

"Sorry naman kasi ang init………gawa ko"

Oo, ang init kaya sa may pwesto namin, walang electric fan at sira naman yung aircon di pa nadating yung nagaayos. After 46 customers pagod na ako, biruin mo pawis, concentration sa paggupit ng buhok at yung ngalay pa lalo na sa kamay mo, grabe magkakasakit ata ako.

At gutom na ako, di pa ako nakakabili ng pagkain.


Nung natapos na yung customer ni Minghao lumabas na siya para kumain, si Jihoon naman ay binuksan yung baon niya na may bibimbap at jokbal na may strawberry milk, tapos si Wonwoo nakishare kay Jihoon. Si Seungkwan ay pinadalahan ng pagkain galing kay Hansol, magkaibigan lang daw sila soon to be in love with other.

Pero ako walang pagkain, nakakahiya makishare kay Kwan, mas lalo na kay Jihoon, ayaw ko naman kay Minghao ang weird ng pagkain.

Sige ok lang akong di kumain para mag diet ako.

*knock knock*

Napatingin ako sa may glass door at nakita ko yung bodyguard ni Cheol na may dalang isang brown na supot, pinapasok siya ni Seokmin.

Lumapit ako sa pinto at ngumiti sakin si Lu Feng bago niya binigay yung brown na supot tapos umalis na agad siya, walang single goodbye lang sakin.

Tingnan ko kung anong laman ng supot bigla kong naamoy yung beef.
Beef stew ang sarap grabe, at napatingin ako sa supot dahil may nakalagay na sticky note, binasa ko yung sulat.

Have a nice lunch bby ❤

-Seungcheol ❤

--------
Team bahay na naman ako ;-;























i'm not a girl 》jeongcheolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon